CHAPTER 3.2.3
TYRONE's POV
And what can you expect from Jordan? Siya na yata ang nag-iisang babaeng nakilala kong sobrang daldal. Ang sarap din lagyan ng tape sa bibig ang babaeng 'to, e! Masyadong feeling close kaagad. Samantalang kapag si Chance ang kausap parang 'di makabasag pinggan!
"Uy, pwedeng magtanong?" excited pang sabi niya sabay kagat-labi pang tumitig sa akin.
"What?" Bahagya ko lang siyang sinulyapan. Kaunti na lang ay makakarating na kami sa mansion.
"May girlfriend na ba si Chance?" nahihiya pa niyang tanong at hindi ko naiwasang makapagtaas ng kilay. Sabi ko na nga ba!
"Why don't you ask him," walang interest na sagot ko naman.
"Ayoko nga! Dyahe, e!" Huh? Was she blushing?
"You like him, huh?"
"H-hindi naman!" tanggi pa niya, but her face says it all! "Slight lang..."
"Hmm..." That's weird. Parang hindi ko nagustuhan ang sagot niya. Normally, sa aming lima, ako lagi ang unang nagugustuhan ng mga babae. Siguro nga iniisip pa rin ng babaeng 'to na bading ako. Kaunting hintay na lang, lagot talaga si Cary sa akin! At kahit hindi ako nanununtok ng bading ay mukhang ngayon magkaka-first time!
Nang makapasok na kami sa security tight exclusive subdivision ay hindi na niya nakuhang magtanong.
"Wow, puro mayayaman pala ang nakatira rito!" Nanlalaki pa ang mga mata niyang abala sa pagtanaw kabila't kanan.
I smirked. Wait 'til she see our mansion.
Huminto ako sa tapat ng isang mataas na gate at bumusina. Agad din naman iyong nagbukas kasabayan nang namamanghang mukha ni Jordan. Kulang na lang ay maglaway siya tulad nang inaasahan.
"Tangna, Ty! Ito ang mansion n'yo?! Seryoso?!" Nanglalaki pa ang kanyang mga mata. Bakit ba parang namutla siya?
Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng main entrance ng mansion. Agad din sumalubong sa akin si Raul na long time bodyguard na ni Mom.
"Good evening, Sir Tyrone," nakangiting bati pa niya. He was like an older brother to me. Parehas sila ni Spencer na bodyguard naman ni Dad.
"Good evening, Raul. Kumusta?" Tinapik ko pa siya sa balikat.
"Okay naman. Tagal mo nawala, Sir. Dito ka na ba ulit?"
"Not yet. Dinner lang," tipid namang sagot ko. Noon ko na lang binalingan si Jordan na parang tanga habang panay ang picture sa sarili sa harap ng fountain namin na punung-puno ng iba't-ibang kulay ng ilaw. "Sa labas ka na lang ba? Ginawa mo pang mall ang bahay namin." Iiling-iling akong nagpatiuna papasok.
"Uy! Wait naman!" Nagmamadali pa siyang sumunod at bumangga pa siya sa aking likod.
"Will you slow down! Aish!" Sinamaan ko siya nang tingin, pero parang hindi man lang siya naapektuhan at dumila pa siya sa aking parang bata.
Pagpasok pa lang namin sa loob ng mansion ay agad na sumalubong sa akin ang napakagandang mukha ni Mommy.
"Sweetheart!" Masayang-masaya pa niya akong sinalubong nang mahigpit niyang yakap at halik. "I miss you, sweetie." Pinisil-pisil pa niya ang magkabilang pisngi ko. Ginagawa lang din akong bata ni Mommy minsan. But yeah, I didn't care. I really love my Mom. "How are you?"
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...