Kidnapped

23.8K 739 5
                                        

Chapter 25:

Francine's POV:

Halos patapos na ang presscon.

At parang maagang matatapos.

Hindi pwede.

Ginagawa ni Ivan ang lahat para sa misyon nila, dapat lang na gawin din niya ang dapat.

She exhales.

Itinaas niya ang kamay at agad siyang napansin ng speaker.

"Sir, are you planning to run this upcoming election?" She specifically asked.

Nakita niyang saglit itong tumingin sa speaker.

Mukhang nakuha niya ang atensyon nito, since marami silang nagbabatuhan ng queries dito, parang nabuhay ang pagiging reporter niya.

"Yes" diretsang sabi nito.

Agad na nagsi-type ng report ang mga reporters na nandoon.

Natuwa naman siya, dahil nakakuha siya ng rhythm.

"Then how and what are the means to provide more services with less revenue?" Tanong niya ulit.

Nakita niyang tinititigan siya ng matandang Malaysian ng matiim.

Parang ayaw nito ng salitang revenue.

"I believed that those things should be planned carefully in the future, besides I'm just still planning to run" sagot nito.

"Sir but why it should be planned in the future, since you wanted this country to be more successful in terms of things, why not reveal things today?" Tanong ng isang reporter sa may di kalayuan.

Napalunok siya.

Mukhang successful naman siya dahil parang tumatagal na ang presscon nito dahil sunod sunod na ang tanong ng ibang reporters.

Tumayo ang balahibo niya sa batok nung naramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya.

Gusto na niyang umalis pero hindi pwede, ginagawa ni Ivan ang lahat--

Natigilan siya.

Ginagawa na ni Ivan ang lahat para mapatunayan na malinis ang intensyon nito sa kanya.

Na itinataya nito ag buhay nito para sa kanya.

Eh siya?

"Alright, the press con ends here today, thank you for all the questions.. Good day" narinig niyang sabi ng speaker.

Agad na naagaw ang pansin niya at nag panic siya.

Agad siyang nagsalita.

"Ivan? Ivan? Tapos na ang presscon" bulong niya.

Pero hindi siya sinagot ni Ivan ang tawag niya.

Hindi kaya?

Ipinilig niya ang ulo para alisin ang anumang masamang bagay na naisip niya.

Pumunta siya sa isang sulok sa labas kung saan walang masyadong tao para maghanap ng spot kung saan baka pangit ang signal ng mic niya kung anuman kaya hindi niya matawag si Ivan.

Pinisil niya ang nasa tenga para nakarinig ng kung anumang salita galing kay Ivan.

"Ivan? Are you still there?" Subok niya.

Unaware siya sa taong sumusunod sa kanya dahil ang pansin niya ay buong na kay Ivan at kung bakit hindi ito sumasagot.

"Ivan? Are you safe? Ivan!" Mariin niyang sabi niya habang tutok na tutok siya.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon