Strong hand

26.8K 782 14
                                    

Chapter 23:

Francine's POV:

At nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Ivan.

Naumid ang dila niya.

"Francine.." Naunang sabi nito, napalunok siya at napakurap nang nakitang parang papalapit ito sa kanya.

"Shít!" Mura niya at umatras at humakbang patalikod pero naapakan niya ang damit nitong nagkalat kanina, kaya naman nadulas siya at tumama ang pwet niya sa sahig.

"Aray!" Napapikit siya sa sakit sa pagtama ng pwet niya, nagmulat siya ng mata at nakit niyang papalapit na ito...at ang nakasaludong may mestisong balbon na alaga nito.

Mabilis niyang tinakpan ang mata at tumayo kahit masakit pa ang balakang niya.

"Ivan! Diyos ko! Teka lang huwag kang lalapit!" Natatarantang sabi niya habang pilit na tumatayo, ang kamay ay nanatili sa mga mata niya.

Ramdam na ramdam niya ang sobrang pamumula ng mukha, bakit ba kasi hindi siya makaalis kanina!

Bwisit!

Alam niyang baka ang iniisip na nito ay isa siyang mamboboso.

Sa totoo namang binosohan mo siya!

Gusto na niyang umuwi!

"Okay okay! Calm down, Francine" narinig niyang sabi nito, nakita niya ang malaking paa nito sa sahig dahil nakayuko siya habang nakatakip pa rin ang kamay sa mukha.

On instinct ay inalis niya ang kamay sa mukha para tulungan ang sarili sa pagtayo, pero isa iyong malaking pagkakamali.

Tumili siya dahil nakita niya..close up version ang nakatayo pa ring pagkalalaki nito!

Mabilis niyang tinakpan uli ang mata.

"Shít! Ivan! Gago ka ba! Magtakip ka nga!" May halong tiling sabi niya at pilit na lumalayo dito.

Ilang sandali pa at tahimik na ang buong paligid.

Amoy na amoy niya ang mabangong amoy nito galing sa paliligo.

Gumalaw siya ng konti pero napangiwi siya dahil sa nararamdaman na sakit sa balakang, bakit ba naman kasi nadulas siya.

"Are you okay?" Narinig niyang tanong ni Ivan.

Hindi siya sumagot.

"A-are you decent?" Nauutal niyang sabi at nakapikit pa rin.

"No, I'm not, this is my room and you suddenly barged in" sabi nito, napasinghap siya sa sinabi nito.

"Sabi mo kumatok ako pag may kailangan ako! Ikaw nga 'tong nagmimilagro diyan eh!" Huli na bago niya napigilan ang sarili.

Nakagat niya ang ibabang labi.

"So you saw me" narinig niyang sabi ni Ivan na parang wala lang dito kung nakita niya ito.

"Does your hips hurt?" Tanong nito, narinig niya ang concern sa boses nito.

Hindi pa rin siya sumagot.

Hindi niya alam kung nahihiya siya, or ano-- kasi ano..

Ah bwisit! Bakit ba kasi ako ang tinawag--

Natigilan siya.

Ibig sabihin...siya ang iniisip nito habang nagssarili ito!

Lahat na yata ng dugo niya nagpunta lahat sa mukha niya.

"It's a natural thing to do.." sabi na lang nito, akmang sasagot siya nung bigla na lang siyang umangat sa sahig.

"Ahh!" Impit siyang napasigaw dahil sumakit ang balakang niya dahil binuhat na pala siya nito! On instinct ay naialis niya ang kamay sa mata para maikapit ito sa batok nito.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon