#LumalandiSiJordan
CHAPTER 3.3.3
TYRONE's POV (Cont.)
While eating dinner, talagang in-interview nila nang husto si Jordan. Obviously, my family loves her dahil kaunting sabihin lang ni Jordan ay talagang humahagalpak sila nang tawa.
"You should stop working at the bar, Jordan. It's dangerous for you." Si Dad.
"Naku, Tito, okay lang po. Sanay na rin po ako."
"I can help you find a job in one of our company and puwede rin kitang tulungan sa school ni Ty."
"Naku! Hindi na po! Okay lang po talaga! Nakakahiya naman! Okay lang po talaga ako!" Panay ang tanggi at iling ni Jordan. At least she's not some opportunist.
"All right. Just don't hesitate to ask for my help. Basta special sa anak ko, special na rin sa amin." As expected.
"There is nothing special going on with us, Dad. So, stop assuming, okay?" I rolled my eyes at humagikhik naman si Kirsten. Si Mom naman ay panay lang din ang ngiti nang nakakaloko sa akin. These people are unbelievable.
"Just saying..." Ngingiti-ngiti rin si Dad as if may nalalaman siyang hindi ko nalalaman.
"You guys are impossible." I smirked.
Si Jordan naman ay namumula nang husto at pilya ring sumusulyap nang ngiti sa akin.
"You know, son, sometimes when you fall so hard, it was harder to pull yourself up."
"Why am I having this feeling that you didn't believe what I just told you right now?" Iginala ko ang tingin sa kanila at panay lang ang ngitian nilang nakakaloko sa akin. "Jordan, you might want to say something?"
"Nagsasabi po ng totoo si Tyrone. Hindi po ako ang type niya kasi—"
"Jordan!" Aish! Mukhang iba na naman ang lalabas sa bibig niya, a!
"S-sorry..." Napangiwi siya at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin.
"There is a best time for everything, I suppose." Si Dad pa rin at pilit na pinipigilan ang mangiti nang maluwag.
"Ulan ba 'un?" Si Mom na napatingin pa sa labas.
"Opo, Ma'am. Umuulan po." Si Manang Norma na bigla na lang sumulpot galing sa kusina at ngiting-ngiti itinuon ang atensyon sa akin.
"Manang Norma!" Agad naman din akong tumayo at sinalubong ko siya nang yakap ko. Oh, how I missed her! She's like a second mother to me. She's family to us.
"Kumusta, Ty?" Tinapik-tapik pa niya ako sa likod.
"I'm okay, Manang. You?"
"Namimiss ka namin dito." Hinaplos niya ang aking pisngi at pasimpleng nilingon si Jordan na nakamata pala sa aming dalawa. "Girlfriend?" Pilya pa siyang ngumiti at marahan lang akong napailing. Mukha ba talagang girlfriend ko siya?
"No." I rolled my eyes when I saw their reactions.
"First time mong nagdala ng babae rito? Special friend?" Kumindat-kindat pa siya.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...