Epilogue

61.3K 1.8K 317
                                    

TAMA si Edna Montemayor nang sabihin nitong walang mali kahit na sabihin nina Raiven at Lauradia ang drama ng kanilang pagkakakilala walong taon na ang nakararaan. In fact, like Doña Edna, the people found it very romantic. Lahat tuloy ay nagbunyi para sa pag-iisang dibdib nila ni Raiven.

Kasalukuyang ginaganap ang kasal sa Manila Cathedral. Kumpleto ang buong pamilya ng Montemayor, at maging ang lahat ng business partners ng Montemayor Communications. Walang nais palampasin ang paglagay sa tahimik ng tagapagmana ni Don Jaime na si Raiven. Maging sina Julia at JM ay umuwi pa sa Pilipinas para dumalo lang sa kasal nina Lauradia at Raiven.

Best men sina Riki at Choi. Ang mga asawa ng dalawa ay naroon din para maging bridesmaids niya. Si Czarina ang napili niyang maid of honor. Alam nilang bawal lumabas ng ganoon sa madla ang babae, lalo na at miyembro pa rin ito ng Club Notteria, pero pinayagan naman ito ni Miss Red Butterfly. Hindi man nakadalo ay nagpadala naman ng regalo si Miss Red Butterfly. Sapat na iyon para kay Lauradia. Afterall, wala na siyang hahanapin pa dahil naroon sina Raiven at Lance, ang dalawang pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya.

Pagkatapos ng seremonya sa simbahan at reception sa isang five star hotel ay agad silang naghanda sa pag-alis. Si Lance ay napagkasunduan na maiiwan sa lolo at lola nito. Pasakay na sila sa private plane ay hindi pa rin alam ni Lauradia kung saan sila pupunta. Ayaw kasing sabihin ni Raiven.

"Ingat at enjoy kayong dalawa. Susunod kami after two weeks, ha?" masayang paalam ni Choi na kumindat pa sa kanila habang nakaakbay sa asawa nito.

"Of course. Pero huwag kayong biglang susulpot. I have many plans for just the two of us," sagot ni Raiven.

Tumawa ang mga ito. "Oo na. Bibigyan namin kayo ng time bago kami magpunta. Then we can all go party," nakangising sabi naman ni Riki habang hawak ang kamay ni Ailyn.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit sila alam, ako hindi?" nagtatakang tanong ni Lauradia kay Raiven nang nasa ere na ang eroplanong sinasakyan nila.

Tumingin sa kanya ang asawa at sa halip na sumagot ay siniil lamang siya ng halik sa mga labi. Pero hindi siya magpapadala roon. Hinawakan niya ang mukha ni Raiven at bahagya itong inilayo sa kanya. "Raiven. I want to know. Please?"

"Hindi na surprise."

Ngumiti si Lauradia. "Kahit sabihin mo ngayon, masu-surprise pa rin naman ako, ah."

Bumuntong-hininga si Raiven at hinawakan ang kamay niya. "Fine. I bought an island for you and we are going there for our honeymoon."

Napamaang siya rito. "Island? Bumili ka ng isla? Bakit?" namamanghang tanong ni Lauradia.

He smiled boyishly. "Hindi ba sabi mo noon mas gusto mong tumira sa isla? Iyong tahimik at ang kasama mo lang ay ang taong espesyal sa 'yo? Well, I bought one for you. Hindi man tayo puwedeng tumira doon ngayon dahil marami akong responsibilidad sa Maynila at dahil siyempre kailangan mag-aral ni Lance, pero at least kapag napapagod tayo sa siyudad mayroon tayong puwedeng puntahan para magpahinga. Because you see, my dream is that when we are already old we can retire and spend the rest of our lives quietly together on that island."

Nag-init ang mga mata ni Lauradia sa sinabi ni Raiven at masuyo niya itong hinalikan sa mga labi. "Thank you, Raiven," puno ng emosyong sabi niya. Hindi niya naisip na gagawin nito iyon. Ni hindi niya naisip na maaalala pa iyon ni Raiven. But he did. Just like how she never forgot everything she learned about him.

Ngumiti si Raiven. "Anything for you, my temptress."

Niyakap niya ang asawa. She thought fairytales no longer came true. But she was wrong. Nangyari iyon sa mga asawa ng mga kapatid ni Raiven na naging malapit na rin niyang mga kaibigan habang nagpeprepara sila sa kasal niya. Nangyari din iyon sa kanya. Afterall, she just got her own happy ending.

Right here in Raiven's arms, nakangiting naisip ni Lauradia habang yakap-yakap ang asawa.

•••WAKAS•••


a/n: dito po nagtatapos ang The Prince's Scandal trilogy. marami pong salamat sa pagsubaybay sa kuwento ng Montemayor brothers. Sana po nag enjoy kayo. ^__^

🎉 Tapos mo nang basahin ang THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress 🎉
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon