"Ano'ng nangyayari?" tanong ng tinig ng isang lalaki. Napatingin siya roon. Nandoon na ang mga kapatid ni Raiven at si Jeremy. Lalong nagwala ang mga paruparo sa sikmura niya. Bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na umamin sa mga magulang nito.
"Exactly what I want to know," seryosong sabad ni Don Jaime. "So, Raiven, ipapaliwanag mo ba kung ano ang sinasabi niya. Or you will volunteer to tell it to us, Lauradia?" baling ng don sa kanya.
Hindi nagsalita si Raiven kaya siya na lang ang naglakas-loob na magsalita. After all, siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng naging gulo sa buhay ni Raiven. "Ang totoo, alam kong may girlfriend na si Raiven sa simula pa lang. Pero may humingi ng tulong sa akin na paghiwalayin sila, so I did. Please huwag ninyo nang alamin kung sino ang humingi ng tulong ko. The point was, I seduced him. I did everything to make him fall for me. Para hindi niya ituloy ang kasal. Ang plano ko kapag nahulog na siya sa 'kin ay mawawala na akong parang bula sa buhay niya na siyang ginawa ko. Niloko ko lang siya," mabilis na paliwanag ni Lauradia.
Walang nagsalita sa mga ito at nagbuga lang ng hangin si Raiven sa tabi niya. Kinagat niya ang ibabang labi at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang kaso... nagkaloko-loko ang mga plano ko kasi... kasi na-realize ko na hindi siya gaya ng ibang lalaki. Before I knew it I got... emotionally involved." Naramdaman niyang natigilan si Raiven at napatingin sa kanya. Pero hindi niya tiningnan ang lalaki. Natatakot si Lauradia na baka kapag ginawa niya iyon ay mawala ang lakas ng loob niyang aminin ang tunay niyang nararamdaman.
"Nataranta ako. Natakot. Dahil alam ko na kapag nalaman niya ang lahat ay magagalit siya sa 'kin. Kaya gusto kong matapos na ang lahat para makalayo na ako sa kanya bago pa dumating sa puntong hindi ko na siya kayang iwan. But I got careless when we were on the island. I let myself get drowned with my own emotions. 'Tapos na-realize ko noong engagement party niya na hindi ko pala kayang tapusin ang misyon ko. I can't let him jilt her. Dahil masisira ang buhay niya kung ako ang pipiliin niya."
Noon siya tumingala kay Raiven. Bakas ang pagkamangha sa mukha nito. Nag-init ang mga mata niya pero pinigilan niyang umiyak. "Kaya nang tanungin mo ako kung ano'ng dapat mong gawin ay sinabi kong 'wag mong iwan si Julia. Do you remember, Raiven? I told you that night will be the last time. Kaya ako umalis," sabi ni Lauradia sa mas mahinang tinig. Pagkatapos ay hindi na siya nagsalita pa.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin 'yan agad? Bakit hinintay mo pang malaman ko sa mas masakit na paraan ang totoo? Nang magkita uli tayo pagkatapos ng isang buwan, bakit hindi ka nagsalita? Why did you have to lie to me?" tanong ni Raiven sa tinig na mas nagtataka kaysa nanunumbat.
Kinagat niya ang ibabang labi at naglakas ng loob na tingnan ito. "Dahil alam kong buntis na ako noon, okay? Dahil palagi kong nakikita sa balita kung ano ang nangyayari sa 'yo. Dahil ayokong lalo pang gumulo ang buhay mo dahil sa amin ng anak ko. Dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat kaya dapat lang na magalit ka sa 'kin."
Huminga nang malalim si Raiven at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Okay. I get it. Pero nakaraan na 'yon. You don't have to tell them everything, Lauradia. Dahil kahit ano pa ang sabihin nila, nagdesisyon na akong pakasalan ka." Napaawang ang mga labi niya. Bumaling si Raiven sa mga magulang nito. "You heard me, Papa, Mama. Pakakasalan ko siya. Kung ano man ang nangyari sa amin noon tapos na 'yon. Please, huwag naman kayong kumontra," pakiusap nito.
Nagkatinginan ang mag-asawa, bago sabay na sumagot. "Hindi naman kami kumokontra."
Nanlaki ang mga mata ni Lauradia. Hindi niya inaasahang pagkatapos ng mga sinabi niya ay ganoon lang ang sasabihin ng mag-asawang Montemayor.
"Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa inyo ay gusto pa rin ninyo ang isa't isa, sino kami para kumontra? Didn't I tell you before, Raiven? Ang mahalaga sa amin ay ang kaligayahan mo. May tiwala kami na kung sino man ang babaeng pipiliin mo ay siyang babaeng nararapat para sa 'yo," sabi ni Don Jaime.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomanceWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...