Part 28

33.4K 759 9
                                    

LUMABAS ng banyo si Raiven pagkatapos mag-shower. Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na siya. May importante siyang meeting ng alas-otso at gusto niyang matagal na siyang nakaayos bago dumating ang oras na iyon. Nagpupunas siya ng basang buhok nang mapatingin siya sa envelope na nakapatong sa bedside table niya. Tinitigan niya iyon nang maalala kung ano ang mga nangyari kagabi. Sa labis na inis niya ay basta lang niya iyon inihagis sa mesa kagabi at nakalimutan na niyang buksan. Napamura siya nang makaramdam na naman ng inis dahil sa nadiskubre niya kagabi.

He knew it was his fault that he went to that party. Kahit sinabi niyang wala na siyang pakialam kay Lauradia, nang makita niya ang invitation sa mga iniabot ng sekretarya niya sa kanya at maalalang ang lalaking iyon ang kasama ng babae sa club ni Choi ay nagpunta siya sa party bago pa niya mapigilan ang sarili. He argued with himself that he was just doing it to confirm if it really was Lauradia. Then he would do something to avenge himself from what she did to him if it was really her.

Pero ang hindi inaasahan ni Raiven ay ang pag-usbong ng labis na galit nang makita niyang lumabas mula sa isang silid ang babae. She was a mess. Magulo ang buhok nito, sira ang makeup at magulo ang damit. And worse, there were kiss marks on her neck. Nagdilim ang paningin niya at kahit alam ni Raiven na hindi siya dapat naapektuhan ay nailabas niya ang galit sa babae. He could not believe he fell for someone like her! But not now. Hindi na ako mahuhulog pa sa kahit anong patibong niya. I already learned my lesson the hard way, mapait na sabi niya sa sarili.

Naalala niya ang pagkatarantang dumaan sa mukha ni Lauradia nang hawakan niya ang envelope. Naningkit ang mga mata niya at isinampay ang tuwalya sa balikat niya. Kinuha niya ang envelope at walang pag-aalinlangang binuksan iyon. Napakunot-noo si Raiven nang makitang last will and testament iyon ng isang nagngangalang Loretta Chen. Natigilan siya nang makilala ang pangalang iyon. Loretta Chen was a known businesswoman. At kamamatay lang ng may-edad na babae. Bakit hawak ni Lauradia ang testamentong iyon?

Iniisip pa rin niya iyon nang tumunog ang doorbell. Again, he wondered. Sino ang magpupunta sa bahay niya ng ganoon kaaga na hindi nagsasabi sa kanya? May sumaging ideya sa isip ni Raiven at awtomatiko niyang ibinaba ang papeles. Of course, may isang taong pupuntahan siya dahil may kailangang bawiin sa kanya. Napaismid siya at inalis ang towel sa balikat niya at inihagis iyon sa couch na nasa isang panig ng silid niya. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya habang naririnig pa rin niya ang tunog ng doorbell.

No way in hell would he go to the door at once. Ayaw niyang isipin ng nasa labas ng pinto niya na hinihintay niya ang pagdating nito sa bahay niya. Sa katunayan, ang babae ang huling taong nais niyang makapasok uli sa bahay niya. Raiven exerted too much effort to redecorate his bedroom and change all the furniture just to erase the memory of her being there once. Wala siyang balak papasukin uli si Lauradia sa private space niya.

Umiling siya at walang pagmamadaling lumabas ng silid niya at naglakad patungo sa front door. He had no choice. Kailangan din niyang kumprontahin ang babae tungkol sa testamentong hawak nito. Pagkatapos ay paaalisin ko na siya kaagad, kumbinsi ni Raiven sa sarili.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Lauradia. Natigilan siya nang mapatingin sa mukha ng babae. He was caught off guard when he saw her face devoid of any makeup. Naka-ponytail ang buhok nito. Bumaba ang tingin ni Raiven at napansing niyang itim na hapit na blouse at maong jeans lang ang suot ng babae. She looked too simple compared to how he remembered her. Hindi rin tulad ng hitsura nito kagabi si Lauradia.

But simple wasn't a word appropriate for her. Dahil kahit ganoon ang ayos ng babae ay nakikita pa rin ni Raiven ang hubog ng katawan nitong nakakapagpabaliw sa mga lalaki. Umangat uli sa mukha nito ang tingin niya. Nagtama ang mga mata nila at humigpit ang hawak niya sa doorknob. Despite the absence of makeup, her eyes were still the same seductive eyes he knew so well. Ang mga matang minsan niyang nakitang kumislap dahil sa purong kasiyahan at kainosentehan noong nasa isla sila. Naalala ni Raiven ang mainit na ngiti ni Lauradia na nagdudulot ng mainit na haplos sa dibdib niya. He wondered if what he saw on the island was also a part of her plan to seduce him.

May iba siyang naalala. He remembered the nights on the island they shared in bed. He felt the sting of desire in his body. Shit! Bakit ba sa kabila ng ginawa sa kanya ni Lauradia, sa kabila ng galit niya rito ay tila may sariling isip ang katawan niya na nabubuhay tuwing nasa malapit ang babae?

"Nandito ako para kunin ang envelope. Alam kong galit ka sa 'kin, pero kung gaganti ka sa mga ginawa ko noon, gumanti ka sa ibang paraan at ibalik mo sa 'kin ang envelope. Hindi man 'yon sa 'kin pero may nangangailangan n'on," ani Lauradia.

Napatiim-bagang si Raiven at nakaramdam ng galit. Hindi lang sa babae kundi maging sa sarili niya. He was really mad to still desire her. Her mere voice could heighten it. Then her words registered in his mind. Gumanti ka sa ibang paraan... Yes, that was what he was going to do. Hindi na kailangan pang sabihin iyon ni Lauradia dahil iyon naman talaga ang plano niya.

Dumeretso siya ng tayo at bahagyang niluwagan ang pinto. Sinadya niyang ipakita sa babae ang pagpasada niya ng tingin dito mula ulo hanggang paa. Napaderetso ng tayo si Lauradia at na-tense. Pinigilan niyang mapangiti nang umangat uli ang tingin niya at sinalubong ang mga mata nito. "Come in." Bago pa makapag-react ang babae ay tinalikuran na ito ni Raiven.

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon