Special chapter part 2 (spg)

53.7K 1.3K 68
                                    


(Note: pls do not engage into pre marital sex, saka na pag graduate na ng college okay? Kawawa ang magulang)

--

Francine's POV:

Naiinis na pinatay niya ang tawag ng asawa niya.

Nakatanggap siya ng text kanina dito at binati siya nito ng good morning, hanggang ngayon kasi nagtatampo siya.

Kung noon, kahit anong inis niya dito dahil sa pagkapuyat niya sa gabi gabing pagtatalik nila hahalikan siya nito ng hahalikan, pero kanina ni kiss na panakaw, wala.

Kaya naiinis siya dito, naiinis na ibinulsa niya ang cellphone.

At ipinagpatuloy niya ang pagme-make uo para takpan ang pamamaga ng mata niya at nangingitim ng mga iyon.

Kailangang takpan niya iyon kaya tinagalan niya ng konti ang paglalagay.

Pakiramdam niya ang pangit na niya, biglang nahawakan ang pipis pang puson.

Kanina lang ay nalaman--

"Ms. Francine?" Napapitlag siya dahil sa tawag sa pangalan niya, pagtingin niya ay nakita niya ang isang lalaki na nakasalamin at may hawak na isang maliit na notebook.

"Yes?" Tanong niya.

"Bagong intern po ako dito, at pinapatawag na po kayo--"

"Ah, hello, sa studio six di'ba?" Sabi niya at ngumiti dito kukunin na sana niya ang bag pero bigla itong nagsalita.

"Ms. Francine lipat daw po kasi may problema po sa lighting sa studio six, sa studio eleven daw po" paliwanag nito, tumango tango siya.

Nung isang linggo kasi biglang nahulog ang isang ilaw doon at muntik na siyang mahulugan.

"Ah, ganoon ba, sige" sabi niya ay nauna na itong lumabas at sumunod siya sa pagsakay ng elevator, since medyo sa upper floor pa.

Napansin niyang tingin ng tingin sa kanya ang bagong intern dahil kita iyon sa salamin ng elevator.

"Ms. Francine, ang ganda niyo naman po, pwede pong humingi ng autograph mamaya?" Tanong nito habang ngumiti, ngumiti din siya dito.

"Sige ba" payag niya, nang nakarating sila sa studio eleven ay nakita niyang walang katao tao doon.

Nagtaka siya.

Iginala niya ang tingin pero maliban sa ilang ilaw ay walang tao akmang tatanungin niya ang intern nung bigla itong nag reflect sa salamin at nakita niyang hahampasin siya nito mula sa likod!

Tumili siya at agad na umiwas, naramdaman pa niya ang hangin sa .muntik nang pagkapalo niya, nakatakbo siya medyo malayo dito.

"Anong ginagawa mo!" Sigaw niya dito at nakita niyang may hawak itong baseball bat

Ngumisi ito.

"Bakit ang hirap mong patayin?" Sabi nito at unti unti itong lumalapit sa kanya, agad siyang sinalakay ng kaba.

"S-sino ka!" Sabi niya at agad na naghanap ng armas ang mata niya.

"Ako? Isa akong..taga hanga" sabi nito at saka ito humalakhak ng malakas.

Mukhang pinaghandaan nito ang mga plano dahil dinala siya nito sa studio floor na walang masyadong tao.

Hindi niya alam kung ano ang atraso niya dito, at kung sino ito.

"Hindi ko alam kung bakit may sa pusa ka eh, nakaligtas ka sa binutas kong brake line mo..ano pa ba, teka..tama! Iyong ilaw pa pala" sabi nito at nanlaki ang mata niya.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon