CHAPTER 2.2.2
Tyrone
What the hell did just happened?! Pervert na Jordan 'yun, ah! Though, it wasn't like I wanted to puke with the kiss 'coz her lips is just so soft-
"What's up with you, dude? Spaced-out ka yata." Si Chance na mataman pang nakatitig sa akin. Damn, napapatulala pala ako nang hindi ko namamalayan!
"Wala naman, may naiisip lang ako, tipid na sagot ko lang at pinagmasdan ang tropa ng mga babaeng papalapit sa kinalalagyan namin.
Siyempre pa, sina Dalton at Vaughn ang wala talagang pinalagpas na pagkakataon at pinaghihipuan na kaagad ang mga pumareha sa kanila. Kami naman ni Chance ay tahimik lang na nakamasid sa kanila kahit na nga may mga babae na rin sa tabi namin. Kaibigan ni Dalton ang owner nitong bar kaya kahit papaano VIP talaga ang treatment sa amin. We get the best drinks, best girls and freebies.
"Eto na pong order n'yo, sir." Bakit parang gusto ko laging atakihin sa puso sa tuwing makikita 'tong si Jordan! I still couldn't believe na rito siya nagta-trabaho.
"Oh, I know you. You're Jordan, right?" Si Chance. I don't know kung naiisip ko lang or what, pero bakit parang nagliliwanag ang mukha niya? May gusto ba siya sa pervert na babaeng 'to?
"Yes," ngiting-ngiti namang sagot niya sabay hawi sa kanyang buhok at inilagay iyon sa likod ng tainga niya. Pa-cute pa! Aish!
"You're working here?"
"Hindi ba obvious?" Inginuso pa niya ang uniform na suot niya. Stupid, eh?
"Oh y-yeah... of course..." Napakamot pa ng ulo si Chance. Halos lahat kami ay sa kanya lang nakamata at parang hindi niya pansin 'yung katabing babae. What's wrong with him?
"I'm glad to see you again." Ngiting-ngiti pa rin si Chance.
"Someone here is in love," nanunukso pang sabi ni Terrence sabay inom ng Vodka shot niya.
"Work muna ako. Iwan ko na kayo," paalam rin naman ni Jordan at kagat labi pang tumingin kay Chance. Is she flirting on him?!
"Yeah, dito lang kami," pahabol pa nang tarantadong si Chance habang nakamata silang lahat sa papalayong si Jordan.
"That woman has a body!" Si Dalton na manyak na naman!
"I couldn't agree more." Si Vaughn na nakatitig pa rin sa puwitang bahagi ni Jordan. Why do I have this feeling na gusto ko silang pagtutusukin sa mata?! Weird.
"Hey, enough of that. Mamahalin ko pa 'yan." Napabaling ako kay Chance na halos magningning nang husto ang mga mata. He really likes Jordan, huh? No doubt about it. Then why am I worried?
"God, dude!" Si Terrence. "Mukhang tinamaan ka talaga ka, ah! Akala ko pa naman bading ka!" Malakas pa siyang humalakhak.
"Tarantado!" Nakasimangot namang inakmaan nang suntok ni Chance si Terrence. It never crossed my mind that Chance is gay. Ang alam ko ay mapili siya sa babae. Unlike me, I can play with woman without having to like them,pero etong si Chance, medyo conservative type. But of course, he's still a guy. Bumibigay pa rin naman siya sa mga casual sex. Hindi nga lang kasing dalas nina Dalton at Vaughn.
"You have an eye for that chic, dude. Sunggaban mo na at for sure 'di ka tatanggihan n'un! Sa yaman at sa looks mo pa lang, mauulol na ang babaeng 'yun!" Si Vaughn. Not Jordan... I hope.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...