HINAYAAN lang ni Lauradia si Raiven na gawin ang nais nito sa kanya. Hindi siya nagreklamo nang hubarin ng binata ang mga damit niya at kahit nang ihiga siya nito sa kama. Hindi lang dahil ayaw niyang manlaban kundi dahil ang mga haplos at halik ni Raiven ay nagsimula nang magdulot ng nakakaliyong sensasyon sa kanya, pinapalabo ang isip ni Lauradia. She missed him; his kisses, his touch, his smell, and his presence. She missed him so much she closed her eyes tight to prevent herself from crying.
Pero agad niyang nadama na may iba rito. May iba sa halik at haplos ni Raiven sa katawan niya. There was a detached quality in the way he was making love to her. Wala ang init at emosyong madalas na maramdaman ni Lauradia sa bawat halik at haplos noon sa kanya ng binata. It was as if he was just doing this in a physical sense while his emotions were locked somewhere deep insde him. Sa lugar na hindi niya maaabot. Pakiramdam niya ay isa itong estranghero.
Lalong nag-init ang mga mata niya. Dahil kahit kulang sa emosyon ang ginawa ni Raiven ay hindi pa rin niyon nababawasan ang epekto niyon sa kanya. Dahil hindi gaya ng binata ay hinayaan ni Lauradia na pangunahan siya ng emosyon kahit alam niyang hindi nito gusto iyon. She moaned when she felt his lips on her breasts and his hands gliding down to her center. He touched her expertly, without haste and it drove her crazy. Napasinghap siya nang ang mga labi ng binata ay bumaba pa sa direksyon kung nasaan ang kamay nito.
"Raiven!" sigaw ni Lauradia nang marating nito iyon. He pleasured her as if he knew exactly what she wanted. Na para bang walang taong lumipas sa pagitan nilang dalawa. And she almost uttered the words she knew he didn't want from her. Mahal kita. Mahal na mahal....
Just when she thought she could not take it any longer, he suddenly pulled away. Napaungol siya sa pagpoprotesta at napamulat ang mga mata. Nakaluhod sa pagitan ng mga hita niya si Raiven at nakatingin sa kanya. Kung parte ng pagpapahirap nito sa kanya ang iwan siya sa ganoong kalagayan ay napakalupit naman nito. "Raiven," tawag ni Lauradia.
"Quiet," tanging sabi ng binata bago muling yumuko palapit sa kanya. Bago pa siya makahuma ay lumapat na ang kamay nito sa balikat niya at maingat siyang idinapa. Magpoprotesta sana siyang muli ngunit bumara lang iyon sa lalamunan niya nang maramdaman ni Lauradia ang katawan ni Raiven na lumapat sa likuran niya. She felt his lips on her back while his hands slowly parted her legs. He claimed her that way. Ni hindi nagsasalita ang binata. Ang tanging ingay lamang ay ang marahas na paghinga nilang dalawa. Gusto niya itong yakapin ngunit hindi niya magawa dahil nakadagan ito sa kanya. So she let him carry them to the peak the way he wanted to.
Isang minuto na ang lumilipas nang huminto sa pagkilos si Raiven ay wala pa ring nagsasalita sa kanila. She felt tired and all she wanted to do was to be wrapped in his arms. Nang kumilos ang binata upang lumayo sa kanya ay inakala ni Lauradia na yayakapin siya nito. Bagkus ay biglang tumayo si Raiven at umalis sa kama. Napadilat siya at napasunod ng tingin dito hanggang sa makapasok sa banyo ang binata. Hindi gaya noon na yayakapin siya nito hanggang sa kapwa sila makatulog.
Biglang luminaw ang isip ni Lauradia. Iba noon at iba ngayon. Minahal at pinagkatiwalaan siya noon ni Raiven. Ngayon, nilinaw nitong hindi nito ibibigay ang dalawang bagay na iyon sa kanya. At hindi niya ito maaaring sisihin. It was her fault after all.
Isinubsob ni Lauradia ang mukha sa unan at hinayaang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Napagtanto niya na ni hindi man lang siya hinalikan sa mga labi ni Raiven kahit isang beses. Na marahil kaya siya nito idinapa ay dahil ayaw nitong makita ang mukha niya. I know I deserve that, puno ng sakit na sabi niya sa isip niya.
"FIX yourself. Tatawagan ko si Jeremy para gumawa ng kontrata tungkol sa napagkasunduan nating dalawa. Kapag nakapirma ka na, saka ko ibibigay sa 'yo ang testamentong kailangan mo," sabi ni Raiven kay Lauradia pagkalabas nito ng banyo.
Bumangon siya, kipkip ang kumot sa katawan na tiningnan niya ang binata habang nagbibihis ito sa harap niya. "Anong kontrata?" tanong ni Lauradia.
Hindi ito lumingon sa kanya. "Kontrata sa napagkasunduan natin. I'm not going to do this with you without a contract. I don't trust you. Ayokong pagkatapos mong makuha ang kailangan mo sa 'kin ay makita ko na lang na wala ka na naman," malamig na sagot ni Raiven.
Nakagat niya ang ibabang labi. Ipinagpasalamat niyang nakatalikod sa kanya ang lalaki dahil hindi nito nakita ang pamamaga ng mga mata niya at ang sakit na dumaan sa mukha niya. Bumangon siya. "Bahala ka," tanging sagot ni Lauradia, bago pinulot ang mga damit niya at tahimik na pumasok sa banyo.
TATLONG oras ang lumipas nang may isang lalaking dumating sa bahay ni Raiven. Nalaman ni Lauradia na si Jeremy iyon. Tahimik lang siya sa isang sulok habang nag-uusap ang lalaki at si Raiven. Napapansin niya ang pagtataka, curiosity, at pagkabahala sa mukha ni Jeremy, lalo na tuwing sumusulyap ito sa kanya pero hindi naman nagkokomento.
Nang iabot sa kanya ni Raiven ang kontrata ay binasa niya iyon. Napakunot-noo si Lauradia nang makita ang mga provision doon. Nag-init ang mukha niya nang mabasa ang ilang artikulo na nagsasaad na kailangan niyang manatili sa bahay ni Raiven. Gusto nitong naroon siya tuwing aalis ito at dapat maabutan siya ng binata pag-uwi nito. Nakalagay rin pati karampatang halagang ibibigay sa kanya ni Raiven buwan-buwan. Mistress, iyon ang dating niya sa kahit na sinong makakabasa ng kontratang iyon. Kaya naman pala ganoon makatingin sa kanya si Jeremy. Kasama ba sa pagganti ni Raiven sa kanya ang ipahiya siya ng ganoon?
"Pirmahan mo na 'yan," utos ni Raiven sa kanya.
Napatiim-bagang si Lauradia at hindi nag-angat ng tingin. Walang salitang pinirmahan niya iyon. Saglit pa ay nagpaalam na sa kanila si Jeremy. Nang makaalis na ang lalaki ay saka lang siya tumayo at nakahalukipkip na tiningnan si Raiven. "Puwede ko na bang kunin ang testamento?"
Tumango ang binata. Mabilis siyang bumalik sa kuwarto nito at kinuha ang envelope. Pagkatapos ay lumabas uli siya. "Aalis na ako," paalam ni Lauradia.
Kumunot ang noo ni Raiven at mabilis na hinawakan ang braso niya. "Where?"
"Sa kliyente ko, saan pa? Huwag kang mag-alala hindi kita tatakasan. Pumirma na ako ng kontrata, remember? At ikaw, hindi ba dapat umaalis ka na rin?" ani Lauradia sa binata. Naka-suit na kasi ito at halatang papunta na sa trabaho.
Tumingin sa wristwatch nito si Raiven bago tumingin uli sa kanya. "Ihahatid na kita."
Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi na kailangan, Raiven." Hindi pa rin siya nito binitawan. Bumuntong-hininga si Lauradia. "Please. I need to go alone. May trabaho ka pa, 'di ba?"
Tila nag-aalinlangan pa rin ang binata pero binitawan din siya nito at tumalikod sa kanya. "I want to find you here when I get back," maawtoridad na sabi ni Raiven.
Bumuntong-hininga uli siya. "Oo." Iyon lang at umalis na siya.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomanceWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...