Yumuko ang babae at kinagat uli ang ibabang labi. He could almost see a hint of blood in there. Hindi nakatiis si Raiven. Lalo pa siyang lumapit dito at hinawakan ang baba nito. Napatingala sa kanya si Lauradia nang pisilin niya ang baba nito. "Stop doing that. You are bruising yourself," mahinang utos niya rito. Agad namang tumalima ang babae. Nakita niya ang munting hiwa sa ibabang labi nito. "Shit!" mahinang napamura si Raiven. Then he dipped his head to her and softly licked the cut. Napasinghap ito pero hindi niya itinigil ang ginagawa hanggang sa bahagyang mawala ang lasa ng dugo roon.
"Raiven," saway sa kanya ni Lauradia. Lumapat sa dibdib niya ang mga kamay nito at marahan siyang inilayo. Hinayaan niya ito. Nang magtama uli ang mga mata nila ay nakita niya ang takot at pagtataka sa mga mata ng babae. "You are supposed to get angry at me," anitong tila nagpapaalala.
Tinitigan ni Raiven si Lauradia at pinakiramdaman ang sarili. Wala siyang makapang galit, at least para dito. Sa sarili niya ay mayroon. He was angry for not even thinking of the possibility that she might get pregnant. Naiinis siya sa sarili niya na sa loob ng walong taon, habang nagpapakalunod siya sa sarili niyang hinanakit at galit sa mga nangyari sa kanila ni Lauradia ay nasa isang panig ng Pilipinas ang babae at itinataguyod mag-isa ang anak nila. Ni hindi nito naisip humingi ng tulong sa kanya. Kung totoong masama itong babae na gaya ng palagi niyang sinasabi sa sarili, sana ay sinamantala na nito ang pagkakaroon nila ng anak at nag-demand na ng kung ano-ano sa kanya. She had the power to blackmail him and make his life more miserable. Instead, she chose to do a dangerous job to get the money for their son. Mas pinili ni Lauradia ang huwag magpakita sa kanya dahil ayaw nitong guluhin ang buhay niya.
Pagkatapos ay naalala niya kung nasaan sila. Sumidhi ang kaba sa dibdib ni Raiven. Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang babae. "Bakit siya nandito sa ospital?"
Bumuntong-hininga si Lauradia. "Noong ipinanganak ko pa lang siya ay mahina na talaga ang puso niya. Nitong buwan ay lalo siyang nahirapang huminga kaya ko siya dinala rito. Nalaman ng doktor na may ugat na naipit sa puso niya at kailangan siyang operahan para ayusin iyon. Pero okay na. Nagpapahinga na siya sa kuwarto niya," paliwanag nito.
Lumunok siya para alisin ang bara sa lalamunan niya. "That's why you badly needed the money." Now, everything was starting to make sense to him.
Tumango ang babae at alanganing tiningala siya. "G-gusto mo ba siyang makita?"
Huminga nang malalim si Raiven para kalmahin ang sarili. "Yes, please."
Marahang kumalas sa kanya si Lauradia at binuksan ang pintong kanina pa nito sinusulyapan. Hindi nakaligtas sa kanya ang panginginig ng kamay nito. Mabilis pero tahimik na sumunod siya rito nang pumasok roon ang babae. His heart twisted painfully when he saw the boy lying on the bed. Kamukhang-kamukha ni Lauradia ang anak nila. Payat ang bata at bahagya pang namumutla. He felt panic rising within him. "Will he really be okay? He doesn't look good to me," ani Raiven sa garalgal na tinig dahil may bumara sa lalamunan niya. Nag-init ang mga mata niya. Habang-buhay niyang pagsisisihan kung may mangyayaring masama sa anak nila bago pa man siya nito makilala.
Napaigtad siya nang maramdaman niyang hinawakan ni Lauradia ang nakakuyom niyang kamay. Malamig ang kamay nito. "Ang sabi ng doktor ay magiging okay na siya," mahinang sabi ng babae. She was trying to soothe him when it was obvious she also needed the soothing. Ibinuka ni Raiven ang kamay at ginagap ang nanlalamig na kamay ni Lauradia. Pinisil niya iyon at hindi nagsalita. Hindi rin ito nagtangkang kumalas.
Hanggang sa bahagyang kumilos si Lance at marahang iminulat ang mga mata. Mabilis na lumapit ang babae sa bata at tinawag ang pangalan nito. Nangingilid ang mga luha ni Lauradia at pinaulanan nito ng halik ang buong mukha ng bata. Maingat na niyakap nito si Lance. Naghalo-halo ang napakaraming emosyon sa dibdib ni Raiven habang nakamasid siya sa mag-ina. Ikinuyom uli niya ang kanyang mga kamay dahil nangangati siyang lumapit at ikulong ang mga ito sa mga bisig niya. But he knew he didn't have the right to do that. Not yet. Dahil sa mga oras na iyon ay napagdesisyunan niyang kahit na ayaw ni Lauradia ay magiging bahagi na siya ng buhay nito at ng bata. Babawiin niya ang walong taong hindi niya nakasama ang anak niya.
Napaderetso ng tayo si Raiven nang mabaling ang tingin ni Lance sa kanya. His chest burned when he met the child's eyes that he instantly recognized were exactly like his own. Lalong tumindi ang pag-iinit ng mga mata niya.
"Mama, sino siya?" tanong ni Lance sa mahinang tinig.
Natigilan si Lauradia at napatingin sa kanya. Nakikiusap ang mga mata niya nang salubungin niya ang tingin nito. I want him to acknowledge me. I want to know him.
Mukhang nakuha ng babae ang iniisip niya dahil kumislap ang mga mata nito at marahang tumango. Niyuko ni Lauradia ang anak nila at marahang ngumiti. "Siya ang papa mo, anak."
Namilog ang mga mata ni Lance. "Papa?" masayang sabi nito. May maiinit na bagay na humaplos sa puso ni Raiven. It was too much. Mabilis siyang lumapit sa mag-ina at nginitian ang anak niya. "Yes, son. I'm your father," aniya rito at hinalikan ang noo nito. Namasa ang mga mata niya nang ipaikot ni Lance ang dalawang maliliit na braso nito sa kanya.
"Papa, 'buti naman nandito ka na. Matagal ka nang hinihintay ni Mama. Palagi ko siyang nakikitang nakatitig sa maliit na note na sabi niya galing sa 'yo. Nasilip ko sa note bago niya itago sa 'kin na sabi mo hintayin ka niya, di ba?" inosenteng sabi ni Lance.
Natigilan si Raiven at napatingin kay Lauradia na mabilis na pinalis ang mga luha at nag-iwas ng tingin sa kanya. He felt as if his chest was about to explode. But this time, not because of anger. Inabot niya ang kamay ni Lauradia at pinisil iyon. Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya ang babae. Sinalubong niya ang tingin nito. At saka niyuko uli ang anak nila. "Huwag kang mag-alala, anak, ngayong nandito na ako hindi ko na paghihintayin ang mama mo. We've all going to live together."
"Raiven," akmang magrereklamo pa si Lauradia pero pinisil niya ang kamay nito.
Tiningnan uli niya ang babae. "You heard me, Lauradia. Kapag nakalabas na ng ospital si Lance ay sa bahay siya dederetso. Sasamahan kita sa kung saan kayo dati nakatira para tulungan kang mag-empake. Don't argue with me in front of Lance, okay?" sabi ni Raiven.
Hindi na kumibo si Lauradia at bumuntong-hininga na lang. "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Raiven. Hindi matutuwa ang pamilya mo at ang mga tao sa mundo mo kapag nalaman nila na balak mo kaming ibahay ng anak ko," sumukong sabi nito.
"Oh, believe me, honey, I do. At wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao. I want you and Lance to stay with me," determinadong sagot ni Raiven. Akmang magsasalita pa ang babae nang pisilin niya ang kamay nito. "We are in front of our son, Lauradia," paalala niya rito. Napatingin naman ito sa anak nila at hindi na nagkomento pa. Huminga siya nang malalim at saka mabilis na nag-isip ng susunod niyang hakbang para sa kanyang mag-ina. Mag-ina. The word brought a warm feeling to his chest. He never felt this good in years and he liked it.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomanceWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...