Part 25

32.3K 757 6
                                    

NAKANGITING itinuon ni Lauradia ang tingin kay Armando Villacorta na abala sa paghaplos sa balikat at braso niya habang nakaakbay sa kanya ang lalaki. Nag-panic siya nang marinig niya ang pangalan ni Raiven. Nagpalinga-linga siya para hanapin ang binata hanggang sa nagtama ang paningin nila. Naroon nga si Raiven. Nagkita uli sila pagkaraan ng walong taon. At sa sitwasyon pang iyon! Alam na niya kung ano ang iniisip nito sa kanya base sa nakita niyang reaksiyon sa mukha ng binata. That she was just a normal high-end whore working on her next target.

Hindi niya magawang inumin ang alak na binili ni Armando para sa kanya dahil pakiramdam ni Lauradia ay babaligtad na ang sikmura niya anumang oras. Wala siyang ibang nais gawin kundi ang umalis sa lugar na iyon bago pa siya mag-break down sa harap ni Armando at masira ang mga plano nila. Kailangan na niyang gawin ang unang hakbang sa plano nila para makaalis na siya roon.

Tila naging sagot sa dasal niya ang paglapit ng mga labi ni Armando sa tainga niya. "Let's get out of here, Cherry. How do you like that?" bulong ng lalaki pagkatapos ay nilaro pa nito ang tainga niya gamit ang mga labi nito.

She hated it but she acted like she enjoyed it. Hinawakan niya ang mukha ni Armando at hinarap ito. Tinangka nitong abutin ang mga labi niya pero mabilis na iniharang ni Lauradia ang kamay sa bibig ng lalaki at mapang-akit na ngumiti. "Not so fast, dear. I only do that on the second meeting," aniya rito. Kumunot ang noo ni Armando. Inalis niya ang kamay sa bibig nito at hinaplos ng hintuturo niya ang mga labi ng lalaki. Nawala ang kunot sa noo nito at lalo pang idinikit ang katawan sa kanya.

"Can't you break that second meeting rule of yours for me? Because, honey, I'm about to come just by being near you," bulong ni Armando at hinalikan siya sa leeg. Hinayaan ni Lauradia ang lalaki para hindi nito isiping ayaw niya itong makasama. She was just luring him to give her an invitation for his house party. Nagkunwa siyang nagugustuhan niya ang ginagawa ni Armando. But she made the mistake of looking past him. Tila nilamutak ang puso ni Lauradia nang makita niyang nakatingin sa kanila si Raiven. His face looked grim and disgusted.

Nag-init ang mga mata niya kaya agad na inalis niya ang tingin sa binata at inilayo uli ang sarili kay Armando. "On our second meeting, I promise. Now I have to go. If you don't want to—

"Okay, on our second meeting," hinihingal na sabi ni Armando habang may kinakapa sa bulsa nito. Palihim siyang nakahinga nang maluwag dahil alam ni Lauradia kung ano ang kinakapa nito. Hinawakan ng lalaki ang kamay niya at inilagay roon ang maliit na sobre. "Come to my party this weekend. Sa bahay ko. The address is in the invitation. Hindi mo naman na siguro ako tatanggihan doon? I have a huge bed," makahulugang sabi ni Armando.

Pilit siyang ngumiti at hinaplos ang mukha nito. "I bet you have," ani Lauradia at tumayo na. Tumingala sa kanya ang lalaki. "See you then." Iyon lang at tumalikod na siya at maindayog na naglakad patungo sa entrada. Walang lingon-likod na lumabas siya sa bar na iyon. Nahagip ng mga mata niya si Czarina na nakatayo sa tabi ng entrance. Nakita niyang bumakas ang pag-aalala sa mukha ng babae nang magtama ang mga mata nila. She must have seen the dread on her face. Lumabas siya ng club at dumeretso sa kotse nilang naka-park sa di-kalayuan. Nanghihinang tumingkayad siya sa gilid niyon at mariing napapikit.

"Lauradia, ano'ng problema?" nag-aalalang tanong ni Czarina nang sundan siya nito.

Huminga siya nang malalim pero hindi kumilos. "He was there," garalgal na sabi ni Lauradia. Maging ang buong katawan niya ay nanginginig.

"Sino?" tanong ni Czarina saka tumingkayad din sa tabi niya.

"R-Raiven." Saglit na natigilan ang babae, saka hinaplos ang likod niya. Napakagat labi siya. Hindi ito nagsalita pero alam niyang alam ni Czarina kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Gusto niyang pumalahaw ng iyak pero hindi niya ginawa. She couldn't. No matter how much her heart was aching.

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon