Prologue

65.2K 1.2K 27
                                    

THE MONTEMAYOR brothers are already tying the knot. Who will be the lucky girl to catch the eldest and most elusive of them all?

Hindi malaman ni Don Jaime Montemayor kung ano ang mararamdaman sa nabasa niyang artikulo tungkol sa pagpapakasal ng pangalawa niyang anak na si Riki Montemayor. Lalo pa at halos lahat ng mga artikulo ay may pasaring tungkol sa panganay niyang anak na si Raiven. Ilang oras na lang ay gaganapin na ang seremonya ng kasal nina Riki at Ailyn pero iisa pa rin ang topic ng usapan ng mga piling reporter na imbitahan nila para sa pagtitipong iyon: sino ang makakabihag ng puso ni Raiven.

"Elusive, huh? I hate to say it, but I think that's an understatement," sabi ng may-bahay niyang si Edna. Bago pa man lumingon si Don Jaime ay naramdaman na niya ang paghawak ng kabiyak sa balikat niya. Tiningnan niya ito. There was a worried look on her face as she stared at the paper. Naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman ni Edna dahil maging siya ay iyon din ang nararamdaman.

Hinawakan ni Don Jaime ang kamay ng asawa at marahan iyong pinisil. "Magiging okay rin ang lahat, darling. Naging maganda naman ang kinahantungan ng buhay nina Choi at Riki, hindi ba? They are now happy with the woman they love. Sigurado akong mahahanap din ni Raiven ang babaeng para sa kanya at mas gaganda na ang disposisyon niya," alo niya sa asawa.

Bumuntong-hininga si Edna at umupo sa tabi niya. Nasa loob sila ng hotel suite kung saan sila naka-check in. Ang katabing silid nila ay nagsilbing dressing room ng mga kasali sa entourage ng kasal. Dapat silang maging masaya sa araw na iyon pero hindi nila maiwasang mag-alala para sa panganay na anak.

"I really hope so. Nag-aalala ako dahil tuwing binibiro si Raiven ng mga kapatid niyang mag-asawa na rin ay palagi niyang sinasabing hinding-hindi siya magpapakasal. He's already thirty-one at lalo siyang nagiging aloof. Wala rin siyang inatupag kundi trabaho. I just want him to relax and enjoy once in a while. Pero pati iyon ay mukhang hindi na rin niya ginagawa," nag-aalalang sabi ni Edna. "I think he still couldn't forget what happened eight years ago," dugtong nito sa mas mahinang tinig.

Bumuntong-hininga si Don Jaime at inakbayan ang asawa. "Unfortunately, I think so, too," sagot niya.

Ang babae naman ang bumuntong-hininga. "Bigla ba niyang na-realize na mahal pala niya si Julia kung kailan nagpakasal na si Julia sa iba? Kung alam ko lang sana ay gumawa ako ng paraan para—"

"I don't think Julia was the reason why Raiven turned out like that," putol ni Don Jaime sa sasabihin nito.

Nagtatakang tiningnan siya ng kabiyak. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't really know, darling. Pero sa tingin ko ay hindi lang iyon ang dahilan. I can feel that it's something deeper. Hindi lang natin napansin. Malamang may alam sina Choi at Riki. Pero alam mo namang masyadong loyal ang tatlong iyon sa isa't isa kaya malabong may sabihin sila kahit magtanong tayo, hindi ba?" May ideya na si Don Jaime kung bakit nagkaganoon si Raiven pero ayaw niyang lalong mag-alala ang asawa niya.

"Well, that's true," matamlay na sang-ayon ni Edna.

Pinilit niyang ngumiti ang babae, saka pinisil ang balikat nito. "Huwag kang mag-alala, darling. Magiging maayos din ang lahat. Sa mga anak natin, kay Raiven ako mas nag-aalala dahil hindi gaya ng mga kapatid niya, mas mahirap basahin ang iniisip at nararamdaman niya. But our son is strong. What we can't do for him, surely he can do for himself. Hayaan lang natin siya. Come on, cheer up. Gusto mo bang makita ng mga anak mong matamlay ka? Baka sabihin ng press at ni Ailyn na hindi mo gustong magpakasal si Riki sa kanya," ani Don Jaime sa masiglang tinig.

"Of course I want to. Masaya akong si Ailyn ang napili ni Riki na pakasalan. Kaya nga gusto ko nang mahanap din ni Raiven ang tamang babae para sa kanya," mabilis na sagot ni Edna.

Nginitian ni Don Jaime ang asawa at hinalikan sa noo. "He will, for sure. Maghintay lang tayo." Gumanti na rin ng ngiti ang babae at saka tumango.

Sabay silang napalingon nang may kumatok sa pinto ng silid nila. "Come in," sagot ni Don Jaime

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila sina Raiven, Riki, at Choi. "Papa, Mama, it's time," ani Riki.

Nagkatinginan silang mag-asawa at sabay pang tumayo. Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Edna at isa-isang hinalikan sa pisngi ang tatlong lalaki. "Oh, my gorgeous, gorgeous boys."

Natawa si Don Jaime nang makitang nagngisihan ang mga anak nila, maliban kay Raiven na bahagya lang ngumiti. Pasimple siyang bumuntong-hininga at tinapik sa balikat ang panganay na anak. Tila nagulat pang tumingin ito sa kanya. I hope you'd move on from whatever that happened to you eight years ago, Raiven. Nais sana niyang sabihin iyon pero sa halip ay nginitian niya nang tipid ang lalaki. "Let's go, son."

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon