"What's the meaning of this?" mahina pero mariing tanong ni Raiven kay Lauradia. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay sa labis na pagpipigil ng emosyon. He willed himself to make his expression passive. Pero nang hindi sumagot ang babae at tumitig lang sa kanya ay tuluyan nang nawala ang kontrol niya. "Tell me, damn you!" sigaw niya rito.
Napaigtad ito pero hindi pa rin nagsalita. Gigil na gigil na siya at wala siyang ibang gustong gawin kundi ang yugyugin ang mga balikat ni Lauradia. Pero pinilit niyang manatili sa kinatatayuan. "Ano'ng ibig niyang sabihin, Lauradia? Magsalita ka!" He spat her name as if it was poison. Hindi niya mapigilang magduda kung iyon ba talaga ang pangalan nito. Hindi magtataka si Raiven kung peke rin iyon.
Humugot nang hininga ang babae. "He... he hired me to seduce you. Para hiwalayan mo si Julia," mahinang sabi ni Lauradia.
Nanlaki ang mga mata niya. Tila may biglang bumara sa lalamunan niya nang kumpirmahin ng babae ang narinig niya. Napatiim-bagang si Raiven. Now it all made sense. Ang akala niyang coincidence lang na pagkikita nila ay sinadya lang pala. Alam na niyang planado ang lahat. Kaya pala tanging pangalan at edad lang ang sinabi sa kanya ni Lauradia—na maaaring hindi rin totoo, at ang pagtanggi nito kapag tinatangka silang kuhanan ng larawan ng mga staff sa island resort.
"So, dahil nagawa mo na ang trabaho mo kaya bigla ka na lang nawala, ganoon ba?" Bumakas ang guilt sa mukha ng babae at nagbaba ito ng tingin. Bigla siyang kinapos ng hininga at kahit anong hinga ni Raiven nang malalim ay hindi pa rin iyon naging sapat. His lungs were hurting. His hands were itching to hurt her just as she was hurting him. He wanted to crush her the way she effortlessly crushed his heart.
"You were lying to me the whole time. Lahat ng pagkikita natin hindi coincidence. You were seducing me because it's your job. Umaarte ka lang, ganoon ba?" gigil na sumbat niya kay Lauradia. Nang hindi pa rin ito tumingin sa kanya ay naningkit ang mga mata niya sa labis na galit. He wanted to punish her. God, he really wanted to. "Don't tell me even your orgasms were fake?" sarkastikong tanong ni Raiven.
Namula ang mukha ng babae at tumingin sa kanya. Lumampas ang tingin nito sa kanya at tumutok iyon sa may pinto. Lalong namutla si Lauradia. Bumakas ang kahihiyan sa mukha nito. Naramdaman niyang may mga tao na sa likuran niya pero hindi siya lumingon.
"What? Don't tell me nahihiya ka sa kanila? Iyon naman talaga ang trabaho mo, hindi ba? To open your legs to me until I go crazy with lust and leave my fiancée. Congratulations for making me into a fool!"
"Stop it!" sigaw rin ni Lauradia sa kanya. Nagbabaga ang mga mata nito sa galit. Tinitigan niya ang babae para sabihing wala itong karapatang magalit sa kanya. Siya lang ang dapat magalit sa ginawa nito. Ngunit hindi nagbaba ng tingin ang babae. "So what if I lied to you? Hindi ko kasalanan na nahulog ka sa pag-arte ko. You were a fool to fall in love with me."
"I thought you felt the same," sagot ni Raiven. Napamura siya. Yes, he was a fool.
"I never said I love you," malamig na sabi ni Lauradia. Nanginig ang buong katawan ni Raiven sa sakit na dumaloy sa puso niya sa sinabi nito. Napagtanto niyang tama ang babae. Even in the heat of their lovemaking, he never heard her say those words. It was the worst evidence of her betrayal. Bago pa niya napigilan ang sarili ay natawid na niya ang pagitan nilang dalawa.
Napasinghap si Lauradia nang mariin niyang hawakan ang magkabilang balikat nito. Mabilis ding lumapit ang mga kasama nila para pigilan si Raiven sa kung ano man ang balak niyang gawin dito. Pero mas mabilis siya dahil bago pa makalapit ang mga ito sa kanila ay mariin na niyang siniil ng halik ang mga labi ni Lauradia. He kissed her hard. Wala siyang pakialam kahit masaktan ang babae. He was so angry he wanted to inflict pain onto her. And that was the only way he knew how to punish her without killing her.
Mahigpit niyang hinawakan sa mga braso ang babae. Alam niyang magpapasa iyon sa oras na bitiwan niya ito. Hindi nagprotesta si Lauradia sa halip ay tinugon pa nito ang halik niya. His anger for her suddenly turned to self-hatred when he tasted blood from her lips. Marahas na inilayo ni Raiven sa sarili ang dalaga. Umatras siya at puno ng galit na sinalubong niya ang mga mata nito. "You scheming bitch."
"I know," garalgal ang tinig na sagot ni Lauradia.
Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala. Pero sa halip ay buong lakas na sinuntok na lang ni Raiven ang center table na malapit sa kanya sa labis na galit. Nabasag ang salamin niyon. He saw blood on his hand but he didn't care. He didn't even feel any pain. Nagmura siya nang malakas at saka tinalikuran ang babae. Umatras ang mga babaeng nasa likuran niya para bigyan siya ng daan. Lumabas siya ng silid at pabagsak na isinara ang pinto.
Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa loob ng kotse niya na hindi siya naaksidente. Mariin siyang pumikit dahil sa labis na pananakit ng mga mata niya. Nang haplusin ni Raiven ang kanyang mukha ay naramdaman niya ang pamamasa ng mga pisngi niya. "Dammit!" mura niya sa kabila ng matinding pagbabara ng lalamunan niya. He felt something inside him dying. And he knew he would never be the same. He would never let anyone hurt him like this, again.
NAPASALAMPAK sa sahig si Lauradia pagkasarang-pagkasara ng pinto ng opisina nila. Pakiramdam niya lahat ng lakas sa katawan niya ay biglang hinigop ng kung ano. Nag-init ang mga mata niya at bago pa may makapagsalita sa mga taong naroon ay napahikbi na siya at humagulhol nang malakas.
Halos himatayin siya nang makita niyang pumasok si Raiven sa opisina nila. She missed him so bad she thought she was hallucinating.
Pero ang pagkagulat niya ay napalitan ng labis na pighati nang mapagtanto niyang narinig ng binata ang pinag-uusapan nila ni JM. It was then that she was sure that everything was over. Nakita niya ang labis na sakit at galit sa mukha ni Raiven. Nakita ni Lauradia kung paano lumabas ang mga ugat sa leeg nito, kung paano mamuti ang mga kamao ng binata sa labis na pagkakakuyom. Nakita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito. It was then that she realized that the little hope she had that they would be together in the future totally faded away. Hinding-hindi siya mapapatawad ni Raiven sa panlolokong ginawa niya rito.
Naalala niya ang sitwasyon niyang kadidiskubre lang niya kahapon kaya lalo siyang napaiyak. "Lauradia," ani Czarina na nakalapit na pala sa kanya. "Alam niya ang tunay mong pangalan?"
Umiiyak na tumango siya. Hindi nagsalita ang mga kasamahan niya dahil alam niya, alam ng mga ito ang ibig sabihin ng ginawa niyang pagbigay ng tunay niyang pangalan kay Raiven.
Nang tumingala siya ay napansin niyang wala na si JM doon. Nakita niyang nasa pintuan si Miss Red Butterfly, na nakatingin sa kanya. Hindi mabasa ni Lauradia ang ekspresyon sa mukha ng babae. Sa kabila ng panghihina ay tumayo siya at lumapit dito. Pagkatapos ay lumuhod uli siya at yumuko sa harap nito. "I can't do this anymore. Please I don't want this anymore. I want to..." Napahagulhol siya sa sakit na nararamdaman ng puso niya kaya hindi na niya natapos ang sasabihin niya.
"Gusto mong umalis sa grupo," pagtapos ni Miss Red Butterfly sa sasabihin niya. Nagprotesta ang mga kasamahan niya pero kagat-labing tumango si Lauradia. "Alam mo ba kung ano ang hinihiling mo, Radia? Are you going to break the loyalty you vowed to me?"
Tumango uli siya. "I'm sorry."
"Hindi kayo magkakatuluyan kahit na umalis ka. He loaths you," deretsang sabi ni Miss Red Butterfly.
Tila patalim na itinarak iyon sa puso niya. "Alam ko po," sagot ni Lauradia.
"Kapag umalis ka, hindi ka na puwedeng magpakita pa sa Club Notteria. Hindi mo rin puwedeng kontakin ang mga kasama mo rito. Mawawalan ka ng tirahan, ng mapagkakakitaan, ng mga kaibigan, at ng pamilya. Are you willing to throw away everything just because you fell in love?"
Nakagat niya ang ibabang labi niya at tiningala si Miss Red Butterfly. Sinalubong niya ang mga mata nito, ang mga mata ng taong nagbigay sa kanya ng pangalawang buhay at kumupkop sa kanya. "Yes."
Matagal siyang tinitigan ng babae bago marahang tumango. "Mula sa oras na ito, hindi ka na miyembro ng Club Notteria. I want you to leave the vicinity this instant and never to show your face again." Iyon lang at lumabas na ito ng silid. Yumuko uli siya at pinunasan ang mga luha.
Alam niya na dismayado si Miss Red Butterfly sa kanya kahit hindi sinabi ng babae. She didn't want to betray her. Pero kailangan niyang gawin iyon. Alam ni Lauradia na hindi magiging madali sa kanya ang lahat. Pero kailangan niyang kayanin. She had to go away. Hindi na lang iyon para sa kanya kundi maging para sa batang nasa sinapupunan niya.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomanceWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...