Surprise

32.4K 1K 18
                                    

Chapter 6:

Francine's POV:

Nagising siya sa yugyog sa balikat niya, pagmulat niya ay nakita niya ang Nanay niya.

"Nandito na tayo anak" sabi nito.

Disoriented na tumingin siya sa paligid.

Napakurap siya.

Dahil halos hapon na nung nag byahe sila paalis sa pilipinas ay nakita niyang pa umaga na sa ibang bansa.

Agad na hinanap ng mata niya si Ivan.

"Naunang bumaba na si Ivan para ihanda ang sasakyan natin" sabi ng Nanay niya.

At hindi niya pinansin ang panunukso sa mga mata nito.

"Wala naman akong sinabi ah" mahinang sabi niya.

"Ako pa ba, Francine" tumawa ang Nanay niya.

Nung nakalabas na sila sa arrival area ay nakita niyang nag aantay na si Ivan sa kanila, nakangiti ito.

Saka lang niya napansin ang mga babaeng nakatingin dito.

Sa gwapo at sa tangkad nito, talagang stand out ito.

At gustong gusto niyang dukutin ang mata ng mga babaeng halos lamunin na nang buo si Ivan.

"Selos ka?" Pang aasar ng Nanay niya.

"Nanay!" Nanlalaki ang matang sabi niya dito, tumawa ito.

Siya? Nagseselos?

Hindi, naiinis ka lang kasi parang ang cheap ng mga babaeng 'to. Pagkausap niya sa sarili.

Gusto sana niyang lagpasan ito pero nagulat siya nung biglang hinuli nito ang braso niya, ramdam niya ang parang kung anong kuryente sa paghawak ng malaking kamay nito sa braso niya.

"Wait a minute, Francine" sabi nito, ang baba talaga ng boses nito.

Lalaking lalaki.

Shít!

Nakita niyang nilingon nito ang Nanay niya at nginitian nito ang Nanay niya.

Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil pati Nanay niya, ayaw niyang ngitian nito.

Bwisit talaga!

"Come here Nanay" sabi ni Ivan, at ang kaninang hawak nitong braso niya ay binitiwan nito at isinampay iyon sa braso nito, habang nung nakalapit naman ang Nanay niya ay kinuha din nito ang braso ng Nanay niya at iginaya sa ginawa sa kanya.

At para itong konsorte na umaabriste sa kanilang dalawa.

Ang gentleman naman niya..

"Did you see that hot guy"

"Yes oh my god he look so dreamy!"

"I bet he's an animal in bed, look at his package!"

Naririnig niyang sabi ng mga babae sa airport.

Namula siya, sa magkahalong inis at dahil sa sinabi ng mga ito.

Package.. iniyuko niya ang ulo.

Alam niya ang tinutukoy ng mga ito.

Sa pagiging liberated ng mga babae dito parang kulang na lang dambahin ng mga ito si Ivan kahit na may mga kasama ang mga ito.

Sa inis niya, sinadya niyang ilagay ang isa pang kamay na nakaabriste dito, at parang niyayakap niya ang braso ni Ivan.

Bahagya niyang nailayo ang katawan dahil sa mainit at matigas nitong kalamnan na dumikit sa kanya.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon