ANG intensIyon ni Lauradia ay umalis na sa party. Kanina nang nilapitan siya ni JM ay ipinaalam sa kanya ng lalaki na nakausap na raw nito si Julia at gusto na raw umatras ng huli sa pagpapakasal kay Raiven pero natatakot lang daw gumawa ng paraan ang babae. Kaya pilit siyang pinagagawa ng paraan ng kliyente nila para hindi matuloy ang kasal. Ang gusto ni JM ay si Raiven mismo ang umatras sa engagement. Kaya dapat daw niyang pag-igihin na mapagbago ang isip ng binata. Pero hindi niya alam kung paano iyon gagawin. Lalo pa at nakapangako siyang hindi na magpapakita rito.
Pero hayun si Raiven sa harap niya ngayon. Hinablot nito ang braso niya at gahibla na lang ang layo nila sa isa't isa. Nakatitig lang ang lalaki kay Lauradia na tila ba wala itong nais gawin kundi ang halikan siya. Tila may pumiga sa puso niya. Nag-init ang mga mata niya sa intensidad ng mga emosyong sa dibdib niya. God, how she missed him! Ilang araw lang mula nang huli silang nagkita pero labis na siyang nangungulila rito.
Nanatili silang tahimik habang nakatingin lang sa isa't isa. Naputol lang iyon nang may marinig siyang ingay na papalapit sa kanila. Kaya nagulat si Lauradia nang hilahin siya ng binata patungo sa elevator. Pinindot ni Raiven ang buton niyon, bumukas ang pinto ng elevator at mabilis silang pumasok doon. Pinindot uli ng lalaki ang buton para sumara iyon.
"What are you doing here?" mariing tanong nito. Mahigpit pa ring hawak ni Raiven ang braso niya na malamang ay magkakapasa na kung hindi pa nito iyon bibitiwan.
Namasa ang mga mata niya. Hindi napigilan ni Lauradia ang maging tapat sa binata at sa sarili niya. Tuluyang nasira ang maskarang binuo niya para maging ganap na temptress ng Club Notteria.
"I-I wanted to see you," garalgal na sabi niya. Lumunok siya para alisin ang bara sa lalamunan niya. "Alam kong hindi dapat. But I really wanted to see you. Kahit sa huling beses lang. Kahit sandali lang. I wanted to see you." Tuluyan nang tumulo ang luha ni Lauradia at napahikbi. Iyon ang unang beses na umiyak siya sa loob ng maraming taon. She felt pathetic, she felt weak, she felt like she became what she was before again—a helpless, poor and lonely little girl. Pero kahit anong pigil ang gawin niya ay ayaw pa ring tumigil ng mga luha niya sa pag-agos.
Bumakas ang sakit at paghihirap sa mga mata ni Raiven. Kung hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata ay nakita rin niyang kumikislap sa pamamasa ang mga mata nito. Lumuwag ang pagkakahawak ng mga kamay ng binata sa braso niya. Ang akala niya ay lalayo na ito sa kanya. Sa halip ay bigla siya nitong hinigit at niyakap nang mahigpit. Lalo pa siyang napaiyak. Gumanti ng yakap si Lauradia dahil pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag hindi niya iyon ginawa.
"Bakit ngayon ka pa dumating sa buhay ko, Lauradia? Bakit nang dumating ka sa buhay ko ay ginulo mo ang lahat ng nakasanayan ko? Why do you have to make me feel like this? Why do you have to make me feel exhilarated and happy? I'm getting married. I can't possibly jilt her. It was my choice to marry her and I shall live with it. Hind lang ito tungkol sa aming dalawa. All the people at the pavilion at this very moment expect us to honor our decision to get married," garalgal na sabi ni Raiven.
Napahikbi siya. "Alam ko."
Kumalas sa kanya ang binata at ikinulong ng dalawang kamay nito ang mukha niya. Lalo lang tumindi ang sakit na nararamdaman niya nang makita ang bakas ng mga luha sa mga mata nito. Who would have thought that she would see a stain of tears on the face of a man like Raiven Montemayor?
Inilapit ng binata ang mukha sa kanya at sinalubong iyon ni Lauradia. They kissed hungrily, passionately, as if they haven't kissed each other for years. Naramdaman niya ang desperasyon sa bawat paggalaw ng mga labi nito. Nalalasahan niya ang paghihirap ng kalooban ni Raiven sa bawat hagod ng dila nito. Mayamaya pa ay natapos na rin ang marubdob na halik na pinagsaluhan nila pero hindi tumigil si Raiven na kintalan ng maliliit na halik ang mga labi niya.
"But I can't forget you. I can't close my eyes without remembering the times we had shared. I can't forget how your lips tasted, or how your body felt beneath mine. I can't forget the way your eyes lit up when you're happy, or how you laugh genuinely. Kahit ako lang mag-isa naririnig ko pa rin ang boses mo. No matter how much I resist it, I can't stop myself from missing you," pahayag ni Raiven.
Tumigil ito sa paghalik at tinitigan siya sa mga mata. He looked helpless and in pain. "Tell me, Lauradia, what should I do?" pabulong at desperadong tanong nito sa kanya.
Sa sandaling iyon ay alam niyang kapag sinabi niya ritong huwag na nitong ituloy ang kasal at piliin siya ay sigurado siyang gagawin iyon ng binata. Pero ano ang susunod na mangyayari pagkatapos niyon? Mapagtatagumpayan niya ang trabaho niya at magiging maligaya sina JM at Julia. But Raiven would never become happy if she asks him to break off his engagement.
Kanina habang nagmamasid si Lauradia sa mga bisita ng binata ay may napatunayan siya. Sa oras na umatras ito sa kasal ay magiging malaking eskandalo iyon para dito at sa pamilya nito. He would be the topic of gossip and ridicule from the people of the high society. Bababa ang tingin kay Raiven hindi lang ng mga kakilala nito kundi pati ng mga pangkaraniwang taong makakabasa at makakapanood sa balita ng tungkol dito. Maaapektuhan pati ang negosyo ng mga Montemayor. Dati wala siyang pakialam sa magiging implikasyon ng panggugulo niya sa buhay ng mga target niya. Pero iba si Raiven.
Sa oras na matapos niya ang trabahong iyon ay kailangan niyang mawala na parang bula sa buhay nito. She would never be with him. Maiiwan ni Lauradia sa ere ang lalaki at masasaktan niya ito nang husto. He will suffer all the consequences of what she had done to him alone. Iniisip pa lang niya iyon ay nadudurog na ang puso niya. Bakit si Raiven pa ang naging target niya? Bakit ito pa ang lalaking kailangan niyang paglaruan at iwan? Why was fate always so cruel to her?
"Lauradia," tawag sa kanya ng binata at saka hinalikan uli siya sa mga labi.
Mariin siyang pumikit para pigilan sana ang luha niya pero ayaw huminto ng mga iyon. Dumilat siya at sinalubong ang tingin ni Raiven. "I don't want you to jilt her." Nagulat ang binata sa sinabi niya. Nakagat niya ang ibabang labi. "Just one night, for the last time. Iyon lang ang kailangan ko. At sigurado akong ikaw rin. Separation anxiety lang ang nararamdaman natin ngayon, sigurado ako. Pagkatapos ng gabing ito, pangako hindi mo na talaga ako makikita. Then you can go back to your normal life," ani Lauradia.
Matagal na tinitigan lang siya nito. Pagkatapos ay pinahid ni Raiven ng mga daliri nito ang mga luha sa pisngi niya. Niyakap siya nito nang mahigpit bago niya naramdaman ang paghinga nito nang malalim. "Fine. Let's go to my house."
Kumalas siya sa yakap ng binata at tiningala ito. "Sa b-bahay mo?" Inaasahan niyang sa hotel sila tutuloy. Ayaw na ni Lauradia madagdagan pa ang sakit na idudulot sa kanya ng lalaki kapag nakita pa niya kung saan ito nakatira. Dagdag pa iyon sa mga alaalang babaunin niya kapag iniwan niya ito.
"Yes." Bago pa siya makapagreklamo ay pinindot na ni Raiven ang elevator. Bumukas iyon. Hindi niya namalayan na nasa parking area na sila. Hinawakan ng binata ang kamay niya at hinatak siya patungo sa sasakyan nito. Nakalimutan na ni Lauradia na magprotesta nang maramdaman ang higpit at init ng kamay ng lalaki na nakahawak sa kamay niya. Ang mahalaga lang sa kanya ay makasama pa si Raiven kahit isang gabi lang. Alam niyang hindi sapat iyon pero dapat makontento na siya roon. Dahil alam niyang walang patutunguhan ang pag-ibig niya kay Raiven. After tonight, it will be good-bye.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomanceWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...