Part 29

34.9K 865 22
                                    

NANLAMIG si Lauradia sa pagkatarantang biglang lumukob sa kanya nang luwagan ni Raiven ang pagkakabukas ng pinto. Hindi niya inaasahang papapasukin siya nito. Hindi siya kumilos sa pagkakatayo niya sa labas ng pinto. Tinitigan lang niya ang likod ng binata. Lalo siyang ninerbiyos dahil pagbukas pa lang nito ng pinto ay napansin na niyang nakaroba lang si Raiven at basa pa ang buhok. Nanuot sa ilong niya ang bagong paligong amoy nito. Wala siyang tiwala sa sarili na sundan ang binata lalo pa at damang-dama niya ang epekto nito sa kanya. Hayun nga at nararamdaman pa rin ni Lauradia ang kakaibang kilabot sa balat niya habang nakatingin dito.

Huminto si Raiven sa paglalakad nang tila mapansing hindi siya sumunod dito. Nilingon siya nito at kinunutan ng noo. "Pumasok ka at isara mo ang pinto. You never know if someone is watching. Ayokong maging laman ng balita dahil sa 'yo. I don't want them to misunderstand," malamig na sabi ng binata.

Para siya nitong sinampal sa sinabi nito kaya walang salitang pumasok siya. Ngalingaling ibagsak niya pasara ang pinto pero pinigilan niya ang sarili. Patience, Lauradia, pagpapakalma niya sa sarili.

Bago pa siya magpunta roon ay nakapagdesisyon na si Lauradia na gagawin ang lahat para mapatawad siya ni Raiven sa panlolokong ginawa niya rito noon. Para mangyari iyon ay kailangan niyang rendahan ang sarili niyang emosyon. Kailangan din niyang lunukin ang kanyang pride at huwag patulan ang mga masasakit na salita na sasabihin ng binata. Higit sa lahat, kailangan niyang mabawi ang envelope, maibigay iyon sa anak ni Loretta Chen para mabayaran ang operasyon ng anak niya at matapos na ang trabaho niyang iyon. Sana lang ay magawa niya ang lahat ng iyon nang ganoong kadali.

Kumabog ang dibdib niya nang magpatuloy sa paglalakad ang binata patungo sa direksiyon ng pinto na alam niyang ang silid nito. "Follow me," hindi lumilingong sabi ni Raiven.

Huminga siya nang malalim at sumunod dito. Bahagya siyang na-disorient nang sa pagpasok niya sa silid nito ay mapansin kaagad ni Lauradia na ibang-iba na iyon sa hitsura niyon noong dinala siya doon ni Raiven dati. Wala sa loob na nailibot niya ang tingin sa paligid. Ultimo kama ay bago na. Nang huminto ang tingin niya kay Raiven at mapansin niyang titig na titig ito sa kanya habang nakahalukipkip ay tila may hinalukay sa sikmura ni Lauradia sa realisasyong sumagi sa isip niya. Sinadya nitong ipakita iyon sa kanya. Binago ng binata ang loob ng silid nito na para bang nais nitong sabihin sa kanya na matagal na nitong itinapon ang alaala niya. Samantalang siya, bukod sa anak niyang laging nagpapaalala rito ay itinabi rin niya ang note na iniwan nito sa kanya noon.

"So, you want to get this?" ani Raiven saka kinuha ang envelope na nakapatong sa bedside table.

Napaderetso siya ng tayo. Salamat sa envelope na iyon at bumalik sa isip niya ang tunay na dahilan kung bakit siya naroon. Inilahad ni Lauradia ang kamay. "Akin na."

"Not after you tell me why you have this? Ano ang konkesiyon mo kay Loretta Chen at na sa 'yo ang testamentong ito?"

Itinikom niya nang mariin ng mga labi. Alam naman niyang imposibleng hindi iyon tiningnan ng binata. "Hindi mo na kailangang malaman pa 'yon. Ibigay mo na sa 'kin 'yan."

"No," mariing sagot ni Raiven.

Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling sikmatan ito. Bumuntong-hininga siya. Kung gusto niyang mapatawad siya ni Raiven ay dapat maging tapat siya rito sa abot ng makakaya niya.

"I was hired by her son to get that from Armando Villacorta. Nang mamatay si Loretta Chen ay naglabas ang abogado nila ng testamentong nagsasaad na ibinibigay niya ang lahat ng kayaman niya kay Armando na siyang pangalawang asawa niya. Pero ayon sa mga anak niya ay peke ang testamentong 'yon. Pineke ni Armando ang last will and testament ni Loretta. So they hired me to get the real contract from him. Kaya ako lumapit sa kanya. Nakuha ko ang testamentong 'yan sa safety box niya sa loob ng dressing room niya. So give that back to me para matapos na ang trabaho ko," sumusukong paliwanag ni Lauradia.

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon