Chapter 13:
Francine's POV:
Napaungol siya sa mabigat na bagay na parang nakadagan sa kanya, halos hindi siya makahinga.
Tumagilid siya.
Pero parang humabol sa kanya ang mabigat ng bagay na 'yon.
Bumuntong hininga siya, gusto pa niyang matulog, dahil parang pagod na pagod ang pakiramdam niya, parang hindi lang pisikal na katawan niyang napagod, parang buong pagkatao niya, parang may nilabanan siyang kung anong masakit na bagay.
Masakit na bagay?
Ang alam lang niyang masakit na bagay ay iyong emosyonal na sakit nung hinabol siya ng dalawang lalaki para pagsamantalahan.
Bago namatay dati ang Papa nila nung nangyari iyon, dalagita lang siya at nagpapart time para sa pag aaral niya .
Matagal na nangyari pero para sa kanya hindi niya magawang kalimutan, at bumalik iyon ng pwersahang may pumunit ulit ng damit niya.
Gaya ng ginawa ni Ivan.
Ivan?
Napasigaw siya ng bahagya at biglang napaupo mula sa pagkakatulog niya.
"Good morning, my delicate rose" sabi ng isang boses at agad siyang napasinghap at hinila ang kumot at sumiksik sa headboard ng kama.
Ang naalala niya kagabi ay bigla nitong hiniklas ang suot niya, bukod doon, wala na.
Napansin niyang may damit na siyang suot.
"Hush" sabi pa rin nito.
"Get. Away. From. Me" mariin niyang sabi nakita niya kung paanong ang sakit ay bumalatay sa mukha nito.
Bakit? Takang tanong niya sa isip.
"I'm sorry, Francine" sabi nito.
Nagulat naman siya.
"Ba--I mean, I didn't know what have you come through, I was so mad last night, not thinking all of the actions I've done, I'm so guilty, I'm sorry" sabi nito saka ito yumuko.
Natigilan siya sa sinabi nito.
"H-hanggang saan ang nakita at narinig mo?" Nanginginig niyang sabi.
"I heard and saw everything" sabi naman nito.
Napapikit siya ng mariin.
Kung ganoon alam na nito ang lahat, ang takot niya sa lalaki dahil sa naranasang muntik nang ikinasira ng buong buhay niya.
At hindi niya alam kung bakit pero parang ayaw na niyang magtama pa ang mata nila ni Ivan, ibayong hiya ang nararamdaman niya.
"So now you know" pilit niyang pinatitigas ang boses pero ang totoo, gusto na niyang umiyak.
"So that's why Felicity said you suffered enough..." Mahinang sabi nito, napahangingan na pala ito ng ate niya.
"It doesn't matter, what matters is.. now" sabi nito at agad na naagaw ang pansin niya sa sinabi nito.
"Ibig sabihin..bale wala lang ang mga nangyari sa akin.." Mahinang sabi niya, ewan niya pero parang ang sakit sakit ng sinabi nito.
"No! I mean, I accept all of the things that happened to you! I mean oh shit-- I don't care what happened, the only thing matters now is that you're here now, Francine" sabi nito.
Napatitig siya dito.
Anong sinasabi nito?
Tanggap nito ang lahat ng nangyari?
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETED
Ficção GeralIvan became the most kind. The most playful and naughty. The most feared savage man...rolled into one. Yes, he's not just one ordinary man, he's all the man you could ever want...or not. He was a normal kid before, but not after life fúcked him. It...
