Chapter 15:
Francine's POV:
Tinitigan niya ang regalo sa kanya ng ate at bayaw niya, kakarating lang ng mga ito, at mukhang masayang masaya ang mga ito, pati na din ang Nanay niya, na sinundo pa pala ng mga ito.
Habang siya naguguluhan kung ano ang gagawin.
At kung ano ang iisipin.
Mababaliw na yata siya.
Tinignan niya ang mga ito, mula sa ate at bayaw at Nanay niya, mukhang refresh na refresh ang mga ito, habang siya?
Maloloka na yata.
"Didn't you like it? That's what you want right?" Narinig niyang sabi ng bayaw niya, napatingin siya dito.
Halos nakalimutan na nga niya na gusto niya ang camera'ng 'to eh.
Iba na kasi ang gusto mo di'ba?
Hindi niya pinansin ang patutsada ng isip niya.
"Hindi ka ba pinahirapan ng mga pamangkin mo anak?" Tanong sa kanya ng Nanay niya, inirapan niya ito.
Tumawa ito, alam kasi nitong nagtatampo siya dito dahil hindi ito nagpaalam sa kanya.
Dahil sila lang kasi ni Ivan ang nasa bahay at walang bantay ay 'sinalakay' siya ni Ivan.
Namula siya ng bahagya.
Ramdam rin niya ang mainit na titig sa kanya ni Ivan, bigla niyang naalala tuloy ang sinabi nitong lagi siyang pinapanood nito sa may malayo sa loob ng ilang taon.
Pati na ang mga pagsabi nitong maganda siya.
Sa tingin niya kasi hindi siya maganda eh, laging nakatatak kasi sa isip niya na mas maganda talaga ang ate niya, since lagi iyong sinasabi ng mga tao.
.."..proposal.."
Ano bang gagawin niya sa alok nito?
Pakiramdam niya para kasi siyang daga na masusukol ng pusa sa alok nito eh,..mapanganib.
Sa estado nitong Mafia, alam niyang marami itong alam sa sindikato.
Naputol siya sa pag iisip nung biglang nawala sa kamay niya ang camera.
"Kung ayaw mo nito, isip ka ng gusto mo" sabi ng ate niya.
Agad niyang ipinilig ang ulo dahil hindi bagay ang naiisip niya, kungdi tao.
"G-gusto ko 'yan" Mahinang sabi niya.
"Ahhh" sabi ng ate niya at nakita niyang nakatingin ito kay Ivan.
"A-akin na nga! Wala nang bawian, gagamitin ko 'yan sa trabaho" sabi niya sa ate niya.
"Aayusin na namin ni Viktor ang pag uwi niyo ni Nanay" sabi ng ate niya, wala sa loob na tumango siya.
Agad nagkumustahan ang mga ito at ang mga pamangkin niya, habang siya tulalang bumalik sa kwarto niya.
At nag isip kung ano ang gagawin.
Sabi ng ate niya, babalik na daw sila sa pilipinas ng Nanay, ibig sabihin...
Hindi na niya makikita si Ivan.
Dapat matuwa siya, pero bakit parang masakit sa dibdib?
Anong gagawin niya sa sinabi nito?
Itutuloy kaya nito ang sinabi nitong tutulungan siya? Paano kung mahuli siyang nakikipagtulungan sa mga mafia? Hindi ba siya mapapahamak sa trabaho?
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETED
Algemene fictieIvan became the most kind. The most playful and naughty. The most feared savage man...rolled into one. Yes, he's not just one ordinary man, he's all the man you could ever want...or not. He was a normal kid before, but not after life fúcked him. It...
