Part 11

33.6K 803 15
                                    

"NASAAN na ang mga kapatid mo?" hindi nakatiis na tanong ni Lauradia kay Raiven nang mapansin niyang hindi na niya nakita sina Riki at Choi. Kumain lang sila sandali ni Raiven at nang magbalik sila sa beach ay wala na ang dalawa.

"They left," maikling sagot ni Raiven.

Tiningnan niya ang binata. "Bakit?"

Tiningnan din siya nito at ilang segundong tinitigan lang siya. Kanina pa niya napapansin na madalas siyang titigan ni Raiven. Halos hindi ito nakakain kanina dahil ang buong atensiyon nito ay nasa kanya. She knew it wasn't a stare of a man full of desire. Sa halip, ang paraan ng pagtitig ng binata ay tila ba pilit siya nitong binabasa na halos magpailang na sa kanya.

Pero sa halip na sawayin si Raiven ay gumanti ng titig si Lauradia. Isa pa, nais din niyang kabisahin ang mukha nito para kahit matapos na ang bakasyong iyon ay hindi niya malilimutan na minsan sa buhay niya ay nakasama niya si Raiven Montemayor. "They said they don't want to bother us," sagot ng binata.

Ikinagulat niya iyon. Sa totoo lang ay hindi siya makapaniwalang maganda ang pakitungo ng mga kapatid nito sa kanya kanina. Alam naman niya na alam ng mga itong ikakasal na si Raiven. Pero walang nakita si Lauradia kahit katiting na negatibong emosyon sa mga mata nina Riki at Choi kanina. In fact, they looked happy for Raiven. Hindi ba gusto ng dalawa si Julia para kay Raiven o sadyang kunsintidor lang ang mga ito? Pero wala naman siyang nakitang malisya sa ngiti at tingin ng mga kapatid ni Raiven kanina.

"Pero hindi ba bakasyon ninyong tatlo ito? Hindi naman nila kailangang umalis," ani Lauradia.

"Actually, ang sabi nila, para sa 'kin talaga ang bakasyong ito dahil masyado na raw akong subsob sa trabaho."

Tinitigan niya ang binata. Sa tingin niya, tama ang mga kapatid ni Raiven. Twenty-three pa lang ito pero nakikita na niya ang pagod sa mga mata nito na dala ng palaging pagpupuyat at pagtatrabaho. Inangat ni Lauradia ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ng lalaki. Bahagya itong napaigtad at napatitig sa kanya. "Kailangan mo nga ng pahinga," puna niya, sabay haplos sa bandang ilalim ng mga mata nito.

"You're different," sabi ni Raiven.

Tumaas ang isang kilay niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"You're less aggressive now," komento nito.

"Ah, so you want me when I'm aggressive? Do you want us to go to your room now and do it?" panunudyo ni Lauradia.

Kumunot ang noo ni Raiven at hinawakan ang kamay niyang nasa mukha nito. "I didn't say that."

Napangiti si Lauradia at inilapit ang katawan niya sa katawan ni Raiven. Napaigtad ito. Lalong lumuwang ang ngiti niya nang magtama ang mga mata nila. She felt powerful. "You are so good at seduction despite your age," sabi ng binata. Sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa ay naramdaman niya ang init ng hininga nito sa mukha niya.

"Seduction is merely encouraging a man to do something he already wants to do. Kaya madali lang talaga iyon. Do you want to try it now?" bulong ni Lauradia.

Nakita niya kung paano nagpapalit-palit ang mga emosyon sa mukha ni Raiven. Sa huli ay hinawakan siya nito sa balikat at marahang inilayo sa katawan nito. "No. Not yet. Ang sabi mo gusto mong mag-island-hopping, hindi ba? Shall we go and do that instead?" alok ng binata.

Napakurap siya, lalo na nang alisin ni Raiven ang kamay niya sa pisngi nito at hawakan iyon. Sumilay ang munting ngiti sa mga labi ng lalaki at tiningnan siya na tila ba hinihintay nito ang sagot niya. Nginitian din niya ito at saka tumango. "That's a splendid idea."

HINDI makakalimutan ni Lauradia kahit tumanda na siya ang mga sumunod na oras na magkasama sila ni Raiven. Mula nang sumakay sila sa speedboat kasama ang ilan pang mga bisita ng resort hanggang sa pumunta sila sa iba't ibang maliliit na isla sa paligid ng island resort, pakiramdam niya ay matagal na nilang ginagawa iyon nang magkasama. Masaya siya na relax na relax ito habang nakikipag-usap sa kanya. Siya man ay hindi makapaniwala kung gaano siya kakomportable kay Raiven. Tila natural na natural lang din sa binata tuwing hinahawakan nito ang kamay niya at tuwing aalalayan siya nitong bumaba ng speedboat.

"Ang sarap sigurong tumira sa isang isla na gaya nito. Iyong walang tao at kayo lang ang nakatira," ani Lauradia, habang naglalakad sila sa munting gubat na bahagi ng isang maliit na isla. Iyon na ang huling islang pupuntahan nila. Papalubog na kasi ang araw kaya kailangan na nilang bumalik sa resort pagkatapos nilang mamasyal doon ayon sa kanilang tour guide. Nagtungo sa kabilang bahagi ang mga kasama nila kaya hinatak niya si Raiven sa parteng iyon. Nais niyang masolo naman ang binata kahit ilang sandali lang.

"Mas gusto mo ba ng ganoon? Usually, women nowadays prefer to live in the city. Shopping and the likes, you know," may pagtatakang sabi ni Raiven.

Sinalubong niya ang nang-aarok na tingin nito at ngumiti. "Sa totoo lang, oo. Mas gusto ko ng tahimik na buhay. Iyong hindi mo kailangang magkunwari o makisama sa mga tao para lang makapag-survive ka. Iyong hindi ka magugutom at hindi mamomroblema. Iyong ang kasama mo lang ay ang taong gusto mo talagang makasama. Walang pretentions, walang utang-na-loob, walang gulo—"

Napahinto si Lauradia nang mapagtanto niyang halos nasabi na niya kay Raiven ang pinakatatago niya sa kanyang isip. Kumabog ang dibdib niya nang makitang nag-iba ang paraan ng pagtitig sa kanya ng binata. Na tila ba may natuklasan ito tungkol sa kanya na ayaw niyang malaman nito. Nginitian niya ito nang matamis. "I'm talking in general. Besides, I can't afford an island," pabirong sabi niya.

Bago pa makasagot si Raiven ay nagpatiuna na siyang naglakad papasok pa sa munting gubat na iyon. Napasinghap siya nang sa pagliko niya ay may makita siyang maliit na falls. Sa ibaba niyon ay kumikislap sa linaw ang tubig na tila kay sarap languyan. Alam niya na malalim iyon dahil hindi niya nakikita ang ilalim. "Wow, Raiven, look at this!" hindi niya napigilang tumili. Patakbo siyang nagtungo sa gilid ng tubig at inilublob ang isang paa roon.

"Be careful," sabi ni Raiven na nagpalingon sa kanya rito. May bakas ng pag-aalala sa mukha ng binata habang mabilis ang mga hakbang na lumapit sa kanya. May kumislap na ideya sa isip ni Lauradia. Tuluyan siyang humarap dito pero hindi lumayo sa gilid ng tubig. Nang ilang pulgada na lang ang layo sa kanya ng lalaki ay sinalubong niya ang tingin nito.

"Do you know, Raiven..."

"What?"

Ilang segundo siyang nakipagtitigan dito bago sumagot. "I don't know how to swim." Pagkasabi niyon ay hinayaan niyang matumba ang sarili patungo sa tubig.

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon