Chapter 12.1.3

597K 7.3K 239
                                    

#CBTG

#MeetDaltonAce

#JorTy

********

CHAPTER 12.1.3

Jordan

Halos dalawang araw din akong hindi nakapasok sa bar dahil sa pagbabantay kay Ty. Nakakaawa naman kasi at hindi ako sanay na makitan siyang gan'un. Kaya tuloy nang dumalaw ang Mommy at Daddy niya ay sobrang nakaramdam ako nang hiya. E, hello naman? Sino ba namang hindi mag-iisip nang masama sa aming dalawa? Kami lang ang nasa suite niya for two days? At kahit wala naman talaga ay makakapag-paliwanag ba ako? Ayoko lang naman ding isipin nila na gan'un akong klaseng babae. Easy to get. Haist, masyado nga yata akong nag-iisip ng mga walang katuturang bagay.

At tulad nang nakakaraan, laman na naman ako ng canteen. Kung siguro wala akong love life, super boring ng buhay ko. Buti na lang, pinapaganda ni Ty ang dati'y walang kulay na buhay ko.

"Hello, Mahal ko," matamis na matamis pa ang pagkakabati sa akin ni Ty. All right, relax lang naman puso ko, nagwawala ka agad. Haist...

"Hello..." Pasensya naman, kahit kasi gusto ko siyang tawagin sa endearment naming dalawa ay madalas na nauunahan ako nang hiya. Pakiramdam ko kasi kapag may nakakarinig na ibang tao ay puro saksak ang inaabot ko sa likuran. Tulad ngayon na halos lahat ng mga mata ay nasa aming dalawa. Wala naman din kasing pakialam si Ty sa mundo. At kapag nakatitig siya sa akin tulad ngayon ay parang ako lang ang nakikita niya. And those sleepy eyes, tangna, sarap lang...

"I missed you," halos pabulong pang sabi niya sabay kagat sa kanyang labi. Ang labing iyon ang pinakamasarap na humalik. Oh well, as if may pagkukumparahan ako, pero basta, si Tyrone lang ang may kakayahang magdala nang kakaibang elektrisidad sa aking buong sistema.

"Parang kakakita lang natin..." Pinaikot ko ang aking mga mata at napahalakhak naman siya.

"You guys should get a room! I am getting goosebumps here! Jeez..." Si Dalton na malakas pang humalakhak kasabay nina Chance, Terrence at Vaughn.

"I never thought that Ty would be like that you know—" Si Vaughn. "Grabe ka pala ma-inlove, dude!"

Namula si Ty sa birong iyon ni Vaughn, pero pinaambunan lang niya iyon nang matatalim na tingin at tamang nagtawanan na naman silang lahat.

"Fuck, dude, hindi lang naman si Ty ang in love, pati itong brother-in-law niyang si Chance!" Si Terrence na pinagdiskitahan din si Chance na hindi naman din nag-protesta.

"Kayo kasi, puro kamanyakan lang ang alam!" Si Chance. "Masuwerte kami ni Ty dahil may nagmamahal sa amin. Mas masarap pa ring kalandian ang taong mahal mo, gago!"

Nagtawanan na naman ang lahat sa sinabi ni Chance. Tamang sinamaan lang siya nang tingin ni Ty dahil kapatid niya ang pinag-uusapan, pero nakadepensa rin naman si Chance at nagtaas ng kamay.

"But I love Kirsten so much," nakangiting sabi pa niya. "Kaya chill lang, bro."

"Dapat lang, Chance," seryosong sagot naman ni Ty. "Just don't fuckin' mess up with her."

"Whoa, whoa..." Si Terrence na ngiting-ngiti pa rin. "Fuck, dude, you better be good to Kirsten 'coz our brother here is putting red tags on your neck!"

"Damn. Bakit ba sa akin nalipat ang usapan na 'yan kasi!" reklamo pa ni Chance sabay nagkamot ng ulo.

"Take him somewhere private, Jorge." Baling pa ni Dalton sa akin. "Palamigin mo muna ang ulo at ang bilis mag-init!" Humalakhak siya at nakipag high five sa mga kabarkada.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon