Chapter 8.4.5

692K 9.4K 638
                                    

#JorTyCountdownToLove

#KirsChanCountdownToLoveToo

********

CHAPTER 8.4.5

JORDAN's POV (Cont.)

Nang makalabas kami ng beach house ay mas lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng aking mukha. Exposed na exposed ako sa suot ko. Shit. Gusto ko yatang magtatakbo pabalik sa loob!

At nang halos ilang dipa na lang ang layo namin sa nagkakagulong barkadahan ay agad kong nasalubong ang pagtingin ni Ty sa gawi namin ni Kirsten. Or maybe iniisip ko lang? Hindi ko naman kasi nakikita ng direkta ang mga mata niya sa suot niyang Aviator.

"Wow..." Si Chance na kagat-labi pang tumitig sa akin mula ulo hanggang paa. "You're so beautiful, Jorge," manghang sabi niya. Gusto ko tuloy ma-concious nang husto dahil talagang lahat sila ay sa akin nakatingin. Taas-kilay lang ang mga bisugo na nakatingin din sa akin. At tama si Kirsten, ma-out of place nga pala ako dahil naka bikini silang lahat.

"T-thanks..." Alanganin akong ngumiti. Ngayong topless ni Chance, parang nakaka-concious tumitig sa kanya. Hindi naman kasi sila nagkakalayo sa ganda ng katawan ni Ty. Well defined biceps, triceps at kung anu-ano pang ceps 'yan! And, shutang inerns the abs! At magsing kinis din sila! At mas lalong hot siya tingnan ngayong basa-basa ang katawan niya ng tubig. Bagay na bagay din sa kanya ang suot niyang gold necklace na tila kasing nipis lang din ng suot ni Ty. Akalain mo nga naman maliligo lang sa dagat may necklace pa rin. Ang gwapo! Parang model lang ang peg!

"Kirsten!" Ngiting-ngiti pang lumapit si Johan sa amin. Equally hot si Johan. Tulad nang ibang boys, topless rin siya at naka board shorts na lang din. Napaka-suwerte kong nilalang dahil napapaligiran ako ng mga gwapo. Juicecolored.

"Hey, Johan!" masayang balik bati rin naman ni Kirsten. "Are you enjoying the beach?"

"It's better now that you're here," malambing pang sagot niya. Anak naman ng tokwang banat 'yan! Kinikilig ako! Pero pagbaling ko nang tingin kay Chance nakakunot-noo lang siyang nakatingin kay Kirsten. Hmm, ano kayang hindi sinasabi ni Chance sa akin?

"Ate Jordan, enjoy ka lang, huh." Paalam pang umakay si Kirsten kay Johan papunta sa sun lounger. Nagdidilim pa rin ang mukha ni Chance na halos hindi napansing nage-exists pa ako sa tabi niya.

"Tell her!" sabi ko lang sabay hila sa kamay niya papunta sa bakanteng sun lounger sa direksyon na malapit sa kinalalagyan ni Ty.

"Huh?" Napakunot-noo lang siya sa akin. Deny pa 'tong lokong 'to!

"Sabihin mo na kasi ang nararamdaman mo na 'yan. Baka maunahan ka pa ni Johan!" Umirap ako. Gago din 'tong lalaking 'to, e. Kung type niya si Kirsten, e, bakit niya ako liligawan? Adik din, e. Sarap pa tokhang ng kuyumad!

"I don't understand—" Napatitig lang siya sa akin bago humalakhak nang malakas. "No- I mean... No- It's not what you think," iiling-iling pa niyang sabi sabay upo sa sun lounger at hinila niya ako patabi sa kanya.

"You like Kirsten, Chance," direkta ko namang sabi. Weird ko lang talaga na wala akong maramdaman na lungkot sa sinabi ko kahit pa alam kong nagkagusto rin naman ako sa kanya kahit na papaano. Ang gwapo kaya niya! Nakakahinayang na pawalan ko siya dahil lang sa iniisip naming parehas na may gusto sa akin si Ty. Paano kung nilalandi lang talaga ako ng gagong 'yun! Sayang si Chance! Haist! Kung sabagay, mas bagay sila ni Kirsten.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon