Sexiest revenge (mild spg)

35.3K 898 22
                                    

Chapter 30:

Francine's POV:

Tinignan niya ang itsura sa salamin.

Mukha siyang papuntang gusgusing taong grasa sa itsura niya, nagsisimula nang umitim ang paligid ng mata niya, tigmak ng muta ang mata niya at magang maga iyon, ang oily oily ng mukha niya.

Lalo siyang pumangit.

Napasimangot siya.

Napaigtad siya nung biglang tumunog ulit ang cellphone niya, nagulat siya dahil sobrang tahimik ng buong bahay at iyon lang ang narinig niya.

Napabuntong hininga siya.

Tinignan niya 'yon at lalo siyang napasimangot nung nakitang ang number ni Mark ang nandoon.

Simula nung dineretsa niya ito, text ito ng text sa kanya.

Tinimbang niya ang iniisip at kalooban kung sasagutin ba niya ang tawag nito.

Bumuntong hininga siya at napagpasyahang sagutin ang tawag.

"Yes?" Sagot niya sa tawag nito.

"I know you're avoiding me, pero may nagsabi sa akin na ibebenta na daw ni Mr. Mikhailov ang mga shares niya dito sa station" pagbabalita nito.

Tulala siya sa ibinalita nito.

"S-sigurado ka?" Sabi niya at tumikhim siya.

"Yes, at batay sa sinabi ng mga tao dito, babalik na daw siya sa Russia" dagdag nito.

Parang may tumadyak sa puso niya dahil sa naramdamang sakit.

Aalis na ito sa pilipinas? At iiwan na siya talaga?

Hindi ba 'yan ang gusto mo?

Napapikit siya.

"S-sige, ibababa ko na" sabi niya dito.

"Francine.." Narinig niyang sabi nito bago niya maialis ang phone niya sa tenga niya.

"B-bakit?" Lumunok siya at pinigil ang huwag maiyak, nangingilid na nga ang luha niya sa mga mata niya eh.

"Nandito lang ako  kung sasaktan ka niya..." Sabi nito.

"Mark, hindi talaga tayo pwede" sabi niya ng diretso dito, ayaw niyang dahil sa nalaman nito ay maisisingit nito ang nararamdaman nito para sa kanya, dahil wala talaga itong aasahan sa kanya.

Iisang lalaki lang ang mahal niya.

"I'm sorry" narinig niyang sabi nito.

"Makakahanap ka din ng babaeng para sa'yo, Mark" sabi niya at pinatay na niya ang tawag matapos niyang magpaalam dito.

At doon niya itinuloy ang pag iiyak.

Iiwan na siya ni Ivan.

Babalik na ito sa Russia.

Malayo sa kanya.

Sa isiping iyon ay lalo siyang napaiyak.

--

Kinabukasan matapos ang dalawang araw pa ulit na pag iiyak at pagmumukmok nagising siyang pagod na pagod ang pakiramdam.

Bumuntong hininga siya.

Kagabi ay nag isip siya ulit.

At iisa ang napagdesisyunan niya.

Tatanggapin na niya ang trabaho sa ibang bansa.

At doon siya magmukmukmok-- err.. magtatrabaho para makalimot.

Hindi niya alam kung paano niya ito makakalimutan dahil kung tutuusin ay malaki ang utang na loob niya dito dahil sa kasikatan na natatamasa niya, hindi niya akalaing gagamitin din niya ang kasikatan para makalimutan ito.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon