KINABUKASAN ay naramdaman ni Raiven na bumangon si Lauradia nang mas maaga kaysa karaniwang gising nito. Pero hindi siya bumangon at nagkunwang tulog pa rin. His chest warmed when he felt her kiss his lips before she went out of the room. Pero napalitan na naman iyon ng pagdududa nang sa pagdilat niya ay makita niya ang maliit na note ng babae sa bedside table. Ayon doon ay may pupuntahan lang daw ito at babalik din kinagabihan.
Bumangon siya at mabilis na kinuha ang cell phone niya at may taong tinawagan. "Are you following her?" tanong ni Raiven sa imbestigador na kinausap niya kagabi.
"Yes, Sir."
"Good. Tawagan mo ako kapag alam mo na kung saan siya pumunta."
Pagkatapos ng tawag na iyon ay naligo na siya at nagbihis. Kinausap na niya ang sekretarya niya kagabi na hindi siya pupunta sa opisina sa araw na iyon. Buo na ang pasya ni Raiven na kausapin nang masinsinan si Lauradia sa araw na iyon.
Naka-polo shirt at jeans na siya at handa nang umalis nang sa wakas ay tumawag ang imbestigador na kausap niya. "Where is she?" agad na tanong ni Raiven.
"Sa ospital, Sir. Ayon sa pagtatanong ko ay ilang linggo na raw naka-confine dito ang anak niya."
Natigilan siya at muntik ng mabitawan ang cell phone niya. "Anak? May anak siya?" manghang tanong niya.
"Yes, Sir. Mrs. De Guzman ang tawag sa kanya ng mga nurse dito."
Nanghihinang napasandig siya sa pader at ibinaba ang cell phone niya.Tumatahip ang dibdib niya at halos kapusin siya ng hininga. May asawa at anak na si Lauradia? Hindi iyon imposible sa loob ng walong taong lumipas. Hindi rin imposibleng hindi nito iyon sabihin sa kanya kung trabaho lang para dito ang makasama siya. But he couldn't believe the effect it had on him. Ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon ay gaya ng naramdaman niya nang malaman niyang niloloko lang siya ni Lauradia. He felt like his chest was about to explode.
"My God," hindi makapaniwalang sabi ni Raiven. Matagal siyang nakasandig doon bago bumalik ang lakas ng mga tuhod niya. Sigurado ang mga hakbang na nagtungo siya sa kotse niya. He had to see it for himself no matter how painful it was going to be. Lauradia's family. Pero kahit determinado siyang makita ang mga ito ay ilang oras pa siyang nagpaikot-ikot bago siya nagkalakas ng loob na i-park ang kotse niya sa parking lot ng ospital kung saan naroon sina Lauradia.
NANLALAMIG si Lauradia sa labis ng kaba. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero may pakiramdam siya na hindi lang iyon dahil kasalukuyang inooperahan ang anak niya. Hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin nang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang ilang nurse. Napatayo siya nang ang sumunod na lumabas ay ang doktor na siyang nag-opera kay Lance.
Nginitian siya ng doktor. "Tagumpay ang operasyon, Misis. Maghintay lang ho kayo sandali at dadalhin na siya sa silid niya."
Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ng doktor. Hindi siya mapakali dahil nais niyang makita agad ang anak niya. Hindi naman nagtagal ay inilabas na rin mula roon Lance. Mahimbing ang tulog ng bata. Kinabahan pa si Lauradia dahil bahagya itong namumutla. Nag-init ang mga mata niya sa labis na tensiyon. Pero in-assure naman siya ng doktor na bubuti din ang kalagayan ni Lance. Nang makarating sila sa silid na ookupahin ni Lance ay pumuwesto kaagad siya sa tabi ng anak niya at ginawaran ng maraming halik ang mukha nito. "Okay ka na, anak. Magpalakas ka nang husto. Nandito lang sa tabi mo si Mama," kausap ni Lauradia sa bata.
Ilang oras din siyang nanatili roon bago siya tinawag ng nurse para mag-fill out ng mga papeles sa reception. Nais niya sanang hintaying magising si Lance pero alam niyang kailangan niya ring asikasuhin ang mga papeles. Tinanguan ni Lauradia ang nurse at hinalikan uli ang anak niya bago niya binuksan ang pinto at lumabas. She sighed heavily with relief. Pakiramdam niya ay unti-unti nang nawawala ang tensiyon sa buong katawan niya.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomanceWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...