#NamamanyakSiJordan #PechaySiJordan #NapakaJorTyNgOtor LOL XD
CHAPTER 4.1.3
Jordan
Bakit ba ang bigat ng pakiramdam ko? Nang unti-unti kong idilat ang aking mga mata ay noon ko na lang nakita kung gaano ba siya kalapit sa akin. Ay jusko, para rin pala si Cary mangyakap 'to! Nakapulupot ang braso niya sa baywang ko at nakadantay pa ang isang paa sa hita ko. Shemay naman 'tong si Tyrone talaga! Kaya pala kulang na lang ay hindi ako makahinga!
"Ty, umusad ka nga. 'Di ako makahinga..."
Hindi man lang gumalaw ang loko. Hindi ko tuloy alam kung narinig ba ako o papaano. Nang bahagya ko siyang lingunin ay kulang na lang mahalikan ko siya sa labi. Tangna! Kahit na medyo nakabuka ang bibig niya sa himbing nang tulog ay ang gwapo pa rin talaga. At ang hininga niya, wagi! Ang bango! Ang sarap pagsamantalahan nang gago kaya lang baka sabunutan ako. Haist...
Nang bahagya siyang gumalaw ay noon ko na siya bahagyang itinulak palayo. Wala naman siyang malay na napasunod at tumalikod na sa akin.
Kailangan ko nang bumalik sa kwarto ko. Nakakahiya rin naman kung makikita nila akong dito natulog sa kwarto ni Ty. Ayos na sa akin na kahit paano ay nakatulog ako nang maayos.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at papalabas na sana ako nang matanawan ang parents ni Tyrone sa tapat ng kwarto nila. Tila kakagising lang din at panay ang lampungan sa harap ng pintuan. Putcha! Ang hot nila tingnan! Bigay todo sila sa paghahalikan habang panay ang impit na hagikhik ni Tita Ady. Hindi ko lang maintindihan kung ano ba ang ibinubulong ni Tito Seb at panay din ang pigil na tawa nang malakas. Ang swerte naman talaga ni Tita Ady kasi parang mahal na mahal talaga siya ni Tito Seb. Habang naghahalikan kasi sila ay nakapikit ang mga mata ni Tito. Panay din ang haplos niya sa bandang puwitan ni Tita. Jusko, nagkakasala ang mga mata ko sa kanila.
"Pervert mo rin talaga, e, 'no?" Muntik nang malaglag ang puso ko sa pagsasalitang iyon ni Tyrone sa likuran ko! Agad ko ulit isinara ang pinto at sinenyasan siyang manahimik!
"Nakita ko lang sila paglabas ko, 'no! Hmp!" Dinilatan ko siya at umiling-iling naman siya sa akin na akala mo hindi kumbinsido sa rason ko.
"You've been watching them, Jordan. Tss... Gusto mo bang gawin natin ang ginagawa nila?" Nakakaloko pa siyang ngumiti at pinasadahan nang tingin ang dibdib ko. Shit! Wala nga pala akong suot na bra!
"Kagabi ka pa! Kung hindi ka lang—" Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil agad na namang nagbago ang aura niya. Ang sensitive talaga! But of course, naiintindihan ko naman ang kalagayan niya.
"Lilipat na ako sa room ko. Baka kung ano pa isipin nila."
"Ikaw 'tong nagpilit na tumabi sa akin." Umismid siya at tinalikuran na ako para pumunta sa comfort room.
"Oo na! Lipat lang ako, huh!" Noon na ako ulit lumapit sa pintuan at dahan-dahan ko iyong binuksan. Buti na lang at wala na roon ang parents ni Tyrone. Masyado nga yata akong nag-enjoy sa panonood sa kanila. Ano kaya ang pakiramdam nang ganoong klaseng halikan? Nahalikan man ako ni Ty, pero hindi pa rin naman gan'un at walang hawakan na gan'un. Sus, Jordan! Bakit ba nama-manyak ka na naman?! Kay aga-aga! Inalog ko ang aking ulo at malalim na humugot nang buntong-hininga bago pumasok sa kwartong hindi ko natulugan kagabi.
At tulad nang nakaraang gabi ay kasabay ko ulit kumain nang umagahan ang buong pamilya ni Tyrone. Sa totoo lang ay wala akong masabi sa kabaitan nila. Mukhang ito nga lang si Tyrone ang medyo ligwak ang ugali! Kahit si Kirsten naman ay sweet at mabait.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...