Jazz

32.3K 1K 31
                                    

Chapter 8:

Francine's POV:

Nagising siya sa malakas na tilian at pagyugyog ng hinihigaan niya.

"Anong--" disoriented siyang nagising.

At iminulat niya ang mata at nakita niya ang mga pamangkin na nagsisitalunan sa kama niya.

"Auntie! Wake up! Mommy and Daddy will leave now!"

"Auntie! Your bed is soft!"

Naiinis na nagmulat siya ng mata, hindi siya nakatulog kagabi eh.

Kung hindi dahil sa halik ni Ivan, sana talaga nakatulog ako.

Eh kaso, hindi, dahil gwapo kaya hayun at mukha siyang kwago.

Bwisit.

"Stop jumping around mga tiyanaks" sabi niya sa mga ito.

Tumigil naman ang mga ito at nangigilalas na tumingin sa kanya, natigilan naman siya.

"You kids understand that?" Tanong niya, tumango naman ang mga ito.

"Those were the baby monsters right, Auntie?" Tanong ni Aleksandr.

"But we're both too cute for those" sabi naman ni Anastasiya.

Tumawa siya, siguro at ipinanood iyon ng ate niya sa mga ito, o kaya ay ikwenento.

"But both of you were rascals, I'm sorry I was just kidding" sabi niya at ngumiti na ang mga ito at saka niya kiniliti ang mga ito.

Malalakas na hagikgik at tawa ang pumailanlang.

"Are you guys done?" Sabi ng isang boses na kilalang kilala niya, nakatayo doon si Ivan sa bukas na pinto ng kwarto niya, siguro ay kanina pa ito.

"Uncle Ivan!" Sabay na sabi ng kambal, pasimple niyang hinila ang kumot at tinakpan ang sarili, bago kasi siya humiga ulit inalis niya ang bra niya.

"Kids, come on, your parents are calling you" sabi nito at lumakas lalo ang tibok ng puso niya dahil sa pagpasok nito sa loob ng kwarto niya.

Imagination ba niya or humugot muna ito ng malalim na hininga bago pumasok?

Nagsitakbuhan ang kambal.

At naiwan silang dalawa ni Ivan.

Pakiramdam niya, parang naging sobrang tahimik ang buong kwarto.

Titig na titig ito sa kanya.

At tumahip ng husto ang tibok ng puso niya nung bigla itong lumapit kaya naman agad siyang napaatras sa headboard.

"Good morning, my rose, you're so beautiful" sabi nito at bago siya nakahuma ay hinawakan ang magkabilang pisngi niya na nag iinit dahil sa pamumuri nito.

At hinalikan siya sa noo.

Napakurap siya.

Akmang aalisin niya ang kamay nito sa pisngi niya nung binitiwan na nito ang mga pisngi niya at lumabas na ito.

Kumakabog ang dibdib na sinapo niya ang pisngi na hinawakan nito.

Ipinilig niya ang ulo at nag hilamos, pero bago siya siya naghilamos ay nakita niya ang itsura niya, mukha siyang napuyat na dahil sa maraming utang na iniisip.

Bigla siyang namula sa sinabi ni Ivan kanina.

"Good morning, my rose, you're so beautiful"

Bakit siya tinawag nitong beautiful, eh ang pangit niya? Kaya pala hindi siya hinalikan sa labi, may bakas pa ng laway ang gilid ng bibig niya.

Ang pangit ko shet.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon