Part 23

32.8K 741 8
                                    

KATULAD ng inaasahan ni Lauradia, hindi naging madali sa kanya ang makapasok sa Club Notteria. Malaki na ang ipinagbago niyon sa paglipas ng mga taon. Mas malaki at enggrande na iyon. Halos lahat ng mga empleyado ay hindi na niya kilala. Akala pa nga niya ay hindi siya papayagan ni Miss Red Butterfly na makita ito sa unang pagpunta niya roon. Kaya naman nagulat siya nang sabihin ng isang bouncer doon na pinapapunta siya ng babae sa opisina nito.

Tanging ang opisina lang ni Miss Red Butterfly ang napansin niyang hindi nagbago. Nasa bahagi pa rin iyon kung saan kitang-kita ang halos kabuuan ng club. Mabilis ang kabog ng dibdib ni Lauradia nang makapasok siya sa opisina ng babae. Nakaupo si Miss Red Butterfly sa paborito nitong pulang one-seater couch. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Pinagmasdan lang siya ng babae mula ulo hanggang paa. Nanumbalik ang naramdaman niya nang una siyang makita nito sa kalsada.

"You lost weight. The outside world has not been good to you," ani Miss Red Butterfly sa malamyos na tinig na tandang-tanda pa niya. Pilit siyang ngumiti pero hindi nagawa ni Lauradia. Hindi rin siya makapagsalita. Tumayo ang babae at nakahalukipkip na naglakad palapit sa kanya. "Bakit gusto mo akong makita? Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na oras na umalis ka sa grupo ay hindi ka na maaaring magpakita pa sa akin?"

Napayuko siya at napakagat-labi. "Alam ko," mahinang sabi ni Lauradia.

Huminto ang babae nang ilang pulgada sa harap niya. "Then why are you here?" Hindi siya makapagsalita. "Look at me, Radia."

Tiningnan niya si Miss Red Butterfly nang banggitin nito ang pet name nito sa kanya. Seryoso ang mukha ng babae.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. "A-alam kong wala akong karapatang magpakita pa sa inyo. I broke my promise of loyalty to you kahit alam kung hindi dahil sa 'yo ay hindi ako buhay ngayon. I was afraid that you will not let me see you. P-pero wala na akong puwedeng lapitan pa. I badly need a job. Isang trabaho na mababayaran ako ng malaking halaga. For the last time, please hire me," pakiusap ni Lauradia.

Matagal na pinakatitigan lang siya ni Miss Red Butterfly. "If you will tell me why then I might."

Nakagat niya ang ibabang labi at saka humugot ng malalim na hininga. Sa totoo lang ay ayaw niyang malaman pa nito kung ano ang nangyari sa kanya. Pero alam din niya na kapag hindi siya naging matapat sa babae ay hindi siya tutulungan nito. Sinabi niya rito ang katotohanan, sa kabila ng pag-iinit ng mga pisngi niya dahil sa mataman nitong pagtitig sa kanya. Napayuko uli si Lauradia pagkatapos niyang magsalita. Ang akala niya ay magagalit sa kanya si Miss Red Butterfly.

Kaya nagulat siya sa sunod na ginawa ng babae. Niyakap siya nito. "Oh, Raida, I'm sorry that happened to you. I'm sorry I didn't notice anything," anito. "I was the worst guardian for letting you suffer so much alone."

Nag-init ang mga mata niya sa naging reaksiyon ni Miss Red Butterfly at saka gumanti ng yakap, bago ito bahagyang kumalas. Lumambot ang ekspresyon sa mukha ng babae. In an instant she looked younger. Nagmukhang kaedad lang niya ito. "Let me help you. Ako na ang bahala sa operasyon niya."

Umiling si Lauradia. "Ayokong samantalahin ang kabaitan ninyo. Not after I betrayed you. Gusto kong paghirapan ang perang gagamitin sa operasyon ng anak ko."

Bumuntong-hininga si Miss Red Butterfly. "All right. Kung 'yan ang gusto mo, bibigyan kita ng trabaho. But I warn you, ang mga trabahong mayroon ako ngayon ay hindi na gaya noon, Radia. Our missions are more dangerous. Kailangan mong mag-ingat dahil may batang umaasa sa 'yo, maliwanag ba?"

Tumango siya. "Thank you Miss Bettina," mahina niyang tawag sa tunay nitong pangalan.

Kumislap ang mga mata ng babae. Sa pagkakaalam niya ay sila lamang ni Czarina ang nakakaalam noon sa tunay nitong pangalan. Hindi na lang niya alam ngayon. "I know how it feels to be forced to live a life alone and helpless Lauradia. Kaya kita kinupkop at maging ang iba pa ay dahil ayokong maranasan ninyo ang mga naranasan ko. But I let you experience it because of my insensitivity. Hindi pa huli ang lahat para tulungan kita." Iyon lang at tumalikod na ito. May kinuhang folder ang babae. Saglit pa ay pinag-uusapan na nila ang trabahong kailangan niyang gawin.

"NAKIKITA mo iyong lalaking iyon? That's Armando Villacorta. Kailan lang ay namatay ang asawa niyang si Loretta Chen, isang mayamang Intsik. Pangalawang asawa ni Loretta si Armando. Ang sabi ng anak ni Loretta, ayon daw sa last will and testament ng kanilang ina ay ipinamana raw nito lahat ng kayamanan niya kay Armando. Pero may duda sila sa testamentong iyon. Ayon sa anak niya peke raw ang testamento at gawa-gawa lang ni Armando iyon dahil ang totoo, wala talagang ipinamana sa kanya si Loretta. Na ang tunay na testamento ay itinatago ni Armando sa safety box na nasa kuwarto nito sa mansiyon. Ang misyon natin ay makuha ang testamentong iyon," mahabang paliwanag ni Czarina kay Lauradia.

Nasa loob sila ng isang super club dahil nalaman nila na madalas doon ang Armando Villacorta na iyon. Nasa VIP lounge ang lalaki at nakikipagharutan sa tatlong babae. Ayon sa report ay thirty-five years old pa lang ang lalaki habang si Loretta naman ay fifty years old na. Hindi pabor ang dalawang anak ni Loretta sa pagpapakasal nito kay Armando pero hindi nakinig ang babae. Ayon din sa report na nakuha nila ay walang pakundangan si Armando sa paglustay ng pera ni Loretta. May dahilan nga ang mga anak ni Loretta para mag-alala.

"Mahilig siyang magpa-party sa mansiyon. Madalas na miyembro lang ng alta-sosyedad at may mataas na posiyon sa lipunan ang imbitado sa mga iyon. Pahirapan ang pagkuha ng invitation. Ang goal natin ay madala ka niya sa kuwarto niya kung saan naroon ang safety box niya," sabi ni Czarina.

"Ang sabi ni Miss Red Butterfly delikado raw ang trabahong ito pero mukhang hindi naman," sabi ni Lauradia kay Czarina.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng babae. "Lauradia, delikado siyang tao. May koneksiyon siya sa isang malaking sindikato. Malaki lang talaga ang ibabayad sa atin ng anak ni Loretta kaya ito tinanggap ni Miss Red Butterfly. Mag-iingat ka," paalala ni Czarina.

Nginitian niya ang babae. Labis siyang natuwa nang magkita uli sila ni Czarina at sinabi rin niya rito ang tunay niyang sitwasyon. Ikinuwento sa kanya ng babae na sinubukan siya nitong hanapin pero hindi raw siya nito makita. Sinadya iyon ni Lauradia dahil nais niyang mabuhay kasama ang anak niya na malayo sa nakaraan niya. Pero sa huli ay sa mga ito rin siya lumapit.

"Huwag kang mag-alala. Mabilis kong tatapusin ang trabahong ito," aniya rito. Inayos niya ang maiksing bestida na hakab na hakab sa katawan niya. Ipinagpasalamat niya na kahit pumayat siya ay hindi naman nabawasan ang hubog ng dibdib at pang-upo niya. Huminga siya nang malalim. "Pupuntahan ko na siya," sabi ni Lauradia kay Czarina.

"Mag-iingat ka. Nandito lang ako sa tabi-tabi."

Tumango siya, pagkatapos ay nagsimulang lumakad palapit kay Armando Villacorta sa paraang aral na aral niya at matagal na niyang hindi ginagamit. Nang maalala kung sino ang huling lalaking ginamitan niya niyon ay mabilis niyang ipinilig ang kanyang ulo para palisin iyon sa isip niya. Masisira ang diskarte niya kung iisipin niya si Raiven.

Medyo malayo pa siya kay Armando ay napatingin na sa kanya ang lalaki. Lauradia smiled slowly when their eyes met. Tiningnan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa at pabalik. Nagtagal ang tingin nito sa dibdib niyang halos lumuwa na sa damit na suot niya bago bumalik ang mga mata nito sa mukha niya.

Inangat ni Lauradia ang isang kamay sa ulo niya para hawiin ang buhok niya kaya lalong lumiyad ang dibdib niya. Kumislap ang mga mata ni Armando. It had been eight years but she knew very well that look of lust in his eyes. Lihim siyang napangiti nang tumayo ang lalaki at walang pag-aalinlangang iniwan ang mga babaeng kaharutan nito para salubungin siya. Easy.

"Hi there, sexy. What's your name?" nang-aakit na tanong ni Armando kay Lauradia.

She slowly smiled; the smile she always used to lure her target. Tumindi ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki. "I'm Cherry."

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon