#JorTyHoldingHands
********
CHAPTER 7.4.4
JORDAN's POV
Halos eleven o'clock na noon nang mamataan ko ang barkadahang Ty, Chance, Vaugh, Dalton at Terrence. Mukhang laman talaga sila ng bar. At 'di talaga maipagkakailang nagwawala ang mga babae sa paligid kapag nakikita na sila. E, hello naman, wala naman kasing tulak sipain sa kanilang lahat. Lahat kakabigin mo talaga dahil sobrang ga-gwapo. Agad na nahagip nang tingin ko si Ty na bahagyang nakakunot-noo sa akin. Haist, hindi ko maintindihan 'tong tao na 'to! Parang pasan palagi ang mundo at laging salubong ang kilay. Though yeah, ang gwapo pa rin kahit gan'un.
"Hi, Jorge!" Nakangising salubong sa akin ni Chance. Pero ganoon na lang din ang gulat ko nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi! Loko talaga! Tinotoo!
Nang balingan ko nang tingin si Ty ay ang talim nang titig niya sa aming dalawa. Seriously? Nagseselos ba talaga siya?
"Late yata kayo nang dating?" kaswal ko pang tanong mataas na alisin ang pagbabara sa aking lalamunan.
"Nakatulog kasi 'tong gagong si Vaughn! Ang hirap gisingin!" reklamo pa niya.
"Ahh..." Tumangu-tango lang ako. "Ulitin mo pa ulit 'yang paghalik mo, malilintikan ka na sa akin sa susunod!" mahinang banta ko pa.
Agad naman siyang natawa at napahawak pa sa kanyang tiyan. Tingnan mo 'to!
"Nakakatakot ka naman pala!"
"Uy, umayos ka nga!" Pasimple ko pa siyang siniko sa tagiliran at agad naman siyang napangiwi.
"Argh! Nananakit ka na, a!" Kinagat niya ang kanyang labi, pero hindi pa rin mapigilan ang mangiti.
"Bumalik ka na 'dun. Mag-work muna ako." Tinalikuran ko siya nang hindi pa rin tinatapunan nang tingin si Ty, pero kahit pa gan'un, pakiramdam ko kasi ay nakatingin pa rin siya sa akin. Parang gusto kong malusaw nang wala sa oras.
As expected, ang daming mga babae ang lumapit nang lumapit sa kanila. 'Yung mga babaerong sina Dalton at Vaughn na hindi yata tatagal na walang babae ay nakikipaghalikan na d'un sa pwesto nila. May kau-kausap din si Terrence, pero tamang nakikipagkuwentuhan lang. Si Chance naman ay katabi lang si Ty na umiinom. Mukhang may pinag-uusapan sila, pero parang wala naman sa sarili si Ty at madalas ay nahuhuli kong nakatingin sa akin. Panay din ang senyas ni Chance na para bang sinasabing tama siya nang hinala kay Ty.
Nang sumapit na ang oras ng out ko ay nakaantabay na kaagad si Chance sa harapan ng bar. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi ko na makita si Ty. Nauna na siguro.
"Looking for someone?" nanunuya pang bungad niya.
"Hindi, a." Umirap ako at ngumuso.
"Nauna na. Mukhang wala sa kundisyon. Nagpahalik ka kasi sa akin!" niting-ngiti pang sabi niya.
"OA ka mag-isip. Baka naman lasing na 'yung tao."
"Hindi nga ako kinakausap. Next time sa lips na kita hahalikan."
"Subukan mo lang nang dumugo ang nguso mo!" banta ko pa at nakangising nagpeace sign naman siya. Mukhang seryoso na ito, a. Bakit ba parang pinalis lahat nang kilig ko para kay Chance? Samantalang nitong nakakaraang araw ay hindi naman kami ganito makitungo sa isa't-isa. Para pa nga kaming nagkakahiyaan. Pero ngayon ay barkadang-barkada na lang talaga kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...