Chapter 10.2.4

600K 7.9K 600
                                    

#AyawKumalmaNiJorge

********

CHAPTER 10.2.4

Tyrone

I was at the parking lot waiting for my Jordan. Medyo ahead ang oras ko sa kanya ng thirty minutes kaya iniwan na rin ako ng barkada at magbi-billiard pa raw sila. Though I am not sure about Chance because he's all over my sister. For sure, may ibang lakad din ang dalawang iyon at ang tatlong Casanova lang ang magsasama. Hindi na ako magtataka if one day makakuha ng sakit sina Vaughn at Dalton sa sobrang hilig. Buti na lang at medyo matinu-tino pa rin si Terrence. Pihikan pa rin siya sa babae kumpara sa dalawa na walang pinapalagpas. Oh well, at this point in time, wala na sa utak ko ang ibang babae dahil I am very much contented with my Jordan.

"Ty, can we talk?" Mariin akong napapikit nang makilala ang boses na iyon. Ibang klase talaga itong si Tarah. Siya lang ang babaeng pinaka-persistent sa lahat ng mga naging fling ko. Feeling girlfriend talaga umasta!

"I don't think I have time, Tarah," pasupladong sagot ko habang nakasandal sa aking Black Fortuner.

"Please, Ty, don't do this to me," nagmamakaawa pang sabi niya habang panay ang hawak sa aking braso. Gusto ko sanang tabigin, pero ayoko naman ding mabastos ko na naman siya. May kasalanan din naman ako sa nangyayari sa kanya ngayon. Alam kong pinaasa ko siya dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya noon. Hindi naman kasi akong nag-initiate ng halik sa ibang babae, normally sila ang gumagawa n'un. I have given her the wrong signal.

"I am in love with Jordan, Tarah. Maraming ibang lalaki d'yan. Please..." God, ilang babae ba ang nagpapaka-desperada nang ganito kahit tinatanggihan na?! Hindi naman din ito ang unang beses na may nagkaganitong babae sa akin, pero si Tarah, pinaka-persistent talaga sa lahat.

"I love you, Ty. Ikaw lang... I can do better than Jordan. I'll do everything for you."

"There's the difference, Tarah. She did not do anything for me." Actually, that is the thing I found weird. Kahit na walang ginagawa si Jordan, one day ay nagising na lang ako na in love sa kanya. I suddenly couldn't get her out of my system.

"I know challenged ka lang kay Jordan. One day, mawawala lang din 'yan..."

"I don't think so." Umiling-iling ako at gusto ko na lang sana lumayas.

Humagulgol siya sa harap ko. I almost rolled my eyes. Oh, fuck.

"Hey..." Bahagya ko siyang tinapik sa braso, pero agad naman siyang yumakap sa akin. No, shit. "Tarah, please..." Hinawakan ko siya sa baywang at bahagyang itinulak, pero halos 'di ko siya natinag sa higpit nang yakap niya.

"I love you, Ty... I love you," umiiyak pang sabi niya at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hinalikan. Oh, crap. Jordan would definitely be fuming mad when she saw this!

"What the fuck Ta-- Jordan?!" Gulat pa akong napatitig sa babaeng nagtatakbo palayo. Shit! Hindi ko alam kung gaano ko kalakas naitulak si Tarah, basta't ang alam ko na lang ay malakas iyon dahil sa pagkalabog ng katawan niya sa sasakyan ko.

"Ty!"

"Fuck, Tarah! Will you fuckin' stop the shit! I am in love with Jordan, okay?! Fuck!" sigaw ko pa sabay marahas na ginulo ang aking buhok. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Gaddamnit!

Mabilis akong nagtatakbo para sundan si Jordan, but fuck, mabilis din siyang nakasakay sa jeep! I will fucking kill Tarah!

Galit na bumalik ako sa aking sasakyan at naabutan ko pa rin si Tarah na takot na naghihintay. Oh, jeez! Don't give me that look! I am so pissed!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon