NANLAMIG ang buong katawan ni Raiven at halos tumalon sa lalamunan niya ang kanyang puso nang mapagtanto niya ang sinabi ni Lauradia. Bago pa siya maka-recover ay nakita niyang kumilos ang katawan ng babae patungo sa tubig hanggang sa mahulog ito roon.
"Lauradia!" sigaw niya bago walang pagdadalawang-isip na tumalon sa tubig.
Dobleng effort ang kinailangan niya para tumagal sa ilalim ng tubig dahil lalo siyang kinakapos ng hininga sa bilis ng tibok ng puso niya. He never knew he could feel that intense fear before. But now, he felt like he was going crazy with worry. Bahagya siyang kumalma nang mahawakan niya ang braso ni Lauradia. Mabuti na lang at malinaw ang tubig kaya agad niyang nakita ang babae. He wrapped an arm around her waist and swam up. Nang nasa ibabaw na ng tubig ang ulo ni Raiven ay saglit siyang huminga nang malalim bago mabilis na lumangoy at umahon kasama si Lauradia na yakap pa rin niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang makitang may malay ang babae at bahagya lang inubo. "Are you okay?" natatarantang tanong niya. Hinawakan niya ang isang bahagi ng mukha ni Lauradia habang marahang hinawi ang buhok nitong tumabing sa mga mata nito. Pagkatapos ay ikinulong ni Raiven ng dalawang kamay ang mukha nito. "Lauradia," garalgal na tawag niya rito.
Dumilat ito. Nang magtama ang mga mata nila ay hinigit niya ang babae at niyakap nang mahigpit. "God dammit! I thought you were going to die," nag-aalalang sabi niya. Nanginginig pa rin siya sa takot. Ni hindi siya makapaniwalang makakaramdam siya ng ganoong klaseng takot sa buong buhay niya.
Natigilan siya nang umalog ang mga balikat ni Lauradia. Umiiyak ba ito? Pero nang bahagya niyang ilayo sa kanya ang babae ay namangha siya nang makitang tumatawa ito. Naghi-hysteria pa yata ito. "Lauradia?" nag-aalalang tawag niya rito.
"Raiven, I was just joking. Marunong akong lumangoy," tumatawang sabi nito.
Napaawang ang mga labi niya habang nakatingin dito. "What?"
Pinigilan nito ang pagtawa at tumingin sa kanya. Sumasayaw sa pagkaaliw ang kislap ng mga mata ni Lauradia. "I was just teasing you. You look so funny."
Naging malinaw sa kanya ang nangyari. Ang takot at pag-aalala ay napalitan ng labis na pagkainis. Tumiim ang mga bagang ni Raiven at marahas na hinawakan ang babae sa mga balikat nito. Marahas siyang tumayo kasama nito. Nawala ang tuwa sa mga mata nito nang mapatitig sa kanya. "Don't ever do that again," gigil na sabi niya.
"Raiven?" nagtatakang tanong ni Lauradia.
Inalog niya ang babae. "If that's your idea of fun, it's not funny at all. You scared the hell out of me!" sigaw niya.
Kumurap ito. Sumungaw ang pagsisisi sa mukha nito. Kumibot-kibot ang mga labi nito na tila batang nahuling gumagawa ng kalokohan. "I'm sorry," mahinang sabi ng babae.
Huminga nang malalim si Raiven para pakalmahin ang sarili at hindi nakatiis na tinawid ang pagitan ng mga labi nila. He kissed her hard, punishing her for making him feel so weak. Pero nang umawang ang mga labi ni Lauradia at sumandig sa katawan niya ay nakalimutan niya ang dahilan ng paghalik dito. Bumaba ang mga braso niya sa baywang nito at lalo pang hinigit palapit sa katawan niya ang babae. He felt like they were skin to skin through their wet clothes. It made his body hot and he kissed her deeper.
"Attention to all the guests. We request everyone to go back to the boat at once," malakas na anunsiyo ng kanilang tour guide.
Pinakawalan niya ang mga labi ni Lauradia. Kapwa sila hinihingal habang nakatitig sa isa't isa. Matagal bago ito nagsalita. "W-we have to go back."
"Yes," sagot ni Raiven. Labis na kontrol ang kinailangan niya para magawa niyang lumayo rito. Tahimik na naglakad sila pabalik sa speedboat. His body still tense with arousal. God, he wanted her. And he will have her, tonight.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomanceWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...