Determined

34.3K 953 33
                                        

Chapter 10:

Francine's POV:

Bumuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang mga pamangkin na naglalaro.

Buti pa ang mga ito, walang problema.

Eh siya?

Pinoproblema mo 'yong pagsipsip ni Ivan sa--

Namula siya.

Biglang sumingit na namana ang eksenang iyon sa alaala niya, dalawang araw na simula nung huling pag 'uusap' nila ni Ivan.

At ayaw niyang makita ito, ni ayaw niyang naririnig ang pangalan nito, pero anong magagawa niya, eh magkasama sila sa bahay.

Lagi niya itong nakikitang nakasunod ng tingin sa kanya, iyon na nga lang yata ang nakikita niyang ginagawa nito.

Kapagka gusto siyang lapitan nito ay mabilis na mabilis siyang lumalayo at agad na dumidikit sa mga pamangkin niya, sa kwarto na nga lang ng kambal siya natutulog eh, at wala ang mga nannies ng mga ito dahil uwian ang trabaho ng mga ito.

Determinado talaga siyang iwasan ito.

Ayaw niyang masaktan, pati ito.

Natigilan siya.

Masaktan?

Bakit? May nararamdaman na ba siya para kay Ivan?

Aminado siyang crush niya ito.

At wala na akong balak na palalimin iyon. Matigas na sabi ng isip niya.

Wala itong mapapala sa kanya.

Ayaw niya talaga.

Ipinikit niya ang mata at nag isip ng ibang bagay bago pa man may sumaglit ulit sa isip niya.

Napapitlag siya nung biglang tumili ang mga pamangkin niya.

"Auntie auntie! Mommy wants a video call!" Excited na excited na sabi ng mga ito, ikaapat nang araw nung umalis ang mga ito.

Agad niyang pinindot ang button para tanggapin ang video call ng kapatid.

Agad na tumambad sa kanya ang kapatid na nakasuot ng isang gown.

"Hello babies! Mommy is here!" Agad na sabi ng kapatid niya sa mga anak nito. Tuwang tuwa naman ang kambal, nung una ay nagtaka siya kung bakit walang cellphone ang mga pamangkin niya kaya naman sabi ng mga nanny ng mga ito ay bawal pa.

Kaya naman laging phone call ang ginagawa ng mga ito at ngayon lang ang video call, saka lang niya napansin na sobrang blooming ng kapatid niya.

Lalo itong gumanda.

"Mommy mommy! We miss you already! Please come back!

" I will babies, three more days okay?"sabi ng kapatid niya.

Natigilan siya.

Tatlong araw na lang at uuwi na siya.

"Ate" pormal na pormal niyang sabi.

Natigilan naman ang kapatid niya.

"Uh oh, auntie is angry" narinig niyang sabi ni Aleksandr.

"Shhhh! Auntie will snapped at you, be quiet!" Sabi naman ni Anastasiya at hinila ang kapatid para bigyan siya ng privacy ng mga ito.

"Bakit hindi mo sinabing umalis si Nanay?" Pormal niyang sabi dito.

"I want to treat Nanay" tila bale walang sabi nito.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon