Chapter 5:
Francine's POV:
"Anak?"
Napasimangot siya.
Bakit ba siya ginigising ng Nanay niya?
Nasa leave siya.
"Nayyy, inaantok pa ako!" Reklamo niya, ang sarap ng pwesto niya eh, nakahiga siya sa matigas at matigas pero komportableng higaan at may mabangong hangin siyang nalalanghap.
Teka lang? Di'ba gising na siya kanina?
"Anak! Aba'y gumising ka na diyan! Ginawa mo nang kama 'yang si Ivan eh! Mahiya ka naman!" Sabi ng Nanay niya.
Sukat sa sinabi nito ay napasinghap siya at agad na napamulagat siya, at kitang kita niya na malapit na malapit ang mukha sa kanya.
Napatili siya ng impit.
"Nay anong ginagawa niyan dito! Bakit niya ako hawak! Ikaw! Bakit ang lapit ng mukha mo ha! Bitiwan mo ako! Gago ka!" Natatarantang sigaw niya at hindi na niya namamalayan na nagsasalita na siya sa wika niya at pilit itong itinutulak palayo sa katawan niya pero imbes na pakawalan siya nito ay ngumiti ito at hindi siya pinakawalan.
Ibig sabihin..
Ibig sabihin ang katawan nito ang hinigaan niya kanina at dahil malapit ang mukha nito ay hininga nito ang naamoy niya kanina!
"'nay!" Nagpapasaklolong tinignan niya ang Nanay niya pero parang tuwang tuwa pa ito na natataranta siya.
"Bagay talaga kayo" Tumatawang sabi nito.
Bwisit!
"Get your hands off me!" Sigaw niya dahil nakapulupot pa rin sa kanya ang matigas nitong katawan.
"No" at impit siyang tumili ulit nung bigla siyang umangat mula sa sahig.
Binubuhat siya nito!
"Let's go, Nanay, we will be late" sabi ni Ivan sa Nanay niya at parang wala dito ang bigat niya.
Nanay?
At bakit siya binubuhat nito?
"Hoy!" Nanlalaki ang matang sabi niya, ramdam na ramdam niya ang lakas ng mga matitigas nitong braso.
"Nay! Tulungan niyo ako dito!" Sabi niya pero naglakad na sa unahan si Ivan at nasa likod nia ang Nanay niya.
"You're so active,.. stop wiggling..do you know how your pressed into mine..my 'buddy' here...wiggles too?" Sabi nito at napasinghap na tumingin siya dito.
Buddy?
Iyong ano daw--
"Bastos!" Tumili siya at on instinct ay itinaas niya ang braso para kumapit pataas para hindi dumikit sa "buddy" nito.
"You're in front of my mother, you pervert!" Nanggagalaiting sigaw niya.
Tumawa naman si Ivan at parang hindi nito nahihiya sa inasal, kanina tinawag nitong nnay ang Nanay niya, ngayon naman harap harapan siyang minamanyak!
"But it's effective, see? I carried you safely since you put your arms around me" biglang sabi nito.
Ibig sabihin sinabi lang nito iyon para napakapit siya dito at hindi siya makabitiw sa pagbuhat nito.
Ang lakas nitong mang asar.
Bwisit.
"But I miss you" bulong nito sa kanya nung nakalapit na sila sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETED
General FictionIvan became the most kind. The most playful and naughty. The most feared savage man...rolled into one. Yes, he's not just one ordinary man, he's all the man you could ever want...or not. He was a normal kid before, but not after life fúcked him. It...
