Almost

23.1K 820 28
                                    

Chapter 28:

Francine's POV:

Kanina pa siya lutang habang tinitigan ang reports na hawak niya para mamayang gabi, tinawagan kasi siya kanina na may meeting ngayon ang board.

At kasali siya doon para sa isang project na pag uusapan nila.

At naalala niyang kasali sa board si Ivan...

At makikita na niya si Ivan.

Bumuntong hininga siya.

Ngayon na ba ang araw kung kelan niya sasabihin dito ang desisyon niya?

Ano na nga ba ang desisyon ko?

Agad na lumipad ang isip niya ang mga ideya niya kagabi dahil sa mga napanood na pelikula, gulong gulo na kasi siya kaya naman naisipan niyang nanood na lang ng movies.

Ang namumukod tanging desisyon niya kagabi ay iwasan na lang ito para hindi ito mapahamak dahil sa mga nagbabanta sa buhay niya.

Pero parang nananadya ang pelikula kagabi at ang palabas doon ay sa isang lalaki na agent pero nainlove sa isang babae, na kahit na alam nitong mapapahamak ay mas ginusto nitong makasama ang babae para kahit na mapahamak ito ay may babaunin itong alaala.

Iyak siya ng iyak kagabi.

Hindi niya akalaing makakarelate siya ng husto sa isang pelikula.

Tinimbang niya ang lahat ng mga iniisip niya, pero nanaig kasi ang gusto niya.

Pagiging makasarili na siguro, pero gusto niyang makasama at mahalin siya ni Ivan, keysa sa magsisisi siya sa bandang huli.

Mas mabuti na sigurong bigyan niya ang sarili ng chance para magmahal at mahalin ng isang kagaya ni Ivan.

Pero ngayon hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dito, lalo na ang pagpapaliwanag kung paano at bakit niya ito binigyan ng cold treatment habang nasa Malaysia silang dalawa.

Kasalukuyang nag iisip siya nung biglang may bagay na mamamasa masa na tumama sa pisngi niya.

Nagulat siya at agad na napatingin at nakita niya si Mark na nakangiti sa kanya.

Kumunot naman ng noo niya dahil sa ginawa nito, nang tinignan niya ang paligid ay nakita niyang iniwas ng mga tao ang mata sa kanilang dalawa.

"Hinalikan mo ba ako?" Naiinis na tanong niya.

Simula nung dumating siya galing sa Malaysia ay napapansin niyang lagi itong dumidikit sa kanya at lagi siyang inaakbayan nito.

Sa una ay okay lang sa kanya dahil baka namiss lang siya nito pero ngayon parang nag iba na.

At ayaw niya sa pag iiba na 'yon.

Ang gusto lang niyang humalik at makalapit sa kanya ay si Ivan, kahit na sabihin na ito ang nagligtas sa kanya dati, wala itong karapatan na halikan siya lalo na at maraming nakakakita sa kanilang dalawa.

Ngumiti ito.

"Oo, masama ba--"

"Mag usap tayo" seryosong sabi niya.

Bumuntong hininga siya.

Agad niyang sinabi na mag usap sila sa may malapit sa archives section.

"Anong ginagawa mo, Mark?" Seryosong tanong niya dito.

"Ikaw naman ang suplada mo talaga--"

"May karapatan akong magsuplada kung kelan ko gusto, ikaw? May karapatan ka bang halikan ako sa maraming tao?" Naiinis niyang sabi.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon