Part 27

33.7K 761 7
                                    

a/n: pasensiya na po kung natagalan ang update. sobrang naging busy lang talaga ako sa nakaraang mga araw.

*****************************

"MAMA, sasamahan mo ba ako rito bukas ng maghapon?"

May sumundot na guilt sa puso ni Lauradia habang hinahaplos ang buhok ng anak niya. Gabing-gabi na at doon siya dumeretso pagkatapos niyang magpalit ng damit at ayusin ang sarili pagkagaling niya sa party ni Armando pero nang dumating siya ay gising pa rin si Lance. Nang itanong niya kanina sa bata kung bakit hindi pa ito natutulog ay sinabi nitong hinihintay raw talaga siya nito.

Nakonsiyensiya siya dahil halos hindi na niya nababantayan ang kaniyang anak sa ospital at ipinagkatiwala na lang niya ito sa mga nurse mula nang magtrabaho uli siya para kay Miss Red Butterfly. Lalo tuloy naging determinado si Lauradia na tapusin na iyon. Na dapat ay tapos na kung hindi lang kinuha ng lalaking iyon ang envelope na dapat ibibigay ko kay Czarina, gigil na sabi niya sa isip niya.

"Mama?" untag ni Lance sa kanya.

Kumurap siya at nginitian ang anak. Matunog niyang hinalikan sa pisngi ang bata. "May kailangan lang asikasuhin si Mama bukas. Pero last na ito, promise. Pagkatapos niyon sasamahan na uli kita maghapon habang sa gabi naman magtatrabaho si Mama, okay?"

Bumakas ang lungkot sa mukha ng anak niya. Parang may pumiga sa kanyang puso. "Lance, big boy ka na, 'di ba?" malambing na tanong ni Lauradia sa bata sa pagitan ng paghalik sa pisngi nito. "Alam mo naman na kailangan magtrabaho ni Mama para sa ating dalawa. Para gumaling ka na at makalabas ka na ng ospital. At kahit na palaging wala si Mama, alam mo naman na mahal na mahal kita, 'di ba?"

"Opo. Gusto ko lang naman po na lagi kang kasama at hindi ka napapagod nang husto."

Tinitigan niya ang mukha ni Lance. Kamukhang-kamukha niya ang kaniyang anak maliban sa mga mata nito na nakuha nito kay Raiven. Huminga siya nang malalim at hinaplos ang pisngi ng bata. "Alam ko, Lance. Gusto ko rin naman 'yon. Pero kailangan ko itong gawin."

"Naiintindihan ko naman po, Mama," sagot ni Lance.

Ngumiti si Lauradia. "Alam ko. Matalino yata ang anak ko, mana ka sa 'kin, eh."

Ngumiti rin ito at saka naghikab. Umupo siya nang deretso. "Matulog ka na, anak. Kailangan mong magpalakas para makauwi na tayo, okay?"

Marahang tumango si Lance at pumikit. "Goodnight, Mama."

"Goodnight, baby," ganti ni Lauradia. Binantayan niya ang kaniyang anak hanggang sa maramdaman niyang malalim na ang tulog nito bago siya maingat na tumayo at lumabas ng silid nito. Dinukot niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Czarina.

"Tulungan mo akong hanapin si Raiven bukas ng umaga. Nasa party siya ni Armando kanina at nakita niya ako. Kinuha niya sa 'kin ang envelope na naglalaman ng testamentong kailangan ng kliyente natin. Alam ko ginawa niya iyon para inisin ako at hindi ako nakahuma dahil umalis siya kaagad," paliwanang ni Lauradia.

"Ha? Anong ginagawa niya sa party na 'yon? Ang alam ko palagi siyang iniimbitahan sa mga party pero hindi siya pumupunta. At sa pagkakaalam ko rin, wala silang koneksiyon ni Villacorta," nagtatakang sabi ni Czarina.

Napabuga siya ng hangin at sumandal sa pader. "Hindi ko rin alam kung bakit siya naroon. Ang alam ko lang, mas naubos ang lakas ko sa pakikipag-usap sa kanya kaysa nang nanlaban ako kay Armando nang pagtangkaan niya akong gahasain," aniya. Nangaligkig siya nang maalala na naman ang mga nangyari nang gabing iyon. Mariin siyang pumikit at mabilis na sinabi kay Czarina ang mga nangyari.

"Alam ko rin na mas galit siya sa akin ngayon, Czarina. N-nakita niya ako nang lumabas ako ng kuwarto ni Armando. He saw me disheveled and There were kiss marks on my neck. He thought I make money by sleeping with men," itinikom ni Lauradia ang kanyang bibig nang gumaralgal ang tinig niya. Nag-init ang mga sulok ng kanyang mga mata habang nagkukuwento sa babae.

Bumuntong-hininga si Czarina. "Lauradia, mahal mo siya, tama? Sa kabila ng maraming taon at mga nangyari sa pagitan ninyo, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal mo sa kanya, tama?"

Mapait siyang napangiti. "But he hates me now."

"Kung talagang mahal mo siya, eh, di gumawa ka ng paraan para mapatawad ka niya. Gumawa ka ng paraan para mapalapit ka uli sa kanya at para magkaroon ka ng pagkakataong magpaliwanag sa kanya tungkol sa nangyari sa inyo noon. At para makahingi ka rin ng tawad sa kanya. I'm sure once he gets to know the real you, he will learn to forgive you. Base sa naging reaksiyon niya noon sa 'yo, alam kong minahal ka niya. Hindi malabong mahalin ka uli niya. Nasa kamay mo na ang sarili mong kapalaran. May pagkakataon kang ayusin ang buhay mo. You are lucky. So make the most of it," ani Czarina.

"Alam kong hindi ka sigurado sa huli mong sinabi, Czarina. He might forgive me, but I'm sure he will never love me again. Isa pa, kapag nalaman niya kung sino talaga ako, lalo siyang lalayo sa 'kin. I'm out of his league. Hindi kagaya niya hindi ako nanggaling sa magandang pamilya. In fact, wala ako niyon," puno ng hinanakit na sabi ni Lauradia.

"Hindi naman siguro ganyan si Raiven. He fell in love with you before, right?"

"That was just a moment of insanity. Dahil iba ako sa mga babaeng nakasanayan niya. Kung tatanggapin uli niya ako, baka ang pamilya naman niya ang tumutol. Sa tingin mo ba tatanggapin nila ako pagkatapos ng mga ginawa ko noon? Pagkatapos kong sirain ang kasal nina Raiven at Julia?"

Hindi nakapagsalita si Czarina, patunay na alam ng babae na tama siya. "Wala namang mawawala sa 'yo kung susubukan mo. Well, mawawala ang pride mo pero kailangan mo pa ba 'yon ngayon? Isipin mo rin ang anak mo. Lance deserves to know his father, Lauradia. He deserves to have the life that Raiven could give him. Alam ko na wala kang balak ipaalam kay Raiven ang tungkol kay Lance. Pero kapag nagkaayos kayong dalawa mas magiging okay, 'di ba?"

Humugot siya ng malalim na hininga. "Fine. Pag-iisipan ko. Basta tawagan mo ako sa lalong madaling panahon para malaman ko kung saan ko siya puwedeng puntahan bukas."

"Sige." Iyon lang at nagpaalam na ang babae.

Matagal na nakatulala lang si Lauradia roon. Bumuntong-hininga siya. "Kung sana ganoon lang kadali ang lahat," aniya sa kawalan.

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon