Part 32

37.7K 882 27
                                    

MATAGAL na nakipagtitigan si Raiven sa kisame ng silid niya. Nang maramdaman niya ang malalim na pagtulog ni Lauradia sa tabi niya ay noon lang niya ito nilingon. Maamo pa rin ang mukha ng babae habang natutulog, just as he remembered from eight years ago. Pero may nabanaag siyang lambong sa mukha ni Lauradia na tila ba napakarami na nitong pinagdaanang hindi maganda. Na marami itong pinoproblema. Malamang isa ako sa mga iyon. May sumundot na konsiyensiya kay Raiven pero agad din niya iyong pinalis. Especially when he remembered how he took her the first time after they met again. At ang kontratang pilit niyang pinapirmahan sa babae. Hindi naman talaga kailangan ng kontratang iyon. Pero labis siyang naghimagsik sa naramdaman niyang matinding emosyon habang nasa mga bisig niya si Lauradia.

He knew it was harsh. At may mga pagkakataon, tuwing pinagmamasdan niya ang babae kapag hindi ito nakatingin sa kanya ay nangangati siyang hawakan ito at humingi ng tawad sa ginawa niya. Pero pinipigilan ni Raiven ang sarili. In fact he had been telling himself that she deserved it. Kulang pa iyon kumpara sa labis na sakit na naramdaman niya noong nawala na parang bula si Lauradia at nang makita niya ito ay nalaman pa niyang niloloko lang pala siya ng babae. Hindi na siya ganoon kabaliw rito na gaya noon kaya kaya na ni Raiven na iparamdam dito ang sakit ng ginawa nito sa kanya noon.

Yet, when he came home and found his house empty, he felt the same heaviness on his chest na gaya ng naramdaman niya nang hindi niya naabutan sa bahay niya noon si Lauradia. Nataranta at natakot siya na baka gaya noon ay nawala na naman ang babae at hindi na babalik pa. Na baka masyadong malupit ang mga sinabi at ikinilos niya sa harap nito at mas pinili nitong takbuhan na lang siya kaysa makasama siya. And when Raiven saw her at his doorstep, he felt so relieved it took all his willpower not to hold her and kiss her right there and then.

His reaction at that moment scared the hell out of him. Hindi siya dapat naaapektuhan ng ganoon. Galit siya kay Lauradia at kahit anong mangyari ay hindi na niya ito pagkakatiwalaan pa. Pero nang marinig ni Raiven ang malumanay na tinig ng babae habang nangangako itong hindi ito mawawala hangga't hindi niya sinasabi ay parang may kamay na pumisil sa puso niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Kaya ginawa niya kung ano lang ang handa niyang ibigay rito. They ended up in his bed.

Tumagilid siya para lalong mapaharap kay Lauradia at pinakatitigan ang mukha nito. "I hate it that you still have too much power over me," bulong ni Raiven.

Umungol lang ang babae at isiniksik ang sarili sa kanya. Nahigit niya ang kanyang hininga at bago pa niya napigilan ang sarili ay lumapat na ang braso niya sa baywang ni Lauradia at hinigit ito palapit sa kanya. It felt too good that she was in his arms that he let himself forget for a moment that she had hurt him and slept.

NAGISING si Lauradia kinaumagahan na may mabigat na bagay na nakadantay sa katawan niya. Saglit siyang na-disorient. Nang dumilat siya ay ang natutulog na mukha ni Raiven ang nakita niya. Tuluyan siyang nagising. Naging aware siya na ang nakadantay sa baywang niya ay ang isang braso ng binata habang ang isang binti naman nito ay nakapatong sa mga hita niya. May humaplos na masarap na init sa puso niya habang nakatitig sa mukha ni Raiven.

Kung kailan ka tulog, saka mo lang ako niyayakap, sumbat niya rito sa kanyang isip pero may munting ngiti naman sa mga labi. Sa tingin ni Lauradia, kahit paano ay nag-improve na ang estado nila ni Raiven. Kompara nang una silang nagkita na pakiramdam niya ay nais siya nitong yugyugin sa galit. Nangangati siyang haplusin ang mukha nito pero natatakot din siyang magising niya ang binata. Natatakot siyang kapag nagising ito ay maging malamig na naman ang pakikitungo nito sa kanya.

Hindi niya alam kung gaano katagal niyang tinitigan ang mukha ni Raiven. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Napakagat-labi si Lauradia dahil bigla ay nais niyang tawirin at hagkan ang mga labi ng binata. Pero natakot siyang magaalit ito sa kanya. Dahil hindi pa siya hinahalikan ni Raiven sa mga labi niya kahit ilang ulit na silang nagniig. Tila ba may makapal na pader pa ring nakapagitan sa kanila.

Pero hindi naman siguro siya magigising kung magaang na halik lang ang gagawin ko. Sa huli ay hindi rin siya nakatiis. Buong ingat siyang lumapit dito at tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Her heart swelled with emotions when she felt his soft lips against hers. Napapikit siya. Hindi niya nagawang lumayo kaagad dito. Just a little more... aniya sa isip.

Napaigtad at napadilat si Lauradia nang kumibot ang mga labi ni Raiven. Nakita niyang nakadilat at nakatingin na ito sa kanya. Nilukob siya ng pagkapahiya at mabilis na lumayo rito. Pero hindi rin siya napalayo nang husto dahil humigpit ang braso nito sa baywang niya.

"What did you just do?" tanong ni Raiven sa bahagyang paos na tinig. Hindi nito inaalis ang tingin sa mukha niya.

Lalong nag-init ang mga pisngi ni Lauradia. May kumislap na kung ano sa mga mata nito. Was it fascination? "Lauradia?"

Bumuntong-hininga siya. "I kissed you."

Umangat ang mga kilay ni Raiven at naramdaman niyang hinigit pa siya nito palapit sa katawan nito. "And that's what caused you to blush?" manghang tanong ng binata.

Napayuko siya. "It's because you haven't... kissed me on the lips yet. Akala ko hindi mo gusto kaya..." Bumuntong-hininga uli si Lauradia dahil hindi niya magawang tapusin ang nais niyang sabihin. Nang hindi nagsalita si Raiven ay tumikhim siya at nagpumilit kumalas dito. Hinayaan siya nito at bumangon siya. "Gusto mo ng almusal? Puwede akong magluto kung may laman ang fridge mo," pag-iiba niya sa usapan.

Bumangon din si Raiven. "That sounds good."

Hindi tumitinging tumango siya at tuluyan nang bumaba sa kama. Hinablot niya ang isa sa mga roba nito at isinuot iyon.

"Lauradia," tawag ni Raiven sa kanya.

Napahinto siya at lumingon sa binata. He looked glorious sitting on the bed with only a white sheet covering his lower body. "Come here."

Napakaseryoso ng mukha nito nang sabihin iyon kaya walang salitang tumalima siya. Nagulat si Lauradia nang hawakan ni Raiven ang batok niya at iyuko siya. Sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya sa halik na muntik nang magpapugto sa hininga niya. Tila nakalutang pa rin siya sa epekto ng halik nito at sa pagkalito nang pakawalan siya ng binata.

"Honey, if a kiss on the lips is what you wanted, all you have to do was ask," amused na sabi ni Raiven.

Napamaang siya rito nang makita niya ang munting ngiti sa mga labi nito na kay tagal niyang hinintay na makita mula nang magsalubong uli ang mga landas nila. She saw the wall he put between them slowly crumbling and it made her smile back.

"Tatandaan ko 'yan," tanging sagot ni Lauradia bago siya nito pinakawalan. Masiglang naghanda siya ng almusal. Tulad iyon ng siglang naramdaman niya nang tawagin siya ni Lance ng "mama."

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon