Part 18

32.4K 801 27
                                    

HALOS bumaligtad ang sikmura ni Lauradia habang nanonood sila ng balita kinahapunan. Tulad ng ikinatatakot niya ay umatras sa kasal si Raiven. Laman ng lahat ng channel ang press conference na ginawa ni Diosdado Lagdameo. Galit na galit ang matandang negosyante habang sinasabing wala "palabra-de-onór" si Raiven. Inakusahan pa ng matanda ang binata na nambababae habang engaged ito kay Julia Lagdameo at kung ano-ano pang malisyoso at masakit na akusasyon na kahit may halong katotohanan ay siguradong gawa-gawa lang ni Diosdado para sirain ang pangalan ni Raiven.

Dahil kagabi lang ibinalita ang engagement party nina Raiven at Julia ay naging napakalaking usap-usapan ang biglang pag-atras ni Raiven sa kasal. Halos lahat ay naniwala sa mga sinabi ni Diosdado Lagdameo. Lalo pa at hindi nagbibigay ng paliwanag si Raiven.

Lahat ng mga kasamahan ni Lauradia sa grupo ay nagbubunyi para sa tagumpay na naman ng trabaho nila. Binati siya ng mga ito. Sumakit naman ang mga panga niya sa pagpipilit na ngumiti. Maging si Miss Red Butterfly ay niyakap pa siya at pinuri sa ginawa niya. Alam nilang lahat kung gaano kagalit si Miss Red Butterfly sa mga tao sa alta-sosyedad at nasisiyahan ang babae kapag nagkakagulo ang mga ito gaya ngayon. She used to be like her before she met Raiven.

Pero kahit gaano pa kasaya ang mga kasamahan niya ay hindi nahawa si Lauradia sa mga ito. She was slowly dying inside. Lalo pa at hindi niya maiwasang isipin na bumalik na si Raiven sa bahay nito. Alam niyang hahanapin siya ng binata. And she's not going to be there to make him feel that he did the right decision.

KOMPARA sa seryoso at malamig na pagtanggap ni Don Jaime sa desisyon ni Raiven ay yakap ang iginawad sa kanya ng mama niya nang sabihin niya rito ang tungkol doon.

"As long as you are sure about that I will support you, Raiven. Don't mind the scandal. Makakalimutan din ng mga tao ang tungkol diyan paglipas ng mga araw," pang-aalo ng mama niya. Hindi pa niya sinasabi rito ang tungkol kay Lauradia dahil gusto niyang kapag sinabi niya iyon sa ina ay kasama na niya ang dalaga.

Tinapik lang siya ng mga kapatid niya sa balikat at hindi ikinaila ang pagsuporta ng mga ito sa desisyon niya. Ang mga kapatid niya ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkalakas siya ng loob na huwag ituloy ang kasal niya. Tama sina Riki at Choi, he was about to marry the wrong woman. Dahil ang babaeng nais talagang makasama ni Raiven habang-buhay ay kasalukuyang nasa bahay niya, hinihintay ang pagbabalik niya.

Puno siya ng antisipasyon nang sa wakas ay magpaalam siya sa pamilya niya para umuwi. Kahit na maraming reporters ang nakaabang sa kanya sa labas ng subdivision ng bahay ng mga magulang niya ay hindi siya huminto para magpa-interview. Mas importante sa kanyang makita uli si Lauradia kaysa magpaliwanag sa mga reporter. Ipina-park pa lang ni Raiven ang kotse niya sa garahe ay tumatahip na ang dibdib niya. He wondered what she was doing right now. Bahagya pang nanginig ang kamay niya habang binubuksan ang pinto.

Subalit katahimikan ang bumati sa kanya nang makapasok siya sa bahay niya. His anticipation turned to dread as he scanned the place. "Lauradia?" tawag niya kahit pa sa likod ng isip niya ay alam niyang walang sasagot sa kanya.

Sinuyod ng tingin ni Raiven ang kabahayan pero wala ang babae. Pinakatitigan niya ang silid kung saan niya iniwang natutulog si Lauradia para humanap kahit sulat man lang. Pero wala siyang nakita. Kahit ang note na iniwan niya ay wala na roon.

Bigla niyang naalala ang sinabi nito kagabi bago sila makarating sa bahay niya. Pagkatapos ng gabing ito, pangako hindi mo na talaga ako makikita. Then you can go back to your normal life.

Biglang may bumara sa lalamunan niya. Sumakit ang mga mata ni Raiven sa biglang pag-iinit ng mga iyon. Napasalampak siya sa kama na nakaayos na. Napatitig siya sa unan na ginamit ni Lauradia at wala sa loob na inabot iyon. Her scent still lingered on it.

Nagsikip ang dibdib niya at mariing isinubsob ang mukha niya roon. "You don't have to leave me. Dammit!" sigaw ni Raiven. Hindi siya papayag na mabale-wala ang ugnayan nila ni Lauradia.

Sa kabila ng panghihina at nanginginig na mga kamay ay tinawagan niya si Choi.

"Raiven, what is it?" tanong ng bunsong kapatid niya sa kabilang linya.

"Magkasama pa rin ba kayo ni Riki?" tanong niya. Umiling siya nang marinig ang panginginig ng tinig niya.

"What's wrong? Nandito pa kami kina, Papa," nag-aalalang tanong ni Choi.

Huminga siya nang malalim. "Don't tell our parents. Ayokong mag-alala pa sila. Help me, brother. Lauradia is gone. Please, help me find her," desperadong pakiusap ni Raiven.

Hindi agad nakahuma si Choi sa kabilang linya. Alam niya na nagulat ito na nakikiusap siya rito. Kahit kailan ay hindi pa siya humingi ng pabor sa mga kapatid niya. Sa kanilang tatlo, mas sanay siyang sina Riki at Choi ang binibigyan niya ng pabor. "Sige. Pupunta na kami ni Riki sa bahay mo ngayon. Then we will talk about this properly."

"Thanks," ani Raiven.

"Anything for you, brother."

HABANG pinag-uusapan nilang magkakapatid kung paano nila makikita si Lauradia ay may napatunayan si Raiven na labis na nagpabigat sa pakiramdam niya. Marami siyang hindi alam sa dalaga. Ni hindi niya alam kung ano ang buong pangalan nito o kung saan ito nakatira. Hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng larawan ni Lauradia kahit pa ilang araw silang magkasama sa island resort.

Naalala niya na ilang beses silang inalok ng mga staff na kunan sila ng larawan pero sa tuwina ay tumatanggi ang babae. Nang mga panahong iyon ay hindi iyon pinagtutuunan ng pansin ni Raiven dahil kahit naman siya ay ayaw ng larawan. Kaya hindi niya maiwasang isipin na may dahilan kung bakit ayaw nitong makuhanan ng litrato. Maaaring dahil sa umpisa pa lang ay plano na ni Lauradia mawala na parang bula sa buhay niya. But what was her purpose for getting close to him in the first place?

Dahil wala silang masyadong impormasyon tungkol kay Lauradia ay hindi naging madali sa kanilang hanapin ito. Nang tanungin nila ang hosts ng mga party kung saan niya nakita ang dalaga ay hindi ito kilala ng mga ito. Nang tumawag din sila sa island resort ay wala ring record ng pangalang Lauradia.

"Ang weird," komento ni Riki nang dalawang linggo na mula nang magsimula silang maghanap. Nasa loob sila ng opisina ni Raiven dahil hindi siya makaalis sa dami ng trabahong biglang itinambak sa kanya ng ama. Ang hula niya, dahil iyon sa patuloy na pagdududa ng mga board of director at investor nila sa kanya. Alam niya na nais ng kanilang ama na patunayan niya ang sarili sa mga nagdududa sa kanya sa sarili niyang paraan kaya siya nito tinatambakan ng trabaho.

"What is weird?" bumuntong-hiningang tanong ni Raiven, pagkatapos pirmahan ang papeles na nasa harap niya.

"Your woman is good at covering her tracks. Sa tingin mo ba kaya iyong gawin ng normal na babae?"tanong ni Riki.

Natigilan siya at napatingin sa kapatid. Tumango rin si Choi sa naging obserbasyon ni Riki. Hindi siya makasagot dahil kahit siya ay iyon din ang iniisip nitong mga nakaraang linggo. He knew it was not a coincidence. Lalo lang tuloy hindi mapakali si Raiven. There was a hole forming in his heart because he was starting to realize that he didn't know her at all.

Yet he loved her. Kung paano naging posibleng mahalin niya ng ganoon ang dalaga kahit hindi niya alam ultimo ang apelyido nito ay hindi niya maintindihan. Alam niya na mahal din siya ni Lauradia. Dahil kung hindi, hindi ito iiyak ng ganoon nang magkita uli sila. Kaya bakit bigla na lang nawala na parang bula ang babae? Nilinis pa nito ang silid niya at walang iniwang bakas maliban sa amoy nito sa unan niya na malapit na ring mawala. Everyday of looking for her and ending up in vain was starting to become unbearable for Raiven.

He had to find her. He will find her. Pagkatapos, masasagot na rin sa wakas ang lahat ng tanong sa isip niya.

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon