Choosing

28.8K 935 27
                                    

Chapter 38:

Francine's POV:

.." That's why I proposed to you before to help you about your career, so I could see that smile of yours, even of means, giving my life in the process"

Sukat sa sinabi nito ay biglang bumalik sa alaala niya kung paanong nabaril ito dahil sa ginawang pagprotekta sa kanya.

Agad siyang tumitig dito.

"I'm sorry, guilty talaga ako nung nabaril ka, ayaw kong mapahamak ka dahil masyado akong naging ambisyosa--"

"Shhhh! It's my choice, you don't have to apologized with me" sabi nito at nakalagay ang isang daliri nito sa ibabaw ng labi niya.

"Sorry talaga--"

"Hush Francine..one more apology, or I'll kiss you" sabi nito at titig na titig ito sa labi niya, napalunok siya, umaatake ba si Jazz?

Pero hindi ito mukhang apurado na mahalikan siya, ibig sabihin ay si Ivan pa rin ito.

Napaisip siya.

"I'm offended, you don't want a kiss from me when the other night you were asking for it" buska nito.

Napasinghap siya at nanlaki ang mata.

"H-hoy!" Namumula yata siya, kasi naalaa niay din kug paanong gustong gusto niyang halikan siya nito, at kung paano niya sinagot ang mga halik nitong nag aalab sa mga labi niya.

Parang nararamdaman pa niya ang halik nito sa kanya, kahit na ang sinabi nito ay nung isang gabi pa iyon, pero pakiramdam niya parang nangangapal pa 'yon.

Bigla tuloy siyang napatingin sa mga labi nitong pink na pink, ang mga labing nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na kiliti at sarap--

"Huwag mo nga akong niloloko!" Namumulang sabi niya dahil kung saan saan na napunta ang mga iniisip niya kanina, pinilit niyang bawiin ang kamay pero hindi nito iyon pinakawalan.

Napalunok siya nung dinala nito sa labi nito ang kamay niya at hinalikan nito iyon, halos magwala ang puso niya sa ginawa nito.

At ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng kilig.

"Do you want to know how Bass was created?" Sabi nito at pinag aaralan ang ekspresyon ng mukha niya.

Tumango siya.

"He was the first one that was created when killed them.."sabi nito sa kanya.

Natahimik silang dalawa ng ilang saglit.

Ibig sabihin ay si Bass ang Ivan na ang pagkatao ay laging galit at paghihiganti ang alam dahil sa nasaksihang karahasan..

Biglang rumagasa ang mga iniisip niya.

"He introduced himself to me when Viktor's uncle passed the management of the Mafia to Viktor, that I should eliminate Viktor and take over, but I didn't give in"

Napakurap siya ng ilang beses sa sinabi nito.

Muntik na nitong pinatay si Viktor?

"Oh my God" bulalas niya, ibig sabihin ba..nanalo si Jazz sa loob nung sinabi ni iyon ni Bass dito?

Posible bang nag aaway ang mga persona ni Ivan sa loob nito?

Eh di ibig sabihin, si Ivan ang naging mediator sa dalawang personality nito?

Sa loob ng maraming taon?

"That's how I dwell my monsters inside me, I haven't heard anything from them for all the years..and then I met you, I mean, we all met you" seryosong sabi nito.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon