Assignment

25K 937 40
                                    

Chapter 20:

Francine's POV:

Tulala siya habang pinapanood ang video ng latest project niya.

Mayaman pala ito, isa pala itong Malaysian na negosyante, binigay sa kanya ni Ivan ang video clip na iyon para pag aralan ang bawat galaw nito.

Nakangiti naman ang matandang lalaki pero para sa kanya, parang...plastik?

Ang sabi ni Ivan, naging kliyente nito ang matandang lalaki pero may natuklasan daw ksi itong kakaiba, lalo na nung pina audit nito ng palihim ang assignment niya.

Sabi kasi ni Ivan bago ito tumatanggap ng kliyente ay nag iimbestiga muna ito para kung mag alanganin ay mag magagamit daw ito.

Sigurista siya. Sa isip isip niya.

Bahagya siyang namula nung naalala ang sinabi nito nung isang araw..

..the only one touching you..is me.

Akala niya hindi siya hahawakan nito?

Hindi naman kaya?

Kung kami na?

Napakurap siya, bigla niya tuloy naalala ang ginagawang paghalik at ang ginawa nitong pagsimsim sa mga nípples niya.

"Francine!" Isang malakas na tawag sa pangalan niya ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Bakit ka ba sumisigaw?" Asik niya sa katrabaho.

"Ikaw eh, dumalaw lang sa'yo si tisoy, ganyan ka na, ahuy luma- love life" tukso nito sa kanya.

Namula siya.

"Hayan, nagba-blush ka pa!" Tumawa ito.

"Tse!" Sabi niya at iniwas ang tingin dito.

"Tigilan niyo na si Fran" saway ng boses, nakita niyang lumalapit si Mark sa kanila.

"Ayii jelling jelling" sabay sabay na tukso ng nasa paligid nila.

Tumawa siya.

Nang napatingin siya sa kaibigan ay seryoso ang mukha nito.

"Ang serious mo naman!" Nakangiting sabi niya, at nakakapanibago na seryoso ang mukha nito.

"Ikaw kasi eh, hindi mo sinabi sa akin na may bago kang kaibigan" may himig pagtatampo ang boses nito.

"Ikaw naman--" natigil siya sa pagsasalita nung biglang nag ring ang cellphone niya.

Nang tinignan niya iyon ay isa iyong blangkong numero.

"Teka ha?" Sabi niya at naghanap ng privacy.

"Hello?" Sagot niya.

"Francine" sabi ng boses na nagpabilis ng tibok ng puso niya, ang sexy at ang baba ng boses nito.

Ivan..

Tumikhim siya at hinamig ang sarili bago sinagot ang ito.

"B-bakit?'" Kahit anong pilit niyang hindi maiyak ay nautal pa rin siya.

"We will start your project as soon as I'm back in  there" sabi nito.

"Back? Bakit? Umalis ka ng pilipinas? Kelan?" Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa sunod sunod na tanong niya na para siyang isang asawa na kung makatanong dito.

"I went back to Russia just yesterday" sabi nito.

Kahapon? Kaya pala, wala itong paramdam at nag iwan lang ito ng flashdrive na delivery para pag aralan niya ang project niya.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon