Part 22

31.9K 822 28
                                    

Napalingon kay Lauradia ang doktor na naroon. Saglit lang niyang tinapunan ng tingin ang doktor at lumapit sa kama kung saan nakahiga ang payat na batang lalaki. "Lance!" ani Lauradia, sabay haplos sa braso ng anak niya. May oxygen na nakalagay sa bibig ng batang lalaki na wala bago niya ito iniwan kahapon.

"Huwag kang mag-alala, maayos na siyang natutulog, Mrs. De Guzman," malumanay na sabi ng doktor.

Nakahinga siya nang maluwag at ginawaran si Lance ng halik sa pisngi, bago tumayo at hinarap ang doktor. "Bakit ninyo ho ako hinahanap?"

Sumenyas ang doktor na sa labas sila mag-usap. Kinakabahang tumango si Lauradia. Tiningnan muna niya si Lance, bago lumabas. "I'll be frank with you, Mrs. De Guzman, but your son's health is getting worst. Kanina, bigla na lang siyang nahirapang huminga at na-revive lang namin siya gamit ang oxygen. Kaya in-examine ko siya at may nakita akong naipit na ugat sa puso niya. He needs a heart operation as soon as possible bago pa dumating sa puntong mahihirapan na kaming iayos iyon," paliwanag ng doktor.

Napaatras at napasandal siya sa pader sa biglang panlalamig ng buong katawan niya. Nangatal ang mga kalamnan niya at kinapos siya ng hininga. Iyon ang kinatatakutan niya, ang malamang mas malala ang sakit ng anak niya kaysa sa inaakala niya. Noong ipinanganak pa lang niya si Lance ay sinabi na sa kanya ng doktor na mas mahina ang puso nito kaysa normal kaya dapat ingatan niya ang anak. Iyon naman ang ginawa ni Lauradia sa abot ng kanyang makakaya. Siniguro niya na nakakakain si Lance nang sapat at maayos na pagkain kahit napapabayaan na niya ang sarili niya. Kompleto ang vitamins ng anak niya kahit na mahal ang mga iyon.

Isa raw sa maaaring dahilan ng pagiging masasakitin ng anak niya ay malnutrisyon noong nasa loob pa ito ng sinapupunan niya. Na hindi naman itinatanggi ni Lauradia dahil noong ipinagbubuntis niya ang anak ay may mga araw na hindi siya nakakakain. May pera naman siya nang umalis siya sa Club Notteria pero unti-unti rin iyong naubos dahil sa pang-araw-araw niyang mga gastusin tulad ng upa ng bahay at pambili ng pagkain. Nagtira din siya ng pera sa inipon niya para sa panganganak niya.

Sa loob ng walong taon ay nabuhay si Lance nang normal kahit pa hindi ito makatakbo nang husto na gaya ng ibang bata. Pero nang mga nakaraang linggo, napansin ni Lauradia na madalas nang kinakapos ng hininga at nilalagnat sa gabi ang anak niya. Dinala niya si Lance sa ospital kahit hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera para ipambayad doon. Ang mahalaga sa kanya ay ang kaligtasan ng anak niya. Si Lance lang ang nag-iisang pamilya niya at hindi siya papayag na mawala ito sa kanya.

Nilabanan ni Lauradia ang pag-iinit ng mga mata niya at huminga nang malalim. Mula nang ipanganak niya ang batang lalaki ay nangako siya sa sarili niyang hindi siya iiyak at magiging malakas para dito. "Pero kapag naoperahan siya ay siguradong magiging okay na siya?" tanong niya niya sa doktor.

Bahagyang ngumiti ang doktor pero hindi siya maloloko ng ganoong klase ng ngiti. "Malaki ang posibilidad."

Napahinga siya nang malalim. "M-magkano naman ho ang aabutin ng operasyon?" Nang sabihin ng doktor ang presyo ay pinigilan niyang mapapikit nang mariin. Hindi pa alam ni Lauradia kung saan siya hahanap ng ganoon kalaking halaga pero saka na niya iisipin iyon. Marahan siyang tumango at sinalubong ng tingin ang doktor. "Gawin ninyo ho ang lahat para gumaling ang anak ko, Doc," pakiusap niya rito.

Tumango ang doktor at tinapik siya sa balikat. "We will do our best. Ipapa-schedule ko na siya para sa operasyon sa lalong madaling panahon."

Tumango siya bilang sagot. Pero wala na rito ang isip ni Lauradia kundi sa kung saan siya kukuha ng perang pambayad sa operasyon. May dalawa lang siyang naiisip na solusyon na parehong mangangailangan ng paglunok niya sa natitira pa niyang pride. Ang isa ay lumapit sa ama ng anak niya. Pero baka hindi siya harapin ng lalaki dahil bukod sa kinamumuhian siya nito ay malabong maniwala itong may anak sila. O ang pinakakinatatakutan niya: ang hindi tanggapin ng lalaki ang anak nila kahit maniwala ito. Kaya niyang magalit sa kanya si Raiven pero hindi niya kakayanin kung magiging malamig din ito sa anak niya. She would rather not let him know about Lance than let that happen.

Ang pangalawa ay lumapit kay Miss Red Butterfly at humingi ng trabahong kapresyo ng halagang kailangan niya—na ibig sabihin ay delikadong trabaho lang ang maaari niyang makuha. Iyon ay kung tatanggapin pa siya ng dating boss pagkatapos niyang talikuran ito at ang grupo.

Pero sa dalawang pagpipilian niya ay mas gusto na ni Lauradia na lumuhod sa harap ni Miss Red Butterfly at masuong sa delikadong trabaho kaysa ang harapin ang galit ni Raiven Montemayor. Huminga siya nang malalim nang makapagdesisyon siya. Pero hindi nawala ang guhit ng kirot sa puso ni Lauradia, something that had always been there for eight years. Bahagya na lang iyong nawala dahil sa anak niya. Pero ngayon ay kailangan niyang harapin ang nakaraan niya para mailigtas ang anak niya. Naalala niya ang nakaraan kaya bumabalik ang matinding sakit.

But she will do and face anything, just for the sake of her son. Even if it meant facing the demons of her past.


THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon