Decision

22.7K 760 6
                                    

Chapter 27:

Francine's POV:

Nakayuko siya habang nag aantay sa labas ng operating room, kasalukuyang inooperahan si Ivan ngayon mula sa tama ng bala sa likod nito.

Hindi niya alam ang iisipin.

At gagawin.

Napatingin siya sa kamay niyang puno ng dugong natuyo na.

Ang dugo ni Ivan kanina.

Halos mabaliw siya kanina nung nakita niyang nakapikit na si Ivan, nagsisigaw na siya kanina bago dumating ang mga medic kanina, iyak na siya ng iyak sa pag aakalang patay na ito.

Maraming dumating ng realisasyon sa kanya kanina, isa na doon ay ang paninisi niya sa sarili dahil sa ginawang pagtulong nito sa kanya.

Napahamak si Ivan dahil sa pagiging ambisyosa niya, na gusto niyang makilala sa buong mundo.

Hindi niya akalaing ang magiging kapalit niyon ay ang pagkapahamak ni Ivan dahil doon.

Naisip niya kanina, para saan pa ang pagiging sikat kung wala si Ivan sa kanya.

Napakurap siya.

Ano?

Napapikit siya.

Biglang bumalik sa kanya ang naramdaman niya noong una niyang nakita si Ivan, ang mga ginawang paghalik sa kanya, ang kapilyuhan at pang aasar nito, ang ginawang pagtulong sa kanya, ang pagliligtas sa kanya...

Dahil sa wala siyang tiwala sa mga lalaki.

Naging bulag siya sa mga taong gustong magmahal sa kanya.

At naging bulag siya para hindi agad mapansin na mahal na niya ito.

Mahal na niya si Ivan.

"Ivan" naiusal niya ang pangalan nito, hindi niya alam kung kailan nahulog ang loob niya dito, kung noon pa bang una silang nagkakilala at nahalikan siya dahil hindi ito nawala sa isip niya, o kaya nung nagkita sila ulit..

Hindi niya alam kung kelan pa.

Basta ang alam niya ngayon, mahal niya si Ivan, at ayaw niyang mapahamak ito kaya naman muntik na siyang nakapatay para sa kaligtasan nito.

Ni hindi na niya inisip kung makukulong siya kanina habang sinasakal niya iyong Malaysian.

Aaminin niyang naging bulag siya sa nararamdaman, dahil hindi pa naman siya naiinlove at wala siyang tiwala.

Pero dahil kay Ivan, natutunan niya ang magmahal sa isang tao at mahalin ito higit pa sa sarili niya, at muling magtiwala, lalo na sa nararamdaman nito para sa kanya.

Ang nararamdaman nitong pagmamahal sa kanya na gagawin nito ang lahat para sa kanya, na siyang muntik nang pumatay dito.

Napapitlag siya sa biglang pagbukas ng operating room at lumabas ang doktor na gumagamot kay Ivan ngayon.

Napuno ang dibdib niya ng kaba dahil sasabihin na ng doktor kung ano ngayon ang lagay ng binata.

"Are you the wife of the patient?" Tanong sa kanya ng doktor.

Wala sa loob na napatango siya ng ulo.

"Fortunately, the bullet didn't puncture his lung, he had two broken ribs but we managed to get the bullet out from him, he's a strong man and he's stable now..but for now, we put him under sedation for the healing process" sabi ng doktor at nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor na ligtas na ito.

"Thank you! Doctor thank you very much!" Sabi niya dito sa lubos na pagpapasalamat.

Parang may mabigat na bagay na naalis sa dibdib niya sa kaalamang ligtas na ito.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon