Discover

26.6K 807 12
                                    


Chapter 24:

Francine's POV:

Kakamot kamot siyang umupo at pipikit pikit na tumayo nung nakarinig siya ng sunod sunod na katok mula sa pinto ng kwarto niya.

"Sandali!" Naiinis na sabi niya dahil parang may sunog sa hotel, puyat na puyat ang pakiramdam niya.

Hindi.

Puyat talaga siya, hindi siya agad nakatulog dahil sa mga nangyari kagabi, hindi niya kasi maialis sa isip niya ang ginagawa ni Ivan, pati na din kung paano siya minasahe nito sa balakang.

Kaya ngayon, mainit ang ulo niya dahil parang kakapikit pa lang at kakakuha ng tulog niya, ngayon may kumakatok na parang may sunog.

"What do you want--" natigil siya sa pagsasalita nung akala niya bellboy lang ang nasa labas, ang kaninang inaantok niyang diwa, ngayon ay parang gising na gising na dahil ang lalaking hindi nagpatulog sa kanya, ang ngayong nagpagising sa kanya.

"Good morning, Franci--"

Naputol ang anumang pagbati nito dahil bigla niyang isinara ang pinto.

Shít ano bang ginagawa ng lalaking 'to nang ganito kaaga!

Agad siyang napatingin sa oras at nakita niyang alas syete na nang umaga.

Nakarinig siya ulit ng sunod sunod na katok, nakagat niya ang ibabang labi.

Ano bang sasabihin niya dito matapos ang insidente kagabi?

"Francine open up" his voice was muffled.

Bumuntong hininga siya.

Mukhang kailangang harapin niya talaga ito.

Bahala na.

Bumuntong hininga muna siya habang nakatayo sa pinto at binuksan iyon.

"Did you already have your breakfast?" Tanong nito, yumuko siya at umiling.

Pagyuko naman niya pumunta ang mata niya sa pundilyo ng slacks nito.

Napasinghap na iniwas niya ang paningin.

Napapitlag siya nang biglang naramdaman niya ang daliri nito sa baba niya at hinuli ang paningin niya.

Napalunok siya.

"Are you being shy?" Tanong nito, agad niyang inalis ang kamay nito sa baba niya.

"A-ano bang sasabihin mo?" Pilit niyang pinapasungit ang boses.

"Let's go have our breakfast together, and later we will do our purpose here" sabi nito at bahagyang itinulak nito ng pinto at pumasok ito, napamata naman siya dito.

Tapos ay tumikhim ito.

"Aren't you going to change?" Tanong nito, tinignan niya ang sarili at agad niyang naitakip ang braso sa magkabilang dibdib dahil wala siyang bra, alam niyang medyo makapal ang T-shirt at ang pyjamas niya, pero baka may nakikita ito.

"Diyan ka lang" sabi niya dito.

Nakita niyang nagkibit balikat ito.

"I'm not a peeping tom like you--"

Agad siyang namula.

"G-ga-gago ka ah" nauutal niyang sabi.

Nakita niyang ngumiti ito, tapos ay tumawa.

"Loosen up, Francine, I'm just kidding, it's okay that you saw me doing 'that'..at least you now know that you make my heart race..."

.."while making my libido...boil"

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon