#CBTG #JorTy
********
CHAPTER 14.3.4
Jordan
Haist, sana kahit mumurahin lang 'to, ma-appreciate naman sana ni Ty. Bakit nga ba keychain ang ibinigay ko? Kunsabagay, ito lang din ang afford ko. Gustuhin ko mang bigyan siya ng relo, e, hello naman, ano ang laban nang bibilhin kong relo sa Rolex Watch niya? Kung sabagay cute naman itong keychain, a. Kaya lang hindi kaya siya mabaduyan? May disenyong infinity sign at dalawang bilog na silver na may naka-engraved na JOR at TY. At ang isang pinakamalaking bilog ay may naka-engraved naman ding MAHAL KO. Sabi n'ung sales lady stainless naman 'yun at hindi mangungupas. Mahal din naman ito, a. Though alam kong barya lang kay Ty ang halaga nito, dugo't pawis pa rin ang puhunan ko makabili lang nito, 'no. 'Wag siya magkakamaling pintasan ang regalo ko at bibigwasan ko talaga siya ng isa sa mukha! Hmp!
Nakapagpalit na ako ng pambahay nang biglang tumunog ang doorbell. For sure, si Ty na 'yun. Off ko naman sa bar ngayon kaya mahaba-haba ang time namin magbonding. Tiningnan ko muna ang suot kong spaghetti strap at khaki shorts sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Wala pa rin si Cary, pero siguro malapit na ring umuwi 'yun.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang gwapong mukha ng boyfriend ko hawak ang isang pirasong long stem rose.
"Good evening, Mahal ko," malambing pang sabi niya sabay abot ng rose.
"Good evening, Mahal ko!" Sinalubong ko rin naman siya nang mahigpit kong yakap. Ang bango pa rin talaga niya. Bumabaho man lang kaya siya kahit minsan?
"Hmm... I'm starving. May pagkain ka ba diyan?"
"Opo, mayroon. Come in." Humawak pa ako sa kamay niya papasok. Actually, kaninang tanghali ko pa niluto 'yun. Alam ko naman kasing matagal kaming magkakasama ngayon.
Agad naman din niyang isinara ang pinto. Bago pa man ako makahakbang ay hinapit na niya ako sa baywang at mariing hinalikan sa labi.
"Where's Cary?" Ikiniskis pa niya ang kanyang ilong sa aking ilong.
"Parating na siguro 'yun."
"Sabihin mo tagalan niya," natatawa pang sabi niya kaya naman sinapak ko siya sa balikat. Kamanyakan na naman ang naiisip niya, for sure!
"Heh! Tumigil ka nga!" Umirap ako at humiwalay muna sa kanyang katawan. Pansamantala kong iginayak ang dinner namin at kanina pa rin ako nagugutom dahil nga inuna ko muna ang pagbili ng gift ko para sa kanya.
Lumapit naman siya sa dining table at isinandig ang dalawang kamay niya sa backrest ng upuan habang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-concious dahil hindi ko kasi alam kung naiisip ba niya 'yung nangyari noong isang araw. Shit. Nahawakan na niya ang hinaharap ko, pang ilang base na ba 'yun? Kamalayan ko ba sa gan'un!
"Kumusta ang date ninyo ni Tiff?" Bigla ko na lang tuloy naitanong.
Kumunot ang noo niya at sinamaan ako nang tingin.
"It's not a date, Jordan." Shit. Oo nga pala, hindi nga pala date 'yun.
"S-sorry... nagkamali lang." Nag-peace sign ako at umiling-iling lang siya sa akin bago naupo.
Kinuha ko ang nasandok kong kanin sa rice cooker at inilagay sa gitna ng table. Nagsandok na rin ako ng adobong pakpak ng manok na talaga namang sobrang paborito rin ni Cary.
"That would be the last time, Mahal ko. Sa susunod, expect me not to obey you anymore," pasupladong sabi pa niya at umismid.
"Oo na nga." Umismid lang din ako at naupo na sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...