PAGPASOK pa lang ni Lauradia sa pavilion na punong-puno ng mga kilalang tao at press ay tila bumaligtad na ang sikmura niya sa labis na nerbiyos. Hindi pa siya kinabahan ng ganoon katindi mula nang magtrabaho siya para kay Miss Red Butterfly. Alam niya na hindi iyon dahil naiilang siya sa mga maniningning na mga bisita kundi dahil anumang oras ay maaari na niyang makita si Raiven. Afterall, tonight was his engagement party. Sa isiping iyon ay lalo lang nagwala ang mga paruparo sa sikmura niya.
May umakyat sa stage at nagsimulang magsalita. Nagsimula na ang programa at lalabas na anumang oras sina Raiven at Julia. Nang ipinapakilala na ang dalawa ay napatalikod siya at akmang lalabas na lang ng pavilion nang masalubong niya si JM. Gaya niya ay hindi naman imbitado roon ang lalaki pero nagawan nila ng paraang makapasok. Seryosong-seryoso ang mukha nito nang tumingin sa kanya. "Saan ka pupunta?"
"Magpapahangin," sagot ni Lauradia sa pinakakaswal na tinig na kaya niya.
Kumunot ang noo ni JM. "Lalabas na sila sa stage."
Itinirik niya ang kanyang mga mata. "Inaasahan mo ba na gagawa ako ng eksena sa gitna ng napakaraming taong ito? Kung iyon ang plano mo, go ahead. But I won't jeopardize our group by doing something like that," aniya rito. Hindi nakaimik ang lalaki at halatang na-frustrate.
"Ladies and gentlemen, I present to you Mister Raiven Montemayor and Miss Julia Lagdameo," masiglang sabi ng emcee na nagpabaling sa kanila ni JM sa stage.
Nahigit niya ang kanyang hininga nang makita niyang umakyat sa stage ang mga tinawag. Magkahawak ang mga kamay ng pareha at parehong may ngiti sa mga labi. Napatitig si Lauradia kay Raiven at may humiwang pangungulila sa puso niya. Sandali pa lang niyang hindi nakikita ang binata pero pakiramdam niya ay taon na mula nang magkasama sila. He looked different beside his fiancée. He looked refined, authoritative yet loving as he stared at Julia as if she was the most beautiful woman he had ever seen. At kahit na nagdudulot ng bara sa lalamunan niya ay aminado siyang bagay na bagay ang dalawa.
Malakas na nagpalakpakan ang mga bisita at kumislap ang mga flash ng mga camera nang huminto ang mga ito sa gitna ng stage. Iyon ang mundong kinabibilangan ni Raiven. What made her think even for a second that she could make him leave his fiancée? Gustong tawanan ni Lauradia ang sarili niya at umiyak nang sabay. Hindi sisirain ng binata ang pangalan nito at iiwan ang mataas na posisyon nito sa alta-sosyedad para lang sa isang babaeng gaya niya.
"JM, hindi ka pa rin ba talaga susuko? Mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa," mahinang sabi niya sa katabing lalaki. Nang tingnan niya si JM ay napansin niya ang mariing pagtiim ng mga bagang nito habang puno ng sakit na nakatitig sa stage. Nakaramdam si Lauradia ng kakaibang koneksiyon dito. Marahil, dahil may pakiramdam siyang pareho lang sila ng nararamdaman nang mga oras na iyon.
"This is the last time I will try to talk to her again. Kung talagang ayaw na niya sa 'kin hahayaan ko na siya. You can also stop the job I asked you to do. You don't have to worry about your group's reputation or even the money I paid you," mahina at mapait na sabi ni JM.
Marahang tango lang ang isinagot ni Lauradia dahil ano pa ba ang maaari niyang sabihin sa lalaki? Ginawa niya ang lahat para akitin si Raiven. Yes, they ended up in bed. Pero hindi pa rin sapat iyon para iwan nito si Julia.
Oo at naramdaman niyang naapektuhan niya ang binata. Pero pagnanasa lang iyon. Iyon lang naman talaga ang nais nilang maramdaman ni Raiven. Pero hindi na lang iyon ang nais niyang maramdaman nito sa kanya. She was craving for something more. At ang kaalamang malabong maramdaman ng binata ang nais niya ay lalong nagpapabigat sa kalooban ni Lauradia. Lalo pa at sa loob ng maiksing panahon ay opisyal na itong magiging pag-aari ng iba.
"THIS is a very huge event. Sa dami ng mga bisita ngayon nakakatakot umatras sa kasal."
Napalingon si Raiven kay Choi nang sabihin nito iyon. Nakatakas din siya sa mga businessman na kanina lang ay ayaw siyang tigilan. Maging ang daddy ni Julia ay nilapitan siya para sabihing nagawa na ang kontrata ng merger ng mga kompanya nila at inaasahan siya nitong sasama siya sa papa niya kapag nagpirmahan ang dalawang partido ng kontrata. Wala siyang ganang makipag-usap sa kahit na sino pero wala naman siyang nagawa. After all, they were all there because of them.
"Raiven, you don't look good," puna ni Riki.
Bumuntong-hininga siya at sumandal sa pader. Pagkatapos ay nilaro-laro niya ang kopita ng alak na hawak niya. "I know," wala sa loob na sagot ni Raiven.
Kahit hindi siya nakatingin sa mga kapatid niya ay naramdaman niyang nagtinginan ang dalawa. "Raiven, do you really want to marry her?" tanong ni Choi.
Tiningnan niya ang mga kapatid niya at pagak na tumawa. "Does that even matter now? The whole country already knows about our upcoming wedding."
Tinitigan siya ng mga ito. "Brother, do you even love her? O dahil alam mong inaasahan ng lahat na kayo ang bagay at magkakatuluyan kaya ka nagdesisyong pakasalan siya? Because honestly, you have a habit of doing what other people expect you to do, you know," ani Riki.
Tumango-tango si Choi. "And we saw you with that woman on the island, Raiven. You were so different when you're with her. Kahit kailan hindi ka namin nakitang ganoon kapag kasama mo si Julia. To be honest, mas gusto ko ang nakita kong ikaw noong kasama mo si Lauradia. Mas mukha kang relaxed at masigla. Kay Julia pakiramdam ko palagi mo lang pinipilit ang sarili mo. Aren't you marrying the wrong woman?"
Para siyang sinipa sa dibdib ng mga kapatid niya dahil halos kapusin siya ng hininga. Lalo pa nang maalala uli niya ang mukha ng babaeng pilit niyang kinakalimutan—si Lauradia. Tumiim ang bagang niya. "She's the wrong woman," mahinang pagdadahilan ni Raiven. Pero alam niyang mas sa sarili niya iyon sinasabi kaysa sa mga kapatid niya.
Umiling sina Riki at Choi. "Bahala ka nga, Raiven."
Sa halip na sumagot ay sinaid na lang niya ang laman ng baso niya habang iginagala ang tingin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya at napaubo siya nang mahagip ng mga mata niya ang likod ng isang babaeng papalabas ng pavilion. His heart pounded so hard he couldn't breathe. Mabilis na iniabot niya kay Choi ang baso niya. Hindi na pinansin ni Raiven ang mga tanong ng dalawa kung ano ang nangyayari sa kanya. Mabilis siyang naglakad patungo sa direksiyon ng babaeng nakita niya.
Hindi siya maaaring magkamali, si Lauradia iyon. Ano ang ginagawa roon ng babae pagkatapos niyang sabihin dito na huwag na itong magpapakita sa kanya? He knew it was a harsh thing to say just after they made love but he knew it was the right thing to do.
Nang nakalabas siya ng pavilion ay nagpalinga-linga siya. Patakbo siyang sumunod sa babae nang makita niya itong naglalakad palayo sa kanya. Maagap na hinablot ni Raiven ang braso ni Lauradia at iniharap ito nang maabutan niya ang babae. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingala sa kanya. When their eyes met, he thought that he was about to go insane because of the whirlwind of emotions banging on his chest. Wala siyang ibang nais gawin kundi ang siilin ng halik ang babae. Why did he feel like this on the night of his own engagement party?
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
RomantizmWalong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita...