Chapter 20.2.2

369K 6.2K 186
                                    

CHAPTER 20.2.2

Jordan

Aish Jordan! Ano bang iniiyak-iyak mo d'yan?! Para kang tanga! Ugh! Hindi ako makapaniwalang may anak na sila ni Tiffany. Kaya pala... kaya pala... Tangna naman, oh. Asa ba talaga akong after all these years walang gagalawing ibang babae si Ty?! Kahit naman noong hindi pa kami ay alam ko namang ginagawa na niya iyon sa ibang babae. Oh God, bakit ba nasasaktan ako nang ganito?! Kailangan ko pa bang tanungin ang sarili ko kung alam ko naman ang sagot. Putcha naman, oh. Baliw na nga yata ang tawag sa akin. Ang hirap din pala na sinasarili ko ang lahat sa napakahabang panahon. Mahal na mahal ko pa rin si Tyrone. At ang masama pa nito, mukhang hindi ko na kayang magmahal nang iba maliban sa kanya.

Mali ba talaga ang desisyon kong iwanan siya? Mali ba talaga?! Pero iyon ang mabuti. Iyon ang makakabuti para sa kaligtasan niya at ng pamilya niya. Dapat bang sinabi ko na lang sa kanya ang totoo? Ugh! Ngayon pa ba ako maguluhan kung kailan huli na ang lahat para sa aming dalawa?!

Aaminin ko, halos maghapon akong nawala sa sarili. Super cute naman ng baby niya at hindi naman maikakaila na anak niya kasi nahahawig niya. Kung nabuntis kaya ako noon hawig din kaya niya? Aish! Too late for that, Jorge! Ngayon ka pa ba mangarap? Ngayon pa talaga?! Ugh!

Halos 5:30 na noon nang hapon ay hindi pa rin ako lumalabas ng headquarters. Wala na talaga ako sa kundisyon. Pakiramdam ko kasi ay walang lakas ang mga braso kong magtrabaho. Haist...

"Jorge..." Mahinang kumatok pa si Isaac sa aking maliit na kwarto. Kanina pa ako nakahiga at malamang ay masesante ako kapag may nakaalam na nakatanga lang ako rito maghapon.

"Uy, pasok ka." Bumangon ako at naupo. Agad kong nasalubong ang tila nagtatakang mga mata niya.

"Okay ka lang ba?" Noon na siya umupo katabi ko sa bed. Single bed lang naman ang hinihigan ko at halos wala naman na ring space sa headquarters na 'to. Nagmagandang loob nga lang noon si Madam Lulu para may matulugan ako sa building na 'to.

"Oo naman," matabang na sagot ko.

"Mukhang hindi, e," mapait namang sabi niya at malamlam ang mga matang tumitig sa akin.

"May hindi ka sinasabi sa akin, Jorge?" malungkot pang tanong niya sabay buntong-hininga. "Parang may nag-iba kasi sa'yo, e."

"Nag-iba? W-wala naman, a." Kinagat ko nang mariin ang aking labi. Nasanay naman akong walang sinasabihan, pero bakit may guilt akong nararamdaman sa hindi ko pagsasabi nang totoo kay Isaac?

"Matagal na rin tayong magkasama, Jorge. At kahit paano kilala na kita." Marahan pa niyang inilapit ang kamay niya sa pisngi ko at banayad na pinisil iyon. "Simula nang dumating si Sir Tyrone dito, parang lagi kang balisa. May nakaraan ba kayo ni Sir?"

Literal akong natigilan sa tanong niyang iyon. Halata ba ako masyado? Paano?

"Noong bago ka rito, tinatanong kita noon kung bakit palagi kang iyak nang iyak. Natatandaan mo ba ang sagot mo noon?" Bahagya pa siyang kumunot-noo sa akin at nag-iwas naman ako nang tingin. "Sabi mo, nasasaktan ka lang kasi kailangan mong iwan ang taong pinakamamahal mo para sa kaligtasan niya."

Napalunok ako. Tandang-tanda ko pa kung papaano ako nagdusa sa mahabang panahon dahil sa desisyon kong iyon.

"Si Tyrone ang lalaking iyon, Jorge?"

Hindi ko alam kung papaanong napatango na lang ako at pinigilang umiyak. Hindi puwedeng umiyak ako sa harap ni Isaac. Masasaktan ko siya lalo kapag ginawa ko iyon. Alam ko namang mahal niya ako, pero hindi ko magawang ibalik sa kanya ang pagmamahal na 'yun dahil kay Ty.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon