Chapter 42:
Francine's POV:
"You need to hurt him...emotionally"
Napakurap siya.
"Excuse me?" Nanlalaki ang matang sabi niya.
"Yeah" tila tinatamad na sabi nito.
Nasapo niya ang noo.
"Tangina naman! Wala pang isang oras, break na agad kami!" Napapalatak na sabi niya habang sapo ang noo.
Narinig niya ang pagtawa nito, tinaliman niya ang tingin na ibinigay niya dito.
"Not exactly you were going to break up with him, the keyword there is to pretend" sabi nito.
Napatigil siya.
"You understand Filipino?" Tanong niya.
"Yeah, his cognitive abilities?" Sabi nito at iniikot niya ang mata dito.
"Eh di makikipag break ako ng kunwari para saktan siya, tapos?" Tanong niya.
"He will become very very angry...then, I will be 'killed'" sabi nito at ginamit nito ang daliri para kunwaring ikinawit kawit.
Napanganga siya.
So hayun ang cue...
Napapikit siya.
"Di parang ako ang pumatay sa'yo" wala sa loob niyang nasabi, dahil parang ganoon ang mangyayari.
Gagalitin niya si Ivan dahil kunwaring makikpagbreak siya, para magkaroon ng sariling galit si Ivan, at 'mamamatay' si Bass.
"S-si Jazz?" Tanong niya.
"It will be his cue too, that he will disappear" sabi nito.
Ewan niya, ngayon lang niya nakilala si Bass at Jazz pero parang naging malungkot siya, para kasing may pinatay siyang tao, at siste pa, mga katauhan ni Ivan.
Parte ng buhay ni Ivan..
"H-hindi niyo ba sasabihin kay Ivan?" Tanong niya dito, para kasing ..ewan niya..uh-- closure?
Nagkibit balikat ito.
"On his eyes, we we're his enemies--"
"No, hindi kayo kalaban, parte kayo ng buhay niya, nandoon kayo, kayo ang nasa kanya nung mga panahon na wala siyang kasama, dapat lang sana na sabihin niyo..." Sabi niya at humihina ang boses niya.
Natigilan ito at saglit na nag isip.
Saka ito bumuntong hininga ng malakas.
"You know, sometimes.. I wish, I am a different person with different body..me and Jazz, living a life of my own..life is unfair" Sabi nito.
Natakpan niya ang bibig dahil sa sinabi nito, hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng awa dito.
"Okay..since our plan has been laid, it's time to act" sabi nito matapos ang ilang saglit na hindi sila nagkibuan.
Napatingin siya dito.
"Can I hug you at least?" Sabi nito, tumango siya at siya na mismo ang yumakap dito, tinapik tapik niya ang balikat nito.
"Good luck with your life with this new man " sabi nito nung binitiwan siya nito.
Ngumiti siya dito.
"A-aalis ka na ba?" Tanong niya.
"Yes, Ivan is waking up.." Tumayo ito.
"Goodbye, Bass" sabi nito, saka ito humarap at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETED
General FictionIvan became the most kind. The most playful and naughty. The most feared savage man...rolled into one. Yes, he's not just one ordinary man, he's all the man you could ever want...or not. He was a normal kid before, but not after life fúcked him. It...
