Chapter 16:
Francine's POV:
Napangalumbaba siya mesa habang nag iisip.
Kakatapos lang ng mga ini encode niya para sa opisina, halos isang linggo na nung nakabalik sila sa pilipinas ng Nanay niya.
Bumuntong hininga siya uli.
Ilang araw na ba siyang ganito?
Lagi na lang siyang tulala, at hindi siya makahinga concentrate.
Bakit ba nagkakaganito--
Aysus! Si Ivan kasi hindi ka kinausap at inihatid sa airport eh!
Napasimangot siya.
Oo na, inaamin niya, talagang naiinis siya, akala ba niya tutulungan siya nito? Eh bakit hindi siya kinausap, no hindi inihatid, ni hindi man lang ito nagsalita simula nung araw nung nakauwi ang ate at bayaw niya pati ang Nanay niya?
Ni wala nga siyang balita dito eh.
Bigla na lang itong nawala na parang bula.
Kaya bwisit na bwisit siya, akala niya papatunayan nito ang sarili nito sa kanya na mapagkakatiwalaan niya ito? Eh bakit ni hindi ito nagpapakita?
Bumalik na ba ito sa Russia?
Pinapanood ba siya nito sa malayo?
Akala niya tutulungan siya nito?
Aminin man niya o hindi simula nung nalaman niyang pinapanood siya nito, lagi na siyang nag aayos at inaayos niya lagi ang ekspresyon ng mukha niya.
Namula siya.
Ano ba 'tong ginagawa niya?
Bakit ba niya ito inaantay kung kelan ito magpapakita? Kung hindi ito magpapakita, eh di hindi.
Eh bakit muntik na niyang tawagan ang bayaw niya kung ano ang nangyari kay Ivan?
"Ah! Bwisit!" Inis na sinabunutan niya ang buhok.
Bakit ba niya iniisip na dapat noon pa binigay na niya ang desisyon niya sa proposal nito?
"In love ka ba?" Napatalon siya sa gulat at napatayo siya bigla at agad na tinignan ang nagsalita at nakita niya ang kaibigan na si Mark.
Ito ang kaibigan simula nung college, ito ang nagsilbing tagapagligtas niya nung panahong muntik na siyang magahasa, ito ang may ari ng sasakyan na nakakita sa kanya sa kalsada bago pa man siya magahasa, isa ito sa pinagkakatiwalaan niya ng buo, ito din ang nagsugod sa kanya sa hospital nung nagkasakit siya anim na taon na ang nakakaraan, malaki ang utang na loob niya dito.
Matagal na niyang kaibigan ito, mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon.
Nagtatrabaho din ito sa station bilang isang reporter, may segment na nga ito eh.
"Anong in love ka diyan! Hindi ah, alam mong hindi pwede" sabi niya dito.
Nakangiting ginulo nito ang buhok niya at tumawa.
"Ikaw naman, niloloko ka lang eh" tumawa ito nung tinampal niya ang kamay nito sa buhok niya.
"Kumain ka na ba?" Tanong nito, umiling siya.
"Ayokong kumain eh" sabi niya, wala talaga siyang gana
Si Ivan kasi eh.
Bwisit talaga.
Tinitigan siya nito.
"Bugtong bugtong" sabi nito bigla, natawa siya, isa iyon sa mga namimiss niya dito, ang pang aasar nito.
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETED
General FictionIvan became the most kind. The most playful and naughty. The most feared savage man...rolled into one. Yes, he's not just one ordinary man, he's all the man you could ever want...or not. He was a normal kid before, but not after life fúcked him. It...
