Chapter 8.3.5

670K 9.4K 496
  • Dedicated kay Graciel Lawas Jishikamikikuta
                                    

#JorTyCountdownToLove

********

CHAPTER 8.3.5

JORDAN's POV

Nang makarating kami sa pangpang ay sabay-sabay kaming umakyat sa mataas na hagdan patungo sa naka-elevate na beach house nila. Sumalubong din sa amin ang ilang katiwala at pinagkukuha ang mga gamit namin. Tamang narinig kong nagbigay ng instruction si Tito Seb kina Ty at Kirsten na paminsan-minsan pang napapasulyap sa gawi namin.

"Ate Jordan, samahan mo ako sa room, okay lang? Ayoko kasing mag-isa," malambing na sabi pa sa akin ni Kirsten. Sino ba naman ako para tanggihan siya?

"Sure," nakangiting sagot ko naman at agad niya akong hinila paakyat sa ikalawang palapag.

Nakasunod sa amin 'yung iba na abalang-abala pa rin sa pagmamasid sa paligid at panay ang tawanan. Mukhang excited na talagang maglublob sa dagat.

"Best day ever!" Narinig ko pang sabi n'ung isang bisugong alipores ni Tarah. Iyon yata 'yung Shaira. I am not sure. Narinig ko lang kasing pinag-uusapan nila Dalton at Vaughn. Mukhang gagawin pang pampalipas ng oras ng mga gago!

Nang makarating kami sa kwarto ni Kirsten ay gan'un na lang din ang pagkamangha ko dahil ang cute cute pa rin ng room niya. Para bang hindi pa dalaga ang nagku-kwarto. Kaya tuloy nasasabi ni Chance na baby pa siya dahil pambata pa talaga ang taste niya.

"Wala kang hilig sa pink, 'no?" biro ko pa habang malapad ang ngiti.

"Obvious ba?" Napahakhak pa siya sabay higa sa bed. "I missed this! Tagal na rin naming hindi nakapunta dito," sabi pa niya.

"Ang yaman n'yo talaga. Wala kaming ganito." Nagpapakatotoo lang naman din ako.

"Hey, bawal ang ganyang topic dito sa room, okay?" Bumangon siya at tipid na ngumiti. "You can just put your things there." Itinuro pa niya ang closet. "Baba lang ako sa kitchen at sumunod ka na agad, huh. Kakain tayo." Noon na siya tuluyang tumayo at lumapit sa pinto. "'Wag ka na magtagal, okay?"

"Sige." Tumango ako at noon na siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Lumapit ako sa may veranda at pinagmasdang maigi ang paligid namin. Tanaw na tanaw ang kagandahan ng dagat sa kinalalagyan ko. At kahit pa natatakot ako sa jet, still, it was all worth it. Para akong nasa paraiso sa ganda.

"So, how do you like the place?" Muntik na yatang malaglag ang puso ko sa biglaang pagsulpot ni Ty sa likuran ko. Putcha! Napakatahimik namang pumasok ng lokong 'to!

"Nakakagulat ka naman!" Malakas ko siyang sinapak sa braso at napahalakhak naman siya nang malakas.

"Oh! I'm sorry about that. Akala ko kasi narinig mo akong pumasok." Aish! Sarap sapakin kung 'di lang siya gwapo! Hmp!

"Ewan ko sa'yo!" Umismid ako at nag-iwas kaagad ako nang tingin. Kinakabahan na naman ako lalo pa nga't ang lapit na naman niya sa akin.

"It's beautiful in here, isn't?" Isinandig pa niya ang kanyang siko sa barandilla at iginala rin ang tingin sa paligid.

"Oo nga. Sobrang ganda." Napabuntong-hininga lang din akong tumanaw sa malayo. Sobrang peaceful ng lugar at puso ko na lang ang nagwawala sa pagkakataong ito.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon