Chapter 21:Francine's POV:
"Ano naman? Eh magiging asawa mo na siya" sabi nito at pakiramdam niya, nawalan siya ng hangin sa buong katawan at utak.
"Nay! Hindi magiging ganoon!" Kontra niya dito.
"Aysus! Ang mga ganyang galaw ni Ivan hindi ko pa ba alam, Francine" sabi ng Nanay niya, anong ibig--
Namula yata siya ng todo.
Mukhang nay alam yata ang Nanay niya tungkol sa nangyari sa kanila sa Amerika dati ni Ivan.
Pero walang nangyari sa'min! Gusto niyang isigaw iyon sa Nanay niya.
"Anak, boto naman ako kay Ivan eh, saka may balak siyang manligaw sa'yo di'ba?" Sabi ng Nanay niya, namula siya.
Mukhang sinabi ni Ivan sa nanay niya na may balak itong ligawan siya.
"Nay! May manliligaw bang tinitignan niya 'yong panty ko! Hoy!.." Sigaw niya kay Ivan at agad itong nilapitan at hinablot dito ang hawak pa rin nitong panty niya.
"Huwag mo ngang hawakan 'yan! Manyak ka!" Asik niya dito, ewan niya kung ano ang ginawa nito sa Nanay at ganoon na lang nito kagusto si Ivan para sa kanya.
"So you love lace" sabi ni Ivan at ewan niya pero parang naging paos ang boses nito.
Narinig niya ang tawa ng Nanay niya.
"Lumabas na nga kayong dalawa!' May halong tiling sabi niya, para siyang matutuyan ng dugo sa dalawang 'to.
"Ivan, sunod ka na lang para sa agahan" sabi ng Nanay niya at umalis na ito.
"Ikaw! Anong inaantay mo!" Sabi niya at pilit na tinatakpan ang pagsusungit ang consciousness na nararamdaman niya dahil sa mainit na titig nito sa katawan niya, lalo na sa exposed na parte ng legs, balikat at leeg niya.
Kahit na may tuwalyang nakabalot sa kanya ay parang pakiramdam niya hubad na hubad siya sa harapan nito.
"My breakfast..and it smelled really good right now" paos na boses na sabi nito na dahilan kung bakit napalunok siya.
Para kasing ibang 'almusal' ang sinasabi nito.
Akala ba niya walang hawak, yakap at halik?
At bakit parang excited siya sa anumang gagawin nito?
Nasisiraan na yata siya.
"Out!" May halong tiling sabi niya lalo na nung nakita niyang titig na titig ito legs niya.
Akala niya ay bigla siya ng dadaluhungin nito pero nagulat siya nung ngumiti ito at binuksan na ang pinto ng kwarto niya.
"By the way,... prepare" sabi nito at halos na ito.
Patda naman siya sa sinabi nito.
Prepare saan?
Parang lalong nadagdagan ang excitement niya kanina.
Tulirong nagpalit siya ng damit at saka siya pumunta sa kusina, at nakita niyang prenteng nakaupo na doon si Ivan habang nagkukwentuhan ito at ang Nanay niya.
"Ah syempre, magaganda ang anak ko kasi mana sa'kin" narinig niyang pagbibida ng Nanay niya.
"Kamukha ko ang Papa 'nay" nakasimangot niyang sabi.
Pero parang walang narinig ang Nanay niya at tuloy ito sa pagkukwento, walang imik na kumuha siya ng pagkain.
"Hindi mo ba bibigyan ang magiging asawa mo?" Biglang sabi ng Nanay niya at biglang napaubo siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/130733031-288-k348118.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETED
Fiksi UmumIvan became the most kind. The most playful and naughty. The most feared savage man...rolled into one. Yes, he's not just one ordinary man, he's all the man you could ever want...or not. He was a normal kid before, but not after life fúcked him. It...