Part 36

42.3K 948 9
                                    

SA kabila ng pagpoprotesta ni Lauradia ay halos araw-araw na nasa ospital si Raiven para bisitahin si Lance. Palagi niyang sinasabi sa binata na hindi nito kailangang gawin iyon at pagtuunan na lang ng pansin ang kompanya nito pero sa tuwina ay binabale-wala ni Raiven ang mga sinasabi niya. Nag-aalala siya na baka may makapansin sa ospital kung sino ito at makarating sa media ang ginagawa nito. Alam naman ni Lauradia na hindi basta kung sino lang ang binata. Nagmula ito sa pamilyang sinusundan ng media ang bawat galaw. Nang mga nakaraang buwan nga lang ay palagi niyang napapanood sa balita ang mga nangyayari sa dalawang kapatid nito, paano pa kaya si Raiven na presidente ng isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa?

Pero kahit ano ang gawin niya ay binabale-wala nito ang sinasabi niya. Tuwing dumarating din ang lalaki ay nakikita ni Lauradia na sumasaya si Lance. Dahil sa atensiyon ni Raiven kay Lance at sa mga pasalubong nito sa bata ay mabilis ang naging paggaling ng kanyang anak. Paano pa ba siya makakapagreklamo niyon? Nang lumabas sila ng ospital ay iginiit pa ni Raiven na ito ang magbabayad ng lahat ng bills doon. Tumanggi si Lauradia at sinabi ritong may pambayad naman siya pero muntik pa silang mag-away dahil doon.

"For God's sake, Lauradia. Let me do something I wasn't able to do for him for the last eight years," frustrated pang sabi ni Raiven sa kanya. Ano pa ba ang laban niya kapag ganoon na ang argumento nito?

"Baka may makakita sa 'yo na kasama kaming umalis ng ospital, Raiven. Paano kung masundan tayo ng reporters at malaman nila na sa bahay mo kami tutuloy?" nag-aalalang tanong ni Lauradia rito nang nasa tabi na sila ni Lance ng kotse nito na nasa parking lot ng ospital.

Pinapasok muna nito si Lance sa kotse, saka siya hinarap at hinawakan sa magkabilang balikat. "Let me tell you this for the last time, Lauradia. I don't give a damn. Now, pumasok ka na sa loob ng kotse para makauwi na tayo," utos ni Raiven. Bahagya pa siya nitong inakay sa nakabukas na pinto sa gawi ng passenger's seat. Nang makapasok siya ay saka lang umikot patungo sa driver's seat ang lalaki. Bumuntong-hininga siya kahit hindi pa rin nawawala ang pagdadalawang-isip niya.

"WOW! Ang ganda at ang laki naman po ng bahay ninyo, Papa," masiglang sabi Lance kay Raiven nang makarating sila sa bahay niya. Binalingan ni Lance si Lauradia. "Mama, dito na tayo titira? Ang saya naman."

Hindi mapigilan ni Raiven ang mapangiti habang nakamasid sa masiglang pagkilos ng anak nila. Mas maganda na ang kulay at kondisyon nito ngayon kaysa noong una niya itong nakita.

"Lance, dahan-dahan, baka mabinat ka," saway rito ni Lauradia na nasa likuran niya. Napalingon siya sa babae nang huminto ito sa tabi niya at nag-aalalang tiningnan si Lance.

"Opo, Mama," masunuring sagot ni Lance. Hindi inalis ni Raiven ang tingin sa mukha ni Lauradia. Tila napansin naman nito iyon dahil tiningala siya ng babae at nagtatanong ang mga matang tiningnan siya. Sumulyap muna siya kay Lance at nang makitang nakatalikod sa kanila ang bata ay mabilis na hinawakan niya ang batok ni Lauradia at mabilis itong hinalikan sa mga labi. He had been itching to do that for days. Mula kasi nang maoperahan si Lance ay hindi pumayag ang babae na umuwi kasama siya dahil gusto nitong bantayan ang anak nila. So no matter how much he wanted to take her to bed, he resisted. Afterall, mas mahalaga ang anak nila.

Suminghap si Lauradia nang pakawalan niya ito. Ilang saglit na nagkatitigan lang sila bago nakarinig ng hagikgik si Raiven. Magkapanabay pa silang napalingon sa anak nila na ngising-ngisi habang nakatingin sa kanila. Napangisi rin siya, lalo na nang makita niyang namumula ang mukha ni Lauradia.

"Bakit mo 'yon ginawa?" mahinang asik ni Lauradia sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Because I want to." Umangat ang isang kilay ng babae at akmang magsasalita pa pero nilayuan na niya ito at nilapitan si Lance. Ayaw niyang magtalo na naman silang dalawa. Not now. "Let's go to your room, Lance," yaya ni Raiven sa anak nila.

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon