NAPATITIG si Raiven sa isang artikulo sa isa sa mga broadsheet na dinala ng sekretarya niya sa opisina niya. Hapon na at katatapos lang niyang magpunta sa mga meeting na naka-schedule nang araw na iyon. Ang pagbabasa ng mga diyaryo ang ginagamit niyang paraan para magpahinga bago umuwi. Ang artikulong nakaagaw ng pansin niya ay ang tungkol sa pagkakahuli kay Armando Villacorta dahil sa pamemeke ng testamento ni Loretta Chen at kung ano-ano pang kaso na hindi maaaring piyansahan ng lalaki. May koneksiyon din pala si Armando sa isang malaking sindikato na ang modus ay mang-akit ng mayayamang matrona at nakawan ang mga ito. Sa tulong daw ng tunay na testamentong napasakamay ng anak ni Loretta Chen ay lalong tumibay ang kaso laban sa lalaki.
Testamentong muntik nang makapagpahamak kay Lauradia para lang makuha. Napatiim-bagang si Raiven. They must add attempted rape to that bastard's crimes. Dahil mula noong may mangyari sa kanila ni Lauradia ay sigurado siyang hindi totoo ang akala niyang trabaho nito. He knew she didn't sleep with anyone for a long time. Ibig sabihin lang niyon ay totoo ang sinabi ng babae na pinagtangkaan ito ng Armando Villacorta na iyon.
"She should cut all her ties to whoever she's working for. Masyadong delikado ang trabahong ginagawa niya," sabi ni Raiven habang nakakunot-noong pinapasadahan ng basa ang artikulo. Hindi niya makontrol ang makaramdam ng protectiveness para kay Lauradia tuwing naiisip niya ang posibilidad na sa susunod ay tuluyan na itong mapapahamak sa kamay ng kung sino mang lalaki.
"Sino'ng tinutukoy mo?"
Napaangat ang tingin niya sa tinig na iyon ng kapatid niyang si Riki. Kasama nito si Choi. Ni hindi alam ni Raiven na nakabalik na pala si Riki mula sa honeymoon nito. Bago pa siya makasagot ay nakalapit na ang mga kapatid niya at umupo sa dalawang upuang nasa tapat ng mesa niya. Sinusuring pinagmasdan siya ng dalawa.
"What?" tanong ni Raiven.
"May sinabi sa amin si Jeremy at may sinabi sa 'kin si Choi na nagkita na uli kayo pagkatapos ng walong taon. Raiven, what do you think you are doing?" prangkang tanong ni Riki na ang tinutukoy ay si Lauradia.
Tuluyan na niyang itinupi ang broadsheet na hawak niya at sumandal sa swivel chair niya. "Getting even," simpleng sagot niya. Pero kahit sa pandinig niya ay kulang sa kumbiksyon ang tinig niya. Not after a heart warming breakfast and hot kisses he shared with her this morning. Pero ayaw niyang pakaisipin iyon nang husto. Dahil kapag ginawa niya iyon ay siya na naman ang magmumukhang tanga sa huli.
"Sigurado kang hindi mo lang 'yan ginagawa dahil gusto mo siyang makasama? Tinanong mo ba siya sa kung ano ang tunay na dahilan niya sa mga ginawa niya noon in the first place?" tanong naman ni Choi.
Napatiim-bagang siya at ikinuyom ang mga kamay. "No. And I don't have to ask her. Alam ko kung ano ang nangyari. Pinuntahan ninyo lang ba ako para doon? If so, I still have more important things to do than talk about her," pangdi-dismiss ni Raiven sa mga kapatid.
Nagtinginan ang dalawa, bago sabay na bumuntong-hininga at tumayo. "Sige, aalis na kami," paalam ni Riki.
Nasa pinto na ang mga kapatid niya nang tingnan uli siya ni Choi. "Be careful, brother. It could be you who'd fall hard on your scheme." Iyon lang at tuluyan nang umalis ang mga ito.
"No way," sabi ni Raiven sarili. Matagal siyang nanatili roon. Pagkatapos ay nagmumurang tumayo. He decided to go home. And this has nothing to do with her being there.
Pero sino ba ang niloloko niya? Hindi nga ba at halos ayaw na niyang umalis kanina dahil ayaw niyang iwan si Lauradia roon? "Damn!"
KUMABOG ang dibdib ni Raiven nang mapansing tahimik na naman sa bahay niya nang makauwi siya. Mabilis na binuksan niya ang pinto at inaasahan na niyang wala na naman doon si Lauradia nang matigilan siya. She was there. Patagilid na nakahiga ang babae sa mahabang sofa at mukhang malalim na natutulog. Nakapantalong maong at simpleng blouse lang ito na gaya ng suot nito nang nagtungo sa bahay niya. Hanggang ngayon ay nako-caught off guard pa rin si Raiven sa tuwing ganoon lang ang ayos ni Lauradia. Pero kung siya ang tatanungin, mas gusto niya kapag simple lang ito. She looks younger and prettier than when she was acting as a temptress.
Sa sahig na nasa tabi ng couch ay naroon ang shoulder bag ng babae. Mukhang galing ito sa kung saan. Napakunot-noo siya. Saan nagpupunta maghapon si Lauradia? He realized he didn't even know that because he never asked. Wala sa loob na inilapag ni Raiven ang suitcase niya sa isang one seater couch bago lumapit dito. Ang intensiyon niya ay gisingin ang babae para tanungin kung saan ito galing. Pero nang makita niya ang payapang pagtulog nito ay hindi niya nagawa ang balak. Sa halip ay maingat siyang lumuhod sa harap ni Lauradia at pinagmasdan ito. Hanggang sa hindi na nakatiis si Raiven at hinaplos niya ang mukha nito. Umungol ang babae at marahang nagmulat ng mga mata.
Saglit na tila disoriented pa ito pero nang magtama ang mga mata nila ay nginitian siya nito. "Raiven, nandiyan ka na pala," ani Lauradia sa bahagya pang paos na tinig. It brought a tingle of sensual awareness to his body. Tanggap na niya na ang babae lang ang nakakagawa niyon sa kanya. At kung noong nakaraan lang ay naghihimagsik si Raiven tuwing nangyayari iyon ay kataka-takang wala siyang nadamang ganoon ngayon. Sa katunayan ay nagdulot pa iyon ng mainit na haplos sa dibdib niya.
Huminga siya nang malalim sa realisasyong iyon. "Yes," nakangiting sagot ni Raiven.
Bago pa niya napigilan ang sarili ay niyuko niya ang babae at ginawaran ng magaang na halik sa mga labi. Na hindi rin niya natiis na hindi palalimin nang gumanti ito ng halik. Bago pa mauwi sa kung saan ang halik na iyon ay pinakawalan na rin niya si Lauradia. Tumayo siya.
Bumangon na rin ito. "Nakatulog pala ako."
"Oo nga. Saan ka galing?" tanong ni Raiven.
Natigilan si Lauradia at biglang umilap ang mga mata. Nawala ang ngiti niya. "Sa isang kaibigan lang," sabi nito at tumayo na. "Kumain ka na ba? Magluluto ako." Bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ang babae at dumeretso sa kusina. Kunot-noong sinundan niya ito ng tingin. Kung kailan nagdesisyon si Raiven na kilalanin si Lauradia ay saka naman ito umaaktong may ginagawang ayaw nitong sabihin sa kanya. Kung iba lang ang sitwasyon nila ay babale-walain niya ang reaksiyon ng babae. But his gut was telling him not to ignore it. Aalamin niya kung saan ito nagpupunta. Kung ayaw nitong sabihin, mayroon siyang ibang paraan para malaman iyon.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomanceWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...